Chapter 15

21 3 1
                                    

Chapter 15

Confession

—————

Ever since, I like Jericho. I honestly don't know when it started, but I just knew that I like him.

I like everything about Jericho. His appearance, his talent in writing, his intelligence, his foul mouth, his straightforwardness, his rolling eyes, his thoughts, his beliefs, his name. Everything about Jericho is top-tier. His existence is top-tier.

One thing I know for sure is that what I like about him the most is his mind. He always think everything before concluding something. Palagi niyang pinag-iisipan lahat nang gagawin niya. Kahit pa na hindi niya na iniisip ang mga bagay na sinasabi niya, he always have time to think of what he should do.

Dahil dito, alam niyang tama ang ginagawa niya. Alam niyang tama siya. Hindi siya nagpapadaig. Hindi siya nagpapa-kontrol.

I actually never heard nor seen him doing what someone tells him to do. Siguro may isang beses pero dahil gusto niya rin. Whenever he doesn't want something or he disagrees, palagi niyang sinasabi at pinaninindigan ang bawat desisyon na ginagawa niya.

Ang isang manunulat ay may paninindigan, I heard him says one time to Kian when they were arguing. Iyon siguro ang dala-dala niya kahit saan siya mag-tungo, kahit sinong kaharap niya.

"Pres, bumili ka pa ng cartolina?" The SSG Treasurer asked me. "Akala ko okay na 'yung binili natin?"

"It was, pero mas magandang mas madaming kulay talaga para mas madaming pagpipilian ang mga students," I replied, busy cutting some papers. "I also bought extra red cartolinas for the heart-shaped papers we need to make. Baka kulangin pa 'tong mga binili natin, e,"

"Okay, Pres," sagot nito sa 'kin.

I bit my lower lip as a heavy stuff lifted from my chest. Akala ko ay kokontra siya sa 'kin kagaya nang nangyari kahapon.

"Bumili ka pa, Pres? Ang dami masyado! Sobrang sobra na 'tong mga 'to," reklamo ni Ronald habang nakatingin sa mga cartolina na nakalapag sa sahig kung saan abala mag-gunting ang ibang officers.

"Pasok pa rin naman sa budget, Ronald," sagot ko rito. "At kagaya ng sabi ko, p'wede pa 'yan gamitin sa next event. Hindi ito ang last event ng SSG,"

"Bahala ka! Basta, nag-sabi ako sa 'yo. Ang kulit!" Sambit nito bago lumabas ng office.

I bit my lower lip once again as guilt started to creep me out. Was it really alright for me to make a decision like that yesterday? Napagusapan nang okay na ang mga napili pero bumili pa rin ako. Masyado yata akong nagpadala sa mga salita ni Jericho kahapon.

"Okay lang 'yan, Pres. Gan'yan lang talaga si Ronald," wika ng G11 Governor. "Pasok pa rin naman sa budget kaya okay lang,"

"Isa pa, kailangan natin gumawa ng marami as much as possible. Maraming umo-order sa 'tin ng letters and paper flowers through online, e," wika naman ng Vice-President.

Jericho was right. May tiwala sila sa 'kin.

It was hard to be in the highest position amongst the students when it was only your first time. But with enough trust among your comrades, you'll get through it. I will get through it.

I am pressured to do well that I didn't even notice that I have been neglecting the things that students trusted me with. Palagi kong pinapaubaya sa desisyon ng ibang officers dahil sa takot na masabihan na hindi ako nakikinig, na hindi ako nakikisama.

For Years, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon