Chapter 8

291 4 0
                                    

KANINA pa nahihimbing si Harvey subalit hindi dalawin ng antok si Carmina.

Okupado ang isip niya sa mga ipinagtapat sa kanya ni Karina. Nakadama siya ng awa sa kaibigan. Para na niyang kapatid ito.

Kaninang dumating si Lloyd ay naging malamig ang pakikitungo niya sa tiyuhin ng asawa. Gusto na niyang usigin ang binata ngunit nagpigil pa rin siya. Naalala niya ang pakiusap sa kanya ni Karina.

Ngunit hindi na talaga siya makatiis. Marahan niyang tinapik-tapik sa pisngi ang nahihimbing na asawa.

"Harvey, gising."

"Hmm... sweetheart... bakit?"

"Harvey, please, gumising ka muna. May mahalaga akong sasabihin sa iyo."

Hirap itong idilat ang mga mata. "O, bakit?"

Namuo ang luha sa mga mata niya. "Si Tito Lloyd..."

"Bakit? Inano ka ni Tito Lloyd?" Napabalikwas nang bangon si Harvey.

At isa-isa ngang ipinagtapat niya ang mga pangyayari.

"HARVEY, bukas mo na siya kausapin. Gabi na at natutulog na siya." Ngayon ay awat-awat ni Carmina ang asawa.

Subalit mukhang hindi na papipigil si Harvey.

"Kailangang mag-usap kami ngayon din. Kailangang malaman ko ang rason niya kung bakit nagawa niya iyon kay Karina."

"Harvey, please? Huwag mo munang kausapin si Lloyd. Nangako kasi ako kay Karina na hindi ko sasabihin sa iyo, kaya lang ay hindi ako makatiis."

"Tama lang ang ginawa mong pagtatapat. Hindi ako makakapayag na apihin ni Tito Lloyd ang kaibigan natin."

Malakas na kinatok ni Harvey ang pinto ng kuwarto ni Lloyd.

NANG mga sandaling iyon ay hindi pa natutulog si Lloyd. Malalim ang iniisip nito.

Nagulantang siya sa sunud-sunod na katok sa pinto.

"Bakit?"

Kumunot ang noo niya nang makita ang madilim na anyo ni Harvey.

"Puwede ba tayong mag-usap nang lalaki sa lalaki?"

"Tungkol saan?"

"Tungkol kay Karina," malamig ang tonong sagot ni Harvey.

"Bakit? May problema ba sa kanya?"

"Tito Lloyd, quit playing games with her. Hindi siya cheap na babae, and she deserves the best treatment from us. Lalo ka na dahil boss ka niya."

Napabuntong-hininga si Lloyd. "All right, mabuti pa ngang pag-usapan natin ang tungkol kay Karina."

Nagkatinginan ang mag-asawa.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang siya magsasalita.

"I admit... may kasalanan ako kay Karina. Maaaring sa kanya ko naibunton ang naging galit ko sa ginawa sa akin ng dati kong girlfriend. Naging bitter ako sa mga nakapaligid sa akin, lalo na kay Karina. Inakala kong kapareho rin siya ni Lyka, mapaglaro sa damdamin, may kamandag ang kagandahan."

"Hindi ganoon si Karina, Lloyd," pagtatanggol naman ni Carmina sa kaibigan. "Nabigo't nasaktan din siya. Pero never siyang nanakit sa damdamin ng kapwa niya. Hindi siya taksil na tulad ng... ng dati mong nobya. Kung naging friendly siya sa tulad nina Mr. Dueñas at Troy, hanggang doon na lang 'yon."

"I know," mapagkumbabang sabi niya. "Lihim akong nasasaktan kapag nakikita ko siyang may kausap na lalaki. Iyon ang rason kung bakit pinasasakitan ko siya. I'll be damned kung hindi ko aaminin na... nagseselos ako sa pakikipaglapit niya sa mga lalaki."

Destiny 10: It's My Turn 2 - Flora Simon RiveraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon