008

1 0 0
                                    

Maaga akong nagising dahil ngayon ang birthday ni Lola Isay! Excited na excited ako dahil alas singko pa lang ay nagising na ako para iayos ang bakuran namin. Lunch party kasi ang balak namin ni Lola. Taray noh?

Alas syete na ng matapos ako magsabit ng mga decorations. Color blue at red ang balloons at ang ibang decorations.

Nagpupunas ako ng pawis nang may mapansin akong mali. Parang may mali...?

Ah, oo! Si Lola Isay! Kadasalan mas maaga pa siyang magising sa akin dahil naghahanda siya ng umagahan pero iba ngayon! Birthday niya kaya alam kong mas maaga siyang gigising.

“La! Gising na ho! Pasado alas syete na!” sigaw ko pagkapasok ng bahay.

Sigaw ako nang sigaw sa pangalan ni Lola pero wala. Walang Lola Isay na sisigaw pabalik at sasabihing maghintay ako.

Kinutuban ako.

Kinakabahan na ako.

Namumuo ang pawis sa noo ko at mabilis na tumakbo papuntang kwarto ni Lola. Binuksan ko agad ang pinto. Nakita ko siyang matiwasay na nakahilata sa kama at nakabalot ng kumot.

“La? U-umaga na ho,” kinakabahan kong tawag sakaniya.

Dahan dahan akong humakbang palapit.

Pabilis nang pabilis din ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam ang dapat maramdaman.

Umupo ako sa kama. Mahimbing na nakapikit si Lola Isay.

Mahimbing...

Nakapikit...

Pero hindi siya humihinga...

“Lola?! Lola Isay!” nagpapanic kong tawag sa pangalan niya at inalis ang kumot na nakabalot sakaniya.

Nanginginig na ang buong katawan ko.

Mahina kong tinapik tapik ang pisngi niya at nagbabakasakaling magising at sabihing ang OA ko.

“L-la? Gising na ho, m-magp-prepare pa tayo para sa b-birthday mo....”

Hinawakan ko ang pulupulsuhan niyang sobrang lamig. Walang pulso.

Nanghina ako at sunod sunod na bumagsak ang nagbabadyang luha sa mata ko.

“L-la! Gumising ka riyan! Hindi ito time para mang-prank! L-lola naman!” 

Ngunit hindi siya kumibo. Bawat minuto na pumapatak ay mas lalo lamang siyang pumuputla.

Hindi totoo ito.

Bangungot lang ito.

Hindi....

Hindi!

Pinagluto niya pa ako ng kaldereta kahapon kasi pinagalitan ako ng amo ko...

Namili pa kami nung isang linggo sa Mall ng mga bagong gamit...

Nagp-plano pa kami nung isang araw....

Nag-rent pa kami ng mga gamit kahapon....

Masaya pa siya kagabi...

Tumatawa pa kami kagabi eh..

Bakit ganito?!

Nang mabalik sa reyalidad ay nanlaki ang mga mata ko. Hindi panaginip! Sinampal ko ang sarili ko pero wala! Lola naman! Ayoko nito!

Balisa akong tumayo at nagmamadaling lumabas. Nagsisigaw ako para humingi ng tulong.

“T-tulong! Tulong! Tulong po!” sigaw ko na hindi alam ang gagawin.

Nagp-panic ako. Nanginginig ang katawan ko.

Isa isang nagsilabasan ang mga kapitbahay ko at agad na lumapit sa akin si Aling Tesa at April na nagwawalis ng bakuran nila.

“Anong nangyayari sayo, Sha?”

“O my ghod! Calm down, Sha! What happend?!”

Nanginginig akong napaupo sa bukana ng aming tahanan.

Hindi mapigil ang pagtangis.

“S-si Lola.... wa...la ..... na....”

Agad na tumakbo papasok ng bahay si April para tingnan kung anong mali. Hindi ako makapagsalita ng maayos.

Niyakap ako ni Aling Tesa.

“S-si L-lola po...... wala..... na...” saad ko sa gitna ng paghikbi.

Singhot ako nang singhot.

“Jusko! Tulong! Tumawag kayo ng ambulansya!” sigaw ni Aling Tesa sa mga kapitbahay naming nakapasok na sa bakuran.

“Call some help! Call an ambulance! S-si Lola Isay..... wala na!” sigaw ni April.

Umiling iling ako.

No..

Hindi pwede..

Agad siyang lumapit sa akin at hinagkan ako. Pumasok sa loob si Aling Tesa upang tingnan kung anong mayroon don.

Humikbi ako nang humikbi. Wala akong pakealam sa iisipin nila. Si Lola Isay ang kailangan ko! Hindi siya pwedeng sumuko! Hindi pwede!

Hindi pwede.....

“A-april...... si l-lola... ano n-nang gagawin...... ko.... pag w-wala siya.....”

“Shushh..calm down, okay? Everything will be fine. Just trust...... t-trust Him,”

Inalo niya ako hanggang sa dumating ang ambulansya. Hindi ako tumigil sa pag-iyak lalo na nung sinabi ng isang nurse na wala na siya. Hindi ko tatanggapin. Kaya pa niyang mabuhay eh.

Hindi pwede ito...

Bangungot lang ito..

Prank lang ito...

Masyado lang silang negative...

Mabubuhay pa si Lola....

Hindi pa niya natatanim ang itlog ng workmate kong si Steve....

Hindi pwede....

Si Lola nalang ang meron ako..

Siya lang ang nakaka-intindi sa akin..

Siya lang ang nagpapatawa sa akin sa tuwing umiiyak ako...

Siya lang...

Siya lang ang gusto ko...

When She Cries Where stories live. Discover now