009

2 1 0
                                    

“Sha, kumain ka na muna oh. Kanina ka pa nakatulala riyan,” napabalikwas ako ng maramdaman ang marahang tapik sa balikat.

Kakain? Kailangan pa ba nun? Eh hindi nga ako nakakaramdam ng gutom eh.

“Wala akong gana,” diretso kong sagot at hindi nagawang ialis ang paningin sa kabaong na nasa harapan ko.

Wala na talaga si Lola Isay..

Hindi manlang kami hinayaang ipagdiwang ang kaarawan niya..

Kung sana hindi nalang pala ako natulog nung gabing iyon ng maaga at binantayan siya, siguro buhay pa siya hanggang ngayon. Nakikipag-asaran at tawanan pa saakin.

Siguro nagtatrabaho ako ngayon at siya agad ang sasalubong sa akin sa tuwing uuwi ako kasama ang luto niyang napakasarap na ulam.

Siguro may magpupunas pa ng mga luha ko at mag-aalo sa akin sa tuwing umiiyak ako.

Siguro hindi ako umiiyak at minumukmok ang sarili ngayon kung nandito lang siya..

Ang daya.

Ang daya daya!

Malakas na napabuntong hininga si April. Nagpapasalamat ako dahil kahit ilang beses na sinungkit ni Lola Isay iyong puno ng mangga sa bakuran nila ay nagawa niya pa rin akong tulungan.

Pati na rin ang iba naming kapitbahay. Kahit si Ate Lily na inuwi ni Lola iyong isang persian cat niya ng walang paalam, naririto para tumulong sa gawain.

“Hindi magugustuhan ni Lola ‘yang ginagawa mo. For sure, iniirapan ka na nun dahil sa katigasan ng ulo mo,”

Tumulo na naman ang luha sa pisngi ko. Miss na miss na kita Lola. Tatlong araw na simula nang mawala ka pero parang kahapon lang nang iniirapan mo ako.

Sinasabihan ng OA.

Sinesermonan kapag hindi nakakakain sa oras.

Inaalo kapag umiiyak.

Pinapatawa kapag nalulungkot.

Hindi kita kadugo o kapamilya pero pinaramdam mo saakin ang kalinga ng isang magulang. Tinuring mo ako na parang anak at apo.

“Shantelle,”

Bigla kong nahugot ang aking hininga. Natigil ako sa pagpunas ng luha.

Ang boses na iyon...

Inangat ko ang aking tingin. Hindi ako nagkamali.

Si Papa. Kasama ang maganda niyang asawa.

Umiwas ako ng tingin. Ayokong madagdagan ang problema ko. Ayokong pasanin lahat ng kalungkutan sa mundo.

Bakit ngayon pa? Kung kailan nawalan ako ay saka magpapakita. Tama talaga ang sinabi sa akin ni Lola Isay na kapag huli na ay saka lang makikita ang halaga mo.

Tama na..

Pigilan niyo naman itong sakit oh..

Sobra na kasi. Parang sasabog na ako dahil hindi na kinakaya ng puso ko..

“Condolence, iha. May she rest in peace,” malungkot na saad niyong asawa ni Papa.

“Thank you po. April, p-please intertain them,” saad ko na tinanguhan ni April.

Humarap ulit ako sa kabaong at tahimik na pinagmasdan ang maamong mukha ni Lola Isay. Mukhang natutulog lang siya.

Akala ko’y nakaalis na sila pero hindi ko inaasahang nagpaiwan pala si Papa.

“May sasabihin pa po ba kayo?” magalang at walang emosyon na tanong ko.

“Y-you didn’t tell me that you already lived here,”

“You didn’t even bother to attend my graduation before,” sabat ko.

Wala akong lakas at wala akong gana makipag away pero hindi ko mapigilan.

Ano pa bang saysay kung sasabihin kong dito na ako nakatira? Bakit? Magbabalikan ba sila ni Mama kung ganon? Magiging maayos ba kami? Mababalik ba sa dati ang ulit? Ha?!

“Things were complicated back then. I’m sorry..... I’m sorry for your loss.. My condolences,” nakayukong saad nito.

“Okay. T-thank you,” saad ko at tumayo.

