Chapter 6

296 8 1
                                    

ANG BIRTHDAY celebration ni Mr. Dueñas ay nakatakdang ganapin sa rectangular kiosk na nasa harapan ng rest house. Bago sumapit ang dilim ay naisaayos na ang lahat ng upuan at mesang gagamitin sa naturang okasyon. Naroon na rin ang live band, ang catering service na nagsasagawa na ng mga table arrangements.

Samantala, sa loob ng kuwarto ni Karina, kanina pa siya hindi mapakali. Naiinis siya. Ang dahilan: hindi maalis-­‐‑alis sa isip niya ang masayang eksena nina Shirley at Lloyd. Hindi niya alam kung bakit apektado siya sa nakikitang pagkakasundo ng dalawa.

Magmula nang dumating si Shirley ay tila glue na nadikit si Lloyd dito. Ni tapunan siya ng pansin ay hindi ginawa ng binata.

Narinig niya na nagsimula nang tumugtog ang banda. Sumilip siya sa bintana at nakita niyang marami nang bisita. Puro de-­‐‑kotse at halatang may mga sinasabi sa buhay.

Nakadama si Karina ng insecurity. Gayunpaman ay sinikap niyang bale-­‐‑walain ang nararamdamang iyon. Humarap siya sa salamin at nang makita ang sariling repleksyon, kahit paano ay nagbalik ang tiwala niya sa sarili.

She was wearing a long gown the color of midnight blue na yari sa malambot na tela na may mga gatuldok na silver designs kaya nangingintab iyong sa tama ng ilaw. Walang manggas ang nasabing gown na ang pinaka-­‐‑highlight ay ang rounded neckline na sa likod ay nakaekis hanggang sa kalahati ng kanyang likuran.

Humakab sa katawan niya ang gown, may mahaba iyong slit sa kaliwa hanggang sa kalahati ng kanyang hita. Nagsuot siya ng white gold earrings na may katernong necklace at bracelet. She fixed her own makeup kaya lalong lumutang ang kanyang aura. Hindi rin niya kinalimutang isuot ang kanyang contact lens. Nagmistula siyang isang buhay na mannequin sa mga sandaling iyon.

Matagal na siyang bihis ngunit hindi siya makalabas-­‐‑labas. Naririnig na niyang nagkakagulo na sa labas at maraming bisita na ang dumating.

Mayamaya ay may narinig siyang kumakatok. Binuksan niya ang pinto at ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makilala ang nakatayong lalaki. Nabitin ang paghinga niya nang humagod ang tingin niya kay Lloyd na nakasuot ng ternong long-­‐‑sleeved polo na olive-­‐‑green. Halatang mamahalin ang kasuotan nito, maging ang pares ng Italian boots na ang kulay ay hawig sa suot nitong damit.

Wet look ang buhok ng binata na ang ilang hibla ay nakalaylay sa noo nito. Samyo niya ang panlalaking pabango nito, sapat upang magpanginig ng kanyang katawan. Sa isang iglap ay tila nabura ang inis niya rito. "Are you ready?"

"Y-­‐‑yes."

"You're very lovely tonight, Karina. Bagay na bagay sa iyo ang suot mo. I can't imagine that you're so beautiful," malambing na sabi nito habang nakaalalay ito sa kanya palabas.

Hindi niya alam kung dapat niyang ikatuwa ang papuring iyon ng binata. Somehow, nae-­‐‑excite siya at tila gusto niyang maniwala sa sinabi nito. Sandaling huminto ito, pagkuwa'y naghinang ang kanilang mga mata. Tila may ibig ipakahulugan ang matiim na titig nito sa kanya. "Kanina pa tayo hinihintay ni Mr. Dueñas," anitong napabuntong-­‐‑hininga.

NAG-­‐‑INIT ang pisngi ni Karina nang makita ang papalapit na si Shirley. Nakatuon ang mga mata ng babae kay Lloyd. Litaw rin ang kaseksihan nito sa suot na gown, mas daring ang estilo niyon dahil sa haba ng slit na naghahantad sa buong hita.

"Hi, Lloyd," bati nito. "Hello, Shirley! Oh, well, I didn't expect you to be that sexy," anito. Teka, binobola lang yata ako nito, ah. Parehung-­‐‑pareho ang dialogue niya sa amin. Iniba lang ang adjective.

"Hello, Karina, Lloyd." Si Mr. Dueñas iyon, handsome and debonaire in ivory pants and long-­‐‑sleeved polo shirt made of silk material. He is handsome but he is not my type. I really admire him, sa loob-­‐‑loob ni Karina.

Destiny 10: It's My Turn 2 - Flora Simon RiveraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon