010

2 1 0
                                    

Ilang linggo na ang lumipas nang mailibing ang katawan ni Lola pero heto ako at nagmumukmok sa kuwarto.

Tahimik akong tumatangis habang hawak ang frame ng litrato naming dalawa ni Lola Isay.

Walang tigil sa pagtulo ang luha ko at ang pagsinghot ko upang makalanghap ng hangin.

Ang sakit pa rin.

Parang kailan lang nung tinatarayan at nilalambing ako ni Lola...

Ganito ba talaga ito kasakit?

Mas masakit pa ito nung hindi pumunta sa graduation ko ang magulang ko...

Kinatitigan ko ang mukha sa larawan ni Lola. Ayokong dumating sa punto na pati ang mukha at boses niya ay makalimutan ko.

At ayoko rin dumating sa punto na iiyak nalang ako sa loob ng aking silid tuwing gabi dahil sa pagkawala niya...

Bumangon ako at pinagmasdan ang kabuoan ng kwarto ko. Napakadilim. Makalat. Masyadong napabayaan dahil sa pagmukmok ko.

Ngayon ay magsisimula ang bago kong buhay. Magsisimula ako sa una. Hindi man kasing saya nang nauna, ang importante ay hindi ako huminto. Na kahit gaano pa kahirap ang daan, patuloy pa rin akong humahakbang.

Nilibot ko ang paningin sa kabuoan ng sala. Malinis na. Kakatapos ko lang din kasing maglinis. Pero hindi ko maiwasang umiyak gayong naiisip ko ang pagtatalo namin ni Lola tungkol sa paglilinis dito sa sala.

Pinunas ko ang butil ng luha na tumulo. Wala nang nakikipagtalo sakin. Wala nang umiirap sakin. Wala na ang mga sigaw ko sa tuwing hindi ko nagigisingan dito sa bahay si Lola. Wala na lahat...

Sa bahay na ito, sa loob ng apat na taon na pinagsamahan namin ay napuno na ito ng mga ala-ala. Ala-ala ng isang ina at anak. Ala-ala ng dalawang taong hindi magkadugo. Ala-ala ng dalagang umiiyak na inaalo ng isang matanda. Ala-ala ng masasayang usapan at tawanan. Ala-ala ng kulitan at asaran. Ala-ala ng lahat..

Tiningnan ko ang orasan sa dingding. Alas otso na pala ng gabi pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng gutom. Siguro kasi wala na ang masasarap na luto ni Lola. Siguro wala nang tatawag sa akin para kumain at tatanungin ako tungkol sa trabaho ko habang nasa hapag.

Marahas akong bumuntong hininga at pumanhik sa kwarto. Pagbukas ng pinto ay ang image ng isang dalagang umiiyak at isang matandang inaalo ito habang sinasabihan ng magpapalubag sa kalooban nito.

Isang imahe na niwasak ako.

Napadausdos ako sa pinto nang magsara ito. Sinandal ko ang likod sa pinto at umupo sa sahig.

Nagsimula akong humikbi. Hindi mapigil ang nararamdaman. Ang sakit sakit pa rin isipin na wala na ang isa kong pamilya. Na wala na ang karamay at kakampi ko.

Inangat ko ang ulo at pinahid ang luhang walang hinto kung tumulo.

“Lola....” tawag ko sa gitna ng paghikbi.

Akala ko magsisimula na ako. Akala ko madadalian lang ako. Pero hindi.. ganito ba talaga kapag nawalan ka ng nag iisa mong kakampi sa buhay?

“M-miss na miss na po kita...” hikbi ko.

Umiyak ako nang umiyak hanggang hating gabi nang hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako ng maramdaman ang marahang haplos sa ulo ko.

“L-lola?” tanong ko nang iangat ang ulo.

Isang matamis na ngiti ang sinalubong sa akin ni Lola Isay.

Panaginip lang ba ang lahat ng ‘yon? Hindi ba totoo iyong nangyari?

Pero, nakaupo pa rin ako sa sahig.

“Apo...”

Napahikbi ako. “L-lola... miss na miss na po kita, huwag mo na po akong iiwan h-ha?” pagmamakaawa ko.

Hindi maawat ang pagragasa ng mga luha ko.

Nginitian niya ako. Ngiti na hindi ko na muling masisilayan pa.

Sana hindi na ako magising kung panaginip man ito. Gusto ko dito lang. Sa tabi ni Lola.

“Alam mo, apo... walang taong habang buhay na nabubuhay sa mundo, lahat tayo ay aalis kapag oras na natin,”

“La, naman..” saad ko sa gitna ng paghikbi.

“Hindi ibig sabihin na may umalis, wala nang babalik. Kaya ikaw, tumahan ka na sa kakaiyak at bumangon ka. Hindi kita iniwan para mas lalo kang maging mahina... kailangan mong maging matatag kasi hindi sa lahat ng oras, nananatili sa tabi natin ang taong mahal natin...” huling sabi niya bago mawala sa dilim.

Naalarma ako.

“Lola!” sigaw ko pero wala na siya.

Nagising ako... walang tigil ang pagragasa ng luha sa pisngi ko.

Tumayo ako at pinaandar ang ilaw. Pero wala. Wala na siya.. panaginip lang pala ang lahat...

“Lola! L-lola..! Lola.....” nanghihinang tawag ko at napaiyak nang wala sa oras.

Umupo ako sa kama at niyakap ang litrato naming dalawa.

“L-lola....”

When She Cries Where stories live. Discover now