“Lola! Nasan ka na naman bang matanda ka?!” sigaw ko nang hindi mahanap sa bawat sulok ng bahay si Lola Isay. Aba ewan ko! Para akong nagbabantay ng maliit na bata sa sobrang ligalig nito!
“Na dine ako sa bakuran, Sha!” rinig kong sigaw nito kaya’t napahinga ako ng maluwag. Akala ko’y nanungkit na naman ito ng mangga sa kapitbahay! Jusko talaga! Tutubuan na ata ako ng mga puting buhok eh!
Pumunta ako sa bakuran at nakitang nagtatanim ng mga ewan kong bulaklak si Lola Isay. Alas sais palang ng umaga at nandito na agad ito! Mamayang alas otso pa naman ang trabaho ko kaya’t sasamahan ko nalang siya rito.
Huminto na rin ako sa kakamasid kela Papa dahil kailangan ng kasama rito ni Lola Isay at baka maabutan ko nalang siyang nakasabit sa isa sa mga puno ng mga kapitbahay ko! Naku nakuu!
“Ano ba iyang tinatanim mo, La?” tanong ko ng makalapit.
“Bulaklak. Hindi ba halata o nanlalabo na mata mo?” napangisi ako. Kahit kailan talaga, dinaig pa ako nito sa kapilosopohan.
Nilingon ako nito at ngumiti. “Bulaklak ng mga patay, Sha.” napatayo ako.
“La naman!” reklamo ko dahil hindi nauubusan ng kalokohan sa isip ang isang ito! Hindi ko na talaga alam eh!
“Joke lang! Ang OA mo talagang bata ka! Syempre...” malalim itong napaisip. Napakunot ang noo ko.
Ano na naman ba ang iniisip nito? Ay ewan ko nalang!
“Ano ngang bulaklak, La?” tanong ko ulit.
Kumuha na rin ako at tumulong na magtanim.
“Nakalimutan ko na.. search mo nalang siguro sa Doodle, nak”
“Google, La.”
Inirapan ako nito at nagpatuloy sa pagtatanim.
“Parehas na rin iyon. Doodle o Doogle pa iyan..” Napatawa nalang ako ng malakas. Ewan ko sayo, La.

YOU ARE READING
When She Cries
Historia CortaShantelle's parents sent her to a boarding school in Manila for reasons she didn't fully understand. Years later, after earning her license and starting work, she decided to take a vacation to her hometown. Upon arrival, she found an empty house. He...