Chapter 2

341 4 0
                                    

HABANG-DAAN, sina Troy at Lloyd ang magkausap. Tungkol pa rin sa subdivision ang paksang pinag-uusapan ng dalawang lalaki. Sa likuran, nanatiling nakikinig lang si Karina.

"Parang gusto kong kumain ng pizza pie. Join me, Troy and Karina," yaya ni Lloyd nang matanawan ang naturang kainan sa mismong loob ng subdivision.

"Tanungin natin si Karina kung gusto niya, Mr. Alegre."

"Nasabi sa akin nina Harvey at Carmina na paborito mo raw ang pizza, Karina," baling ni Lloyd sa dalaga.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakangiti sa kanya ang binata. Pakiramdam niya ay nalusaw ang anumang inis niya rito.

"Gusto mo ng pizza, right, Karina?" untag nito.

"H-ha? Eh, oo. Gusto ko rin ng pizza pie," napilitan niyang sagot.

Wala na siyang ganang makipag-usap nang nasa loob na sila ng pizza parlor. Nalilito siya sa kakaibang trato sa kanya ni Lloyd. May pakiramdam siyang sinasadya nitong manggulo sa pakikipagmabutihan sa kanya ni Troy. Panay ang sulyap sa kanya ni Troy. Subalit lagi namang inaagaw ni Lloyd ang atensiyon nito.

"Mukhang inaantok na si Karina, Troy. Mabuti pa ay ihatid na natin siya at nang pare-pareho na tayong makauwi. May mga pasok pa tayo bukas."

Halatang nadismaya si Troy ngunit nagsawalang-kibo na lamang ito.

Unang dinaanan ang bahay ni Karina. Wala siyang intensiyong alukin ang dalawang lalaki na tumuloy muna.

Ngunit nabigla siya nang umibis din si Lloyd.

"Thanks for the lift, Troy. Hindi ka na namin pipigilin at masyadong gabi na."

Napaawang ang bibig ng dalaga. Ang buong akala niya'y sasabay na si Lloyd kay Troy.

"Good night, Karina," tanging nasabi ni Troy bago pinaharurot ang sasakyan.

Pagkaalis ng lalaki ay tinalikuran na niya si Lloyd.

Bumangon ang inis niya rito kaya padarag na ipinasok niya ang susi sa lock ng pinto.

"Let me. ." Inagaw nito ang susi sa kanya at ito na ang nagbukas ng pinto.

Nang mabuksan ay iniabot nito sa kanya ang susi. Pahablot na kinuha niya ang susi rito.

"Mukhang masama yata ang loob mo sa pagkaka-­‐‑bulilyaso ng iyong planong pang-­‐‑aakit kay Troy?"

Naudlot ang tangkang pagpasok niya sa bahay.

"What did you say?" Naningkit ang mga mata niya sa tindi ng galit. Bigla siyang bumuwelta at hinarap ito.

"I'll rephrase it for you, Karina. Huwag mong gamitin si Troy para sa iyong pansariling interes. I know na ginagamit mo lang siya para makaganti ka sa akin. At puwede mo ring gamitin ang iba ko pang tauhan to prove me wrong sa aking mga accusations sa iyo."

"Marumi talaga ang isip mo!"

"You have been successful in catching everybody's attention this morning. Malay ko ba kung dumating ang panahon na gamitan mo sila ng iyong charm para gantihan ako?

Hinahadlangan ko lamang ang posibleng maging dahilan ng ikababagsak ng CA Landholdings in the future."

Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi nito. "Hindi ko alam kung bakit ganyan na lamang ang laki ng galit mo sa akin! Ìm not a whore para tratuhin mo ng ganyan! Huwag mo akong itulad sa dati mong girlfriend. Kung galit ka man sa mga babae, fine with me. Pero huwag ako'ng parusahan mo dahil wala akong naging kasalanan sàyo."

BAGO pa man nakapagsalita si Lloyd ay malakas na sumara ang pinto sa harap niya.

Madilim ang anyong nilisan ng binata ang lugar na iyon. Nagpupuyos ang kalooban niya sa pagbanggit ni Karina sa dating nobya.

Destiny 10: It's My Turn 2 - Flora Simon RiveraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon