007

0 0 0
                                    

Inayos ko ang suot kong cardigan at pinagmasdan ang kabuoan sa stand mirror. Lalabas kami ngayon ni Lola Isay. Birthday na niya kasi sa susunod na linggo at naisipan kong bilhan siya ng bagong damit at kung anong magugustuhan niya.

Gustong gusto niya kasi ang window shopping. Pero alam kong hindi iyon ang gusto niya— ang mga poging nakakasalubong namin sa mall at nakakasabay sa escalator ang gusto niya.

Napailing ako sa iniisip.

Mag-grocery na rin kami para sa ihahanda dahil dito lang gaganapin ang munting selebrasyon ng kaniyang kaarawan.

Kinuha ko ang sling bag ko at lumabas na ng kwarto. Bumaba na ako papunta sa sala at ganon din si Lola na kakalabas pa lang din ng kwarto niya.

Well, dahil may edad na si Lola Isay kaya naisipan kong gawin kwarto nalang niya ang tambakan dito sa baba at nilipat ang mga gamit doon sa isang kwarto sa taas. Malaki ang bahay eh, may isang guest room sa taas, kwarto ko, at ang masters bedroom na dapat kay Mama at Papa.

May karapatan naman ako tutal sa akin naman ito nakapangalan.

Ngumiti ng matamis si Lola Isay pagkalapit sa akin suot ang asul na bistida. Bagay na bagay sakaniya dahil sa kutis niyang maputi. Simula kasi nang kupkopin ko si Lola Isay ay mas lalo niyang naaalagaan ang sarili niya.

Mukhang matchy pa kami dahil blue na spaghetti strap, white cardigan, at blue jeans high-waisted pants ang suot ko. Wow! Hindi halatang pinaghandaan.

“Tara na, La? Nandyan na ata sa labas iyong binook kong grab,” saad ko at nagsimulang maglakad palabas ng bahay.

Hindi gaanong mainit ang panahon. Malamig ang simoy ng hangin at hindi matirik ang araw.

Sumakay kami sa backseat ni Lola. Panay siya daldal kung anong mga bibilhin at nilista pa talaga niya! Natawa ako at nailing. Ito talaga si Lola Isay eh!

Nagkwento siya nang nagkwento at sinasabi ko sainyo! Pati iyong driver ay hindi mapigilan ang matawa kaya napasimangot si Lola!

HAHAHAHA!

Pagdating sa Mall ay nagwindow shopping muna kami. ‘Yun daw kasi trip ni Lola eh. Pinagbigyan ko na tutal minsan lang naman.

“Sha, gusto ko iyong daster. Ang ganda,” tiningnan ko ang tinuro ni Lola.

“Bilhin natin, La. Para may kasama iyong mga daster mo sa cabinet,”

Naglakad kami papasok at amoy palang ng store, amoy mamahalin na. Pero hindi ako namroblema dahil kakasahod ko lang at malaki ang laman ng card na hinuhulugan ni Mama every month ng pera ko.

Bumili kami ng dalawang daster at dalawang saya.

Kitang kita ko ang kinang sa mga mata ni Lola nang makalabas kami ng store. Ang ganda talaga nito eh. Except nalang sa ugali!

Matapos ang halos dalawang oras na paglilibot, nag aya na si Lola na mamili ng groceries.

“Kunin mo iyan,”

“Iyan,”

“Asan na ba iyon? Ay, ayun!”

“Piliin mo iyong fresh, Nak”

“Dalawa lang siguro, Sha,”

“Ito,”

“Kuha ka na rin niyan, Sha,”

“Iyan pa,”

“Tama na siguro ito?” tanong ni Lola sa pinamili namin. Siguro nga.

Pinuno ba naman ang buong cart at pinagtulak ako sa buong parte ng Market dito sa Mall.

“Huwag kang sumimangot, Sha. Gusto mo ba pasakayin kita roon sa isang cart at itulak kita?”

Napairap ako. Tsk tsk tsk! Hingal na hingal ako noh!

“Ewan ko sayo, La. Magbayad na nga tayo, tapos ikaw magbubuhat nito.”

Tumalikod ako at pahirapang tinulak ang cart. Tumawa ng malakas si Lola at sinukbit ang kamay sa braso ko.

“Hayaan mo na, Nak. Ipagluluto kita ng paborito mong adobo mamaya,” saad niya na kinalingon ko.

Ngumiti ako ng sobrang pagkalaki laki na siyang kinatawa niya.

“Alam mo talaga kung paano ako kunin, La,” saad ko na natatawa.

Tumawa lang din ito at sabay na kaming nagtulak ng cart papuntang counter.

When She Cries Where stories live. Discover now