Chapter 4

271 6 0
                                    

KINABUKASAN, gustuhin mang um-absent ni Lloyd ay hindi nito magawa. May tapal na Band-Aid ang noo nito at paika-ika ang lakad na dumating sa opisina.

"Good morning, Karina," bati nito sa dalaga. Alanganing ngumiti si Karina. Nabigla siya sa nakitang ayos ng binata. Ngunit nang maalala ang ginawa nito sa kanya kagabi, isang matalim na tingin ang iginanti niya rito. Tila naman nasindak ang binata kaya dagli itong umiwas.

Isang empleyado ang nangahas na magtanong kay Lloyd.

"Ano ang nangyari sa inyo, Boss? Nahulog kayo sa hagdan at nauntog ang noo?"

Napilitang tumango si Lloyd. "As if somebody cursed me last night."

'Buti nga sa 'yo! sa loob-loob ni Karina na nagdiriwang ang kalooban sa mga oras na iyon.

INISIP na lang ni Karina na masamang panaginip ang kapangahasang ginawa sa kanya ni Lloyd. Dahil sa nangyari, nagdeklara siya ng silent war sa pagitan nila ng binata.

Kapag kinakausap siya nito, sasagot lang siya kung kinakailangan. Iniwasan din niyang makasalubong ito sa hallway.

Nang linggong iyon ay naging puspusan ang meeting nina Lloyd at ng mga heads ng CA Landholdings bilang paghahanda sa nalalapit na inauguration ng Preciousland Palace. Maraming units na ang na-construct at maraming prospective buyers ang nagpa-reserve sa mga nabuong units.

Dahil lubhang busy sa meeting, nawala sa isip ni Karina ang nalalapit na kaarawan ni Mr. Dueñas. At kung hindi pa ito tumawag nang Biyernes ay hindi pa niya maaalala na may imbitasyon sila ni Lloyd kinabukasan.

Alam niyang kausap ni Lloyd si Mr. Dueñas sa telepono. Nakiramdam siya kung ano ang magiging desisyon ng binata. Gayunpaman ay may nabuo ng plano sa isip niya. Mag-isa siyang a-attend sa kaarawan ni Mr. Dueñas. Hindi niya kailangan ng escort at mas lalong hindi niya gugustuhing makasama si Lloyd sa naturang okasyon.

"Maaga raw tayong ipasusundo ni Mr. Dueñas bukas."

Muntik na siyang malaglag sa upuan nang magsalita sa likuran niya si Lloyd. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya.

"Pakialam ko!" Kunwa'y hindi niya ito narinig. Tuloy siya sa kanyang ginagawang pag-aayos sa papeles.

"I hope, hindi ganyan ang asal mo sa harapan ng mga bisita ni Mr. Dueñas."

"Hindi ako puwedeng magkunwari matapos ang ginawa mo."

"Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa nakakalimutan ang lahat?"

"Never!" Tumayo siya at iniwan ito. Tinungo niya ang rest room kahit na nga wala naman siyang pakay doon.

"Hindi tamang gawin ko ito sa kanya. Pero hindi niya ako nirespeto!" Nangilid ang luha niya nang maalala ang kapahangasang ginawa ng binata.

HINDI siya nakaiwas na sumabay kina Lloyd sa araw na iyon ng Sabado dahil sa bukod sa may dala siyang overnight bag ay maaga siyang tinawagan ni Carmina dahil bilin daw ni Lloyd na sumabay na siya.

"Puwede naman akong mag-aircon bus na lang, Carmina."

"Aba, huwag. Baka naman magalit sa akin si Lloyd at isiping hindi kita sinabihan. Teka, bakit ganyan ang boses mo? Parang ang tamlay mo. May sakit ka ba?"

"W-wala..."

"Ang suwerte mo nga at makakapag-holiday ka sa beach kahit na isang araw lang."

"Kundi lang ako nahihiya kay Damian ay hindi ako talaga sasama."

"Damian who?"

"Si Mr. Dueñas, 'yong client namin. Siya ang nag-imbita sa amin ni Lloyd. Kaarawan niya."

Destiny 10: It's My Turn 2 - Flora Simon RiveraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon