004

3 0 0
                                    

“Wow, ang bango! Anong niluluto mo, La?” excited ko na tanong pagkalapag ng gamit ko sa sofa. Kakagaling ko lang trabaho at naabutan ko ang mabangong amoy na galing kusina.

Sana nalang ay hindi mga alagang kuneho ng kinaiinisang kapitbahay namin ang niluto niya kundi malilintikan talaga siya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mababaliw ako kapag nagpatuloy ito.

Pumasok ako sa kusina at naabutang naghahalo ng kung ano mang keneme sa kawali si Lola Isay.

“Adobo, Sha. Espeshalty ko ang isang ito kaya dapat maubos mo,” nakangiting saad nito bago humarap sa akin hawak hawak ang may lamang sabaw na sandok.

Lumapit ako at tinikman ito. Wowww! Ang sarap!

“Eto na ata ang paborito kong luto, La! Ang sarap!” kulang nalang ay maghugis puso ang mata ko! Sobrang sarap talaga! Tamang tama ang pagka-alat at tamis ng sabaw.

Kumuha ako ng kutsara at nagsandok nang nagsandok ng sabaw. Kaunti lang ang sabaw pero sobrang creamy!

Napahinto ako sa pagsandok ng tapikin ni Lola ang kamay ko.

Huh?

“Tama na iyan at baka pati ang kawali ay mahigop mo,” biro nito saka tumawa.

Napatawa na rin ako.

Hayyyy. Sarap umuwi kapag may Lola kang paglulutuan ka ng masasarap na pagkain eh! Kahit na sobrang sobrang sobrang kulit nito, love ko pa rin ang pilosopong Lola na ito! Baka best buddies yan?

Pinaupo na ako ni Lola at sinabing maghintay habang hinahain niya ang kaniyang niluto. Tutulong na sana ako sa pagsandok ng kanin ng matalim ako nitong tingnan. No choice kaya umupo nalang  ako.

“Oh hayan na. Magdasal ka muna bago lumamutak,” ngumiti ako at pinagsiklop ang kamay.

Pumikit at nagdasal.

Lord, thank you for giving me this kind of blessing; Both Lola and our foods. Many people can’t have their proper meal so I am so thankful for having this kind of dinner. Amen.

Binukas ko ang mata ko at ganoon na rin si Lola. Nagsimula na kaming kumain.

Nagkukwentuhan ng kung ano-ano at nagtatawanan. Sobrang gaan sa pakiramdam.

“Kamusta ang trabaho? Kinukulit ka pa ba niyong mukhang aso roon?”

“La!” angal ko.

Kahit kailan talaga, ang tabil ng bibig nito.

“Aba’t totoo naman ah? Kung maka kapit sayo aba’y parang linta! Hindi ko gusto ang lalaking iyon.” komento pa nito.

Kahit kailan nalang talaga. Ewan ko na. Ewan ko. Dalaga ba ito si Lola Isay in disguised of old woman?

“Katrabaho ko lang naman iyon, La.. ano bang pinagsasabi mo riyan?”

Napairap ito bago niligpit ang pinagkainan. Tumayo ako at tumulong na rin.

“Ewan ko na nga rin eh. Basta sabihin mo lang pag kinukulit ka pa rin ng lalakeng iyon, itatanim ko itlog nun,”

Napatawa ako dahil doon. Natapos na ang usapan at ako na ang naglinis ng kusina. Pinapasok ko na si Lola sa kwarto niya para makapagpahinga dahil alam kong nanungkit na naman iyon ng mga bunga sa mga pananim ng kapitbahay ko.

Hindi ko ramdam ang pagod. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Sana ganito nalang lagi; araw-araw.

May matamis na ngiting nakapaskil sa labi ko bago matulog.

When She Cries Where stories live. Discover now