Chapter 10

334 7 0
                                    

ARAW ng inauguration ng Preciousland Palace.

Alas-sais pa lang ng umaga, panay na ang tunog ng telepono ni Karina subalit wala siyang balak sagutin iyon. Nasa loob lang siya ng kanyang silid, pinalilipas ang oras sa pag-inom ng kape.

Hindi iisang beses na may kumatok sa pinto niya. Ngunit ang lahat ng iyon ay binale-wala niya. Nakahanda na ang lahat. Oras na lang ang hinihintay niya para sa pagsasakatuparan ng kanyang plano.

"AYAW pa ring magbukas ng pinto. Baka kung ano na ang nangyari kay Karina, ah," nag-aalalang wika ni Harvey.

"Baka naman wala riyan?"

"May ilaw sa sala, eh."

"Gibain na kaya natin ang pinto."

"Huwag naman. Baka magalit sa atin."

"Ang problema ay baka nga kung paano na siya."

"Oo nga, ano? Sige, balyahin na lang natin ang pinto para mabuksan."

Nagtulung-tulong ang tatlong lalaki sa pagbalya ng pinto.

Samantala, naalarma naman si Karina nang marinig ang pag-uusap na iyon. Bago pa man tuluyang magiba ang pinto, gumawa na siya ng ingay para tawagin ang pansin ng mga ito. Natigil sa pagbalya ang tatlong lalaki.

"Karina, buksan mo ang pinto! Gusto ka naming makausap!" sigaw ni Harvey. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo?"

Bahagya niyang binuksan ang pinto. Nabuglawan niya sina Carlo, Harvey, at Lloyd, kasama sina Carmina at Ledda.

"Good morning, Karina!" Si Lloyd ang unang bumati sa kanya. Nakangiti ito.

Hindi niya pinansin ang presensiya ng binata.

"Pasensiya na kayo. Masakit ang ulo ko at kasalukuyang nagpapahinga ako," aniya.

"Baka kailangan mo ang tulong ko?" si Carmina.

"Okay lang ako. Kailangan ko lang ng rest."

Napalunok siya nang mapansin ang matiim na titig sa kanya ni Lloyd.

"Paano mamaya? Susunduin ka namin at sabay-sabay tayong pupunta sa Cavite," sahod ni Harvey.

"S-sige. O, paano? Isasara ko na itong pinto. Good morning na lang sa inyong lahat." Pagkasabi niyon ay mabilis na niyang naisara ang pinto.

"Ano ba'ng nangyayari sa babaeng iyon? Nagkukulong, ah. Lahat ng mga bintana ay sarado," naiiling na sabi ni Harvey.

Napabuntong-hininga si Lloyd sa naririnig na usapan ng mga kasama. "Hindi ko malaman kung paano kaming magkakaintindihan. Nahihirapan na ako sa nararamdaman ko. I want her to be mine!"

Makahulugang nagkatinginan ang apat.

NAGHAHANDA na sina Harvey at Carmina para sa pagdalo sa inauguration nang may humintong kotse sa kanilang harapan. Mayamaya'y may kumakatok na sa kanilang gate.

Nang buksan ni Harvey ang gate, tumambad sa kanya ang apat na babae. Ang tatlo ay pawang nakabestida maliban sa isa na nakasuot pa ng uniporme ng traffic officer.

"Magandang tanghali po! Dito ho ba ang unit ni Miss Karina Vibal?" tanong ng isang babae.

"Hindi ho siya rito nakatira. Sa gawing dulo pa ho."

"Ganoon ho ba? Salamat na lang ho."

"Bakit ninyo hinahanap si Karina?" lakas-loob na tanong ni Carmina.

"Eh, kami po ang mga nakabili ng bahay niya. At ngayon ho ang usapan naming paglilipat."

Nagkatinginan ang mag-asawa.

Destiny 10: It's My Turn 2 - Flora Simon RiveraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon