Chapter 7

288 5 0
                                    

KINAUMAGAHAN ay magkakasalo sila sa breakfast. Sinikap naman ni Karina na walang mahalata sa kanya ang mga kasama. Masayang nagkukuwento si Mr. Dueñas tungkol sa mga anak nito. Samantalang si Shirley ay pandalas ang sulyap kay Lloyd na tahimik lang na kumakain.

Lihim na nasasaktan si Karina sa nakikitang pagtititigan ng mga ito. "Kumusta na ang pakiramdam mo, Karina?" naalalang itanong ni Mr. Dueñas. "I'm okay now, Damian." "Good. Nag-­‐‑aalala ako nang labis sa kalagayan mo kagabi." "I'm sorry if I spoiled your party. Masama lang talaga ang pakiramdam ko."

"I understand, my dear." Binalingan nito ang binata. "Anong oras ninyo planong umuwi, Lloyd?" "After lunch," maikling sagot nito. "Puwede bang mauna na ako, Damian?" ani Karina. "Bakit naman? Hindi ba't sabay kayo ni Lloyd na babalik sa Maynila?"

"Puwede naman akong sumakay sa aircon bus." "All right, kung talagang gusto mo nang umuwi, mabuti pang ipahatid ko na kayo sa chopper." "Thanks, Damian." "Ayaw mo na bang mag-­‐‑enjoy muna sa beach?" Umiling siya. "How about you, Lloyd?" "Sasabay na ako kay Karina," tugon ng binata.

"Okay. Kung ganyang hindi na kayo papipigil, sige."

"THANKS for coming, Karina. I hope you enjoyed the place." Ginawaran siya ni Damian ng halik sa pisngi. "I did, Damian. Goodbye!" "Anong goodbye? Magkikita pa tayo bukas sa opisina ninyo." "Okay." Sumakay na siya sa chopper.

Nagtapikan naman sa balikat ang dalawang lalaki. "Thanks for being honest, Lloyd. Mabuti na lang at nabigyan mo ako ng warning. Ngayon ay alam ko na ang gagawin ko." "Hindi ba sumama ang loob mo sa akin, Mr. Dueñas?" "Why should I? And besides, tama ka." Napangiti si Lloyd. "I know, may darating na para sa iyo."

"Pero dapat ka ring magmadali baka mahuli ka, ikaw rin ang mawawalan," anang biyudo sa himig na nagbibiro. Nakamasid si Shirley. Nakasimangot ito habang nakatingin kay Lloyd. "Goodbye, Shirley," paalam dito ni Lloyd. Sa halip na sumagot ay tinalikuran nito ang binata at nagtuluy-­‐‑tuloy na bumalik sa rest house.

Sa buong biyahe ay tahimik si Karina. Hindi niya pinapansin ang katabi niyang binata. At nang makarating sa destinasyon ay nagtuluy-­‐‑tuloy siya. "Karina, wait!" Narinig niyang tinatawag siya ni Lloyd. Ngunit parang wala siyang narinig na nagpatuloy sa paglalakad.

"KARINA?" Narinig niya ang boses ng kaibigan sa kabilang linya. "Yes, Carmina. Napatawag ka?" "Kanina ka pa pala dumating?" "Oo. Nagpapahinga ako ngayon," matamlay niyang sagot. "Iniwanan mo raw si Tito Lloyd?" "Alam ko kasing matatagalan siya at gusto ko nang makauwi dahil sa pagod."

"Nasa tabi ko si Tito Lloyd. Kakausapin ka raw." "Sabihin mong bukas na. Nagpapahinga na ako." "Bakit ba ganyan ang boses mo? May sakit ka?" "I need to rest, Carmina. Please, hindi ko muna gustong makipag-­‐‑usap ngayon." "O, sige. Baka nga kailangan mo ng pahinga."

Napabuntong-­‐‑hiningang ibinaba ni Karina ang aparato sa katangan. Muli siyang nahiga sa kama. Hindi naman talaga siya inaantok. Gusto niya lang mag-­‐‑isip nang mag-­‐‑isip. Tama ba ang desisyon kong mag-­‐‑resign? Bigla niyang kinukuwestiyon ang naging desisyon.

She wanted to live in peace subalit mahirap siyang magkaroon ng katahimikan na sa tuwing hahalikan siya ng binata ay nagtatagumpay ito na masakop ang buong sistema niya. Nakakahiyang aminin subalit hinahanap-­‐‑hanap niya ang kapangahasan sa kanya ni Lloyd. At iyon ang labis na bumabagabag sa kanya.

Tiyak na niya ngayon kung anong damdamin ang namamahay sa kanyang puso. Pilit niya sanang pinaglalabanan. Habang maaga pa'y kailangan na niyang iwasan si Lloyd dahil alam niyang masasaktan lang siya. "I won't let myself fall for him. Never! Dahil ang alam niya'y katulad din ako ni Lyka.. Kahit paano, alam niyang ang pagre-­‐‑resign niya sa kompanya ay ang pinakamabisang paraan para makaiwas siya sa tiyak na kabiguan."

Destiny 10: It's My Turn 2 - Flora Simon RiveraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon