://

2 1 0
                                    

- END -

hi! thank you for reaching the end of my short story! i appreciated the thought of finishing this kahit masyadong mababa lang ang bawat chapters at boring :<

i just missed my grandma kaya i decided to write a story about grandmother’s love and eto na nga ‘yon! and while writing this, umiiyak na rin ako.

okay, so let me give you some friendly advice lang! gamitin natin ang mga sinabi ni Lola Isay sa panaginip ni Shantelle!


“Alam mo, apo... walang taong habang buhay na nabubuhay sa mundo, lahat tayo ay aalis kapag oras na natin,”

this is a fact. lahat tayo ay may hangganan sa mundo kaya habang maaga pa, ihanda na natin ang sarili natin sa mga posibleng mangyari. hindi porket masaya ka ngayon at tumatawa ay wala nang mangayayaring trahedya mamaya o kinakabukasan. hindi po natin hawak ang oras, hindi natin alam kung kailan mawawala ang isang tao. kaya habang may oras pa, sulitin na natin habang kasama pa natin sila dahil malay ba natin kung makakasama pa natin sila mamaya? and please, i-enjoy po natin ang mga oras at araw na kasama natin sila dahil sa huli ay magiging ala-ala nalang ito at wala tayong magagawa kung hindi ang manghinayang sa mga oras at araw na sinayang natin habang nasa tabi pa natin sila. :p


“Hindi ibig sabihin na may umalis, wala nang babalik. Kaya ikaw, tumahan ka na sa kakaiyak at bumangon ka. Hindi kita iniwan para mas lalo kang maging mahina... kailangan mong maging matatag kasi hindi sa lahat ng oras, nananatili sa tabi natin ang taong mahal natin...”


“when someone leaves, someone comes” hindi ko alam kung iyan ba talaga iyong mismong qoute na nabasa ko noon pero bahala na. lahat ng tao ay umaalis. ang iba ay nananatili sa tabi natin at iiwan din tayo sa huli, pero mayroon ding nananatili sa tabi natin hanggang sa huli. hindi porket nag-iisa tayo ay wala nang nagmamahal ng palihim sa atin, na porket iniwan tayo ay wala nang nanatili. oo, iiyak at magmumukmok tayo kapag iniwan tayo pero hindi ibig sabihin nito ay hindi ka na magpapatuloy sa buhay mo— na mas lalo kang panghihinaan ng loob. sinusubok nito ang katatagan at kakayahang lumaban natin ng mag-isa kaya kung hindi mo susubukang humakbang para sa bagong buhay ay patuloy kang maiiwan dahil walang ibang aangat sa sarili mo kundi ikaw mismo na sarili mo. huwag tayong masyadong magpaka-depende sa isang tao at ibaba ang depensa natin sa sarili dahil sa oras na sila ay lumisan, tayo rin ang mahihirapan. kumbaga ay tayo rin ang nahulog sa hukay na tayo mismo ang gumawa. :>


iyon lang naman! thank you! hope this friendly advice helps you realize some things! remember kung down na down ka na, iiyak mo lang ang lahat iyan at hayaang lumipas at humilom. hindi iyong ilulugmok mo ang sarili mo at gagawa ka ng ikakapahamak ng sarili mo! ang mga patalim at lubid ay hindi solusyon sa mga problema mo, okay? kung hindi mo na talaga kaya at ubos na ubos ka na, humingi ka ng tulong Sakaniya. manalangin ka at ipagkatiwala sakaniya ang buhay mo pero hindi ibig sabihin nun na papabayaan mo na ang sarili mo, ha? take care of yourself din! kaya mo ‘yan at kakayanin! i love uuu! kung wala nang nagmamahal sayo at tinalikuran ka na rin ng lahat, always remember na nandito lang ako na naniniwala at minamahal ka! stay safe! :*

When She Cries Where stories live. Discover now