Iniwan ko na siya roon at alam ko ring kaya na niya ang sarili niya tutal kasama naman niya ang bagong asawa niya.

Ilang taon na akong nakatira rito pero hindi manlang niya nalaman..? O baka wala talaga siyang pake?

Tumulong akong umasikaso sa mga nakikilamay. Marami-rami ang pumunta. Siguro, ganoon nga talaga karami ang inabot ng kabaitan na may halong kasungitan ni Lola.

Nang magbibigay na ng farewell speech, marami ang pumunta at kinwento ang mga interaksyon nila kay Lola. Lumuluha ako habang tumatawa sa kwento ng iba. At nang ako na ang magbibigay ng huling liham....

“L-lola Isay...” tumikhim ako at lumunok ng dalawang beses.

Ang sakit talaga.

“Natatandaan ko nang una tayong magkita... lagi mo akong kinukuwit sa balikat ko at tinatanong kung ayos pa ba ang paa ko kakatayo ng i-lang oras... nagsunod-sunod iyon sa mga sumunod na a-araw tuwing pumupunta ako roon sa isang gilid at pinagmamasdan ng tahimik ang...... P-papa ko at ang p-pamilya niya,” tumigil ako at huminga ng malalim.

Inangat ko ang tingin ko at sa hindi inaasahang ay nagkatitigan kami ni Papa. Bakas ang gulat sa mukha niya pero wala na akong pake.

Kaya ko ‘to. Lola Isay taught me to be strong..

“Naiinis ako nun kasi pinakain mo ako ng mansanas na sinungkit mo sa bakuran nung isa sa mga bahay roon... tapos nung sumunod na linggo, bago na naman ang damit mo na sinungkit mo sa sampayan ng isang bahay... L-lola....” napatawa ang lahat dahil sa kinwento ko. Pati ako ay pagak na tumawa.

Good old memories.

“T-tapos isang araw tinanong kita kung may p-pamilya ka ba.. tapos sinagot mo ako ng pabalang.. syempre ikaw pa ba? Sabi mo alam mo ang nasa isip ko kaya tumayo ka.. kala ko hindi ka papayag na ampunin kita... kaso bigla mo akong t-tinarayan at tinanong kung ano pa ba ang hinihintay ko at e-excited ka nang umuwi at makahiga sa k-komportableng kama...”

“Lola.. simula nang araw na iyon, hindi ko inakala na gagampanan mo ang gawain ng isang magulang sa akin... pinamukha mo sa akin na hindi ibig sabihin na malungkot ako kahapon ay malulungkot pa rin ako ngayon— na porket hindi mo kadugo ay hindi mo na magiging pamilya... t-tinuruan mo ako paano lumaban at lampasan lahat ng problema... sa tuwing umiiyak ako sa g-gabi..... ....... bigla kang kakatok sa pintuan ng kwarto ko at tatanungin ako kung anong p-problema... aaluin mo ako tapos patatawanin naman.. nilulutuan mo ako ng paborito kong adobo sa tuwing may problema sa t-trabaho... La, tuwing umuuwi akong pagod, nawawala lahat ng iyon dahil sa ngiti at mga biro mong hindi ko alam kung saan mo s-sinungkit...” lumuluha akong nakangiti habang sinasabi ang iyon.

Nabawasan din ang panginginig ng katawan ko. Ilan sa mga narito ang umiiyak na rin habang ang iba ay kinakaawaan akong tingnan.

Humugot ako ng malalim na hininga at nagpatuloy.

“A-ang daya mo, La kasi....... pagkatapos mo akong alagaan at m-mahalin, iniwan mo ako... ngayon.... hindi ko na alam kung paano ako babangon ng w-wala ka.... masyado na akong dumepende at nasanay sayo, La eh.... pero a-ayos lang.. siguro kasama mo na riyan si Papa Jesus, magiging anghel ka na eh... sa bait mong iyan?” hindi ko na kinaya at napaluhod ako sa sahig.

Nanghihina ang buo kong katawan. Nang bumagsak ako ay agad akong dinaluhan ng mga taong malapit sa puwesto ko. Nangunguna si April at Aling Tesa.

Nanlalabo na rin ang paningin ko at bigla na lamang akong kinain ng kadiliman.

When She Cries Where stories live. Discover now