ASIKASUNG-‐‑ASIKASO ni Mr. Dueñas ang dalaga. Sa lahat ng kilos ni Karina ay napaka-‐‑attentive nito at lagi nang nakaalalay. Dapit-‐‑hapon nang magyaya itong mag-‐‑swimming.
Nagpaunlak naman siya sa pag-‐‑aakalang hindi nila makakasama si Lloyd. Nakasuot siya ng two-‐‑piece swimsuit na ang kulay ay striking orange at saka ismarteng lumabas ng kanyang kuwarto. Ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang sa paglabas ay muntik na niyang makabunggo si Lloyd.
Saglit siyang natulala nang mapagmasdan ang binata. Nakasuot ito ng swimming trunks at nakalantad ang matitipunong bisig at malapad na dibdib. Visible ang mga muscles nito at pati na ang mga balahibo sa dibdib na naipon sa iisang direksiyon. Lihim siyang humanga sa pangangatawan ng binata.
Hindi niya namalayan na natulala na pala siya sa harap nito. Namamalikmatang humagod ang mga mata niya sa kabuuan nito. Wala siyang kamalay-‐‑malay na sinamantala rin ni Lloyd ang pagkakataon. Naglakbay din ang mga mata nito sa kabuuan niya; sa maliit niyang baywang, sa bilugan at makinis niyang mga hita.
Natauhan lang si Karina nang mapansing titig na titig ito sa kanyang dibdib. Napapahiyang ibinalabal niya ang hawak na beach towel. "Bakit kaya may mga taong malisyoso?" parunggit niya at saka binirahan ng talikod. Ngunit bago pa man siya nakalayo ay nahawakan na nito ang kanyang braso.
"Let go off me!" pagpupumiglas niya. "Don't be stupid. Kapag nahalata ni Mr. Dueñas na we are not on speaking terms ay baka maghinala iyon na may relasyon tayo. So act natural. Let's pretend na hindi tayo magkaaway." Humihingal na pinalaya niya ang kimkim na inis sa lalaki. "Damn you!" mahinang sabi niya.
"Are you okay?" kunwa'y hindi nito pinansin ang galit niya. "You think so.." nang-‐‑uuyam ang tonong tugon niya. "Please, Karina, just this once." Nagsusumamo ito. Wala siyang nagawa kundi ang sabayan ito sa paglabas ng rest house. Naghihintay na sa kanila sa dalampasigan si Mr. Dueñas.
"Your prince charming is waiting for you," nakangising bulong ni Lloyd sa kanya. Pimulahan siya ng pisngi sa sinabing iyon ng binata. Kung hindi lang niya napigil ang sarili'y baka nasigawan na niya ito. "Alam mo, ang dumi ng isip mo!" angil niya. "You can't blame me. C'mon, don't be a hypocrite, Karina. Obviously, nagkaroon ka ng interes kay Mr. Dueñas nang malaman mong biyudo at mayaman siya."
Isang nakamamatay na irap ang iginanti niya sa sinabi nito. Ang lakas talagang mang-‐‑asar ng hudas na ito! Humanda ka! Makakaganti rin ako sa 'yo! nanggigigil na pangako niya sa sarili. Napilitang siyang ngumiti nang makalapit kay Mr. Dueñas. Bakas ang paghanga sa mga mata ng biyudo nang makita siya.
"You're perfectly sexy, Karina. Bagay sa'yo ang kulay ng iyong swimsuit," hayagang puri nito. "Bagay ba talaga sa akin, Damian?" Sinadya niyang magpaikut-‐‑ikot sa harapan nito. Pero sa sulok ng kanyang mga mata ay inaabangan ang reaksyon sa anyo ni Lloyd. "Perfect ten, Karina. Hindi ba, Lloyd?" Binalingan nito ang binata.
Madilim ang anyo ni Lloyd. "Baka naman sipunin si Karina dahil sa sobrang kitid ng suot niya. Anyway, sanay naman siguro siyang nakabilad ang kanyang katawan." At nagpatiuna na itong lumusong sa tubig.
PAPADILIM na ang paligid nang may humintong kotse sa tapat ng rest house. Paahon na sina Mr. Dueñas at Karina nang matanaw nila ang sasakyan. "Sino kaya ito?" tanong ng biyudo. Umibis mula sa kotse ang isang babaeng nakasuot ng blouse na backless. Naka-‐‑walking shorts ito at naka-‐‑dark glasses.
"Uncle Damian!" sigaw ng babae. Nag-‐‑alis ito ng salamin sa mata at saka lamang nakilala ni Damian ang bagong-‐‑dating. "Shirley!" "Happy birthday, Uncle!" Nagyakap ang dalawa. Hinalikan ni Shirley sa pisngi ang biyudo. "Akala ko'y hindi ka na makakarating dahil nasa Cebu ka raw."
"Puwede ba 'yon? Kasi nga, na-‐‑guilty naman ako, Uncle. Ilang beses na nga ba akong nagpapaasa?" "Mabuti naman at alam mong marami ka nang utang sa akin," pagbibiro ni Mr. Dueñas. Noon lang napansin ni Shirley ang dalawang kasama ng tiyuhin.
Samantala, titig na titig si Karina sa mukha ng bagong-‐‑dating. Bigla siyang nakadama ng banyagang kirot sa bahagi ng kanyang puso. What a small world! Hindi niya akalain na magkikita pa silang muli ng babaeng ito. Napatingin siya kay Lloyd. Isang maluwang na ngiti ang sumilay sa mga labi nito nang makilala ang bagong-‐‑dating.
"Shirley..?" "Lloyd..!" Nanlaki ang mga mata ng babae. "Lloyd! Ikaw nga!" Patakbong yumakap sa binata si Shirley. "Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ni Mr. Dueñas sa dalawa. "We met on the airplane on my way here to the Philippines, Uncle," sagot ng babae.
"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Pamangkin ko ang batang ito, Lloyd. Maliit pa ito nang umalis ng Pilipinas at ngayon ay dalagang-‐‑dalaga na." Naging center of attraction na si Shirley at nawala na ang atensiyon kay Karina. Ang hindi niya alam, nakasimangot siya habang nakatingin kina Lloyd at Shirley.
BINABASA MO ANG
Destiny 10: It's My Turn 2 - Flora Simon Rivera
RomanceFinancially in need si Karina kaya napilitan siyang tanggapin ang trabahong iniaalok sa kanya ng mag asawang Cario at Ledda Alegre sa kabila ng kaalamang ang magiging boss niya ay isang lalaking itinatakda yatang maging kaaway niya. Hindi pa man ay...