Chapter 3

372 8 0
                                    

Karina?

"Mr. Dueñas!" Maluwang na napangiti si Karina nang bumungad sa harapan niya si Mr. Dueñas.

"Anong... Mr. Dueñas?"

"Sorry, nakalimutan ko. Good morning, Damian."

"Hindi kita nakilala. Akala ko may bagong empleyado kanina kaya atubili akong batiin ka. Lalo kang gumanda sa iyong bagong ayos."

"Thanks for the compliment. Napadalaw ka?"

"Gusto ko sanang makausap si Lloyd."

"Mamayang hapon pa siya papasok."

"Talaga? Gusto ko pa naman sanang makita ang subdivision plan ng Preciousland Palace para makapamili na ako ng blokeng bibilhin ko. Nasabi niya sa akin na mayroon na raw kayong nakahandang flyers, including the house models and the price list."

"Mayroon na ho akong kopya rito, Sir. Kung gusto ninyo, ibibigay ko sa inyo."

"Ano'ng 'Sir'?"

"I'm sorry, nakakalimutan kong lagi. Here, Damian. Take a look." At iniabot niya ang ilang flyers kay Mr. Dueñas.

Matamang pinag-aralan ng matanda ang mga subdivision lots at ang model houses.

"Hmm... kung ikaw ang tatanungin, alin dito ang pipiliin mo?"

"I'll choose the inner blocks next to the first block. Kasi accessible siya sa lahat ng bagay. Sa clubhouse, sa swimming pool, sa mga commercial establishments na itatayo sa loob."

"Pareho tayo ng iniisip, Karina. Ito na rin ang napili ko. Well, ang gusto ko sana ay mag-downpayment na para naka-reserve na sa akin ang blokeng iyon."

"Kayo ho ang bahala," aniya na lihim na natutuwa.

"Mabuti pa nga. Hindi ko na mahihintay si Lloyd at may dadaluhan akong meeting mamayang hapon."

Noon din ay nag-issue ng kaukulang tseke si Mr. Dueñas in favor of CA Landholdings. Malaki ang halaga ng tseke, milyones.

Halos malula si Karina. Thirty percent lang iyong sa kabuuang halaga ng lupa at bahay na binibili ni Mr. Dueñas.

Sa pagkakaalam niya, nagmamay-ari ng malalaking lupain sa Quezon at Batangas ang lalaki. At marami rin itong hawak na negosyo. Napakasuwerte naman ng pamilya niya, sa loob-loob niya habang hawak ang tseke.

"By the way, hija, may invitation ako rito para sa inyo ni Lloyd." Iniabot nito sa kanya ang dalawang cards.

"Birthday ko next Saturday at imbitado ko kayo. Gaganapin iyan sa rest house ko sa Batangas. Pumunta kayo para makilala ninyo ang aking mga anak," may pagmamalaki sa tinig nito.

"Well, si Lloyd ho ang magpapasya kung makakapunta kami, Damian."

"I won't take 'no' for an answer, Karina. Ipasusundo ko kayo ni Lloyd sa araw na 'yan, after lunch ng Sabado, sa helipad ko sa Makati para magkaroon pa kayo ng time na mag-swimming. Magsisimula ang party nang eight o'clock ng gabi. The next day ay puwede pa ninyong ituloy ang pagre-relax sa aking sariling beach."

"Pero—"

"Sasama ang loob ko sa iyo kapag hindi ka sumama, Karina."

Nakaalis na si Mr. Dueñas ay nakatulala pa rin siya.

"Magsasama na naman kami ng mayabang na lalaking iyon!"

KUMUNOT ang noo ni Lloyd nang makita ang invitation sa ibabaw ng kanyang desk.

Sa harapan ng binata ay nakatayo si Karina.

"Ano ito?"

"Birthday ni Damian at imbitado ka."

Destiny 10: It's My Turn 2 - Flora Simon RiveraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon