This is the last chapter of "For Years, I Love You", the story of Taliyah Valeska Carrington and Jericho Kaine Carillo. Thank you for being with me from the beginning. I hope you enjoy reading this story until the very end. Thank you so much!
Epilogue
—————
I'm too short, they said. For my age, I am too short. I looked much younger because of my height. I was often being bullied. I am always being bullied.
"Jericho, ang liit liit mo! Kinder ka ba?!" Nanunuyang wika ng isa kong kaklase habang nasa harapan ko.
"Hindi, nasa harap mo nga ako, e. Bobo ka ba?" Umikot ang mga mata ko sa ere.
They said I am foul-mouthed. Hindi raw maganda ang mga sinasabi ko. Bastos daw ang bunganga ko. Wala raw akong galang.
E, sila ba ay hindi? Sila nga palagi ang nangunguna r'yan, e. Sumasagot lang ako.
Then my mother scolded me. Pinagalitan