Chapter 14
Leader
—————
"Hindi pa rin ako makapaniwala na pumunta rito si Jericho. Si Jericho, Tali! Si Jericho!"
Halos sabunutan na ako ni Rika habang tinutulungan ako sa pag-aayos ng mga gamit ko na dadalhin ko sa Sabado para sa pag-punta ko sa Tagaytay. It's Wednesday night and she was here in my room, helping me pick my outfit to the things I will use on Saturday.
"Tang ina, ako 'yung kinilig para sa inyong dalawa! Meet the parents agad, shala!" Kumento pa nito bago ako batuhin ng unan, dahilan para panlakihan ko siya ng mga mata. "Pero kailan pa kayo naging close ni Jericho?! Hindi ka nagku-kwento!"
"Nakwento ko na sa 'yo, Rika!" Sagot ko rito. "I told you that we somehow became closer when I cried and when he helped me improve! Nitong Sabado't Linggo lang naman kami tuluyang nagkausap ni Jericho, e,"
"E, bakit parang ang bilis?!" Nanlalaki ang mga matang wika ni Rika sa 'kin. "Naguusap ba kayo online?! Landian, gano'n?!"
"No!" I answered before frowning. "Hindi pa nga rin niya ako ina-accept sa Facebook, e. Kahit anong chat, wala! Si Gino ang nagcha-chat kay Kian at si Kian ang nagcha-chat kay Jericho,"
"Putang inang 'yan, dalawa 'yung Messenger," irap ni Rika. "Bakit hindi na lang kayo gumawa ng groupchat? Pinapahirapan niyo lang sarili niyo, e,"
"Kian already thought of that. Gagawa raw sila, pero hanggang ngayon, wala pa rin. Mukhang busy kaya hindi nagagawa, e,"
"Ano ba 'yan! Akala ko, may usad na! Wala pa rin pala!" Rika crossed her arms, watching me pack my pens and pencils. "After your confession, ginawa ka lang niyang friend! Correction, precious friend! Sino ka r'yan? Si My-Precious?!"
Hindi ko maiwasang matawa dahil sa sinabi niya. Inis na inis si Rika dahil sa sinabing friend ni Jericho habang ako rito, kinikilig pa rin dahil nakatungtong agad si Jericho rito sa bahay, nakausap pa sina Mommy at Daddy.
Feeling ko tuloy ay ikakasal na kami ni Jericho dahil sa pagpunta niya rito. Very pamamanhikan feels kasi!
"Speaking of your confession, Tali, anong sabi ni Jericho tungkol do'n? May sinabi ba siya? Ginawa? Ano?" Sunod-sunod na tanong sa 'kin ni Rika.
"Ha? Wala. 'Yun pa rin. Hindi niya ako gusto," sagot ko rito.
"Oo nga, sinabi na niya 'yon, 'di ba?" Kumunot ang noo ni Rika. "Hindi na nasundan?"
Dahan-dahan, umiling ako. "Hindi na nasundan,"
"Bakit?!" Malakas na tanong sa 'kin ni Rika na naging dahilan para halos mapatalon ako sa gulat. "Umamin ka ulit, Tali! In person na! Sa Tagaytay, umamin ka ulit! Hindi p'wede 'yan!"
My eyes widened because of what she just said. Immediately, I shook my head, feeling the heat of my cheeks.
"Ayoko, Rika! Nahihiya ako!"
"Anong nahihiya, Tali?! Walang hiya hiya na rito! Pa'no kayo uusad n'yan?! Napaka-walang kwenta naman n'yang ni Jericho! Walang reaction man lang sa confession mo! Parang tanga, amputa!"
I pouted while listening to Rika. She was complaining about how Jericho ignored my confession personally because in normal circumstances, he would normally reacted or commented something upon meeting the person who just confessed to him.
But that's Jericho. Nasabi na niya ang gusto niyang sabihin kaya bakit ulit ako aamin? Isa pa, nakilos naman ako. Kahit papaano rin ay mag usad na. Ayoko naman na ipilit kay Jericho ang confession ko, baka mamaya n'yan, mapikon pa sa 'kin 'yon. Mahirap na. Baka mag-back to zero na naman ako.
BINABASA MO ANG
For Years, I Love You
Teen FictionTaliyah Valeska Carrington always receives the same comment for years- she's too tall for her age. Being too tall for her age is not something she wished for. She couldn't even do anything about it even if she wanted to. She was even told that she w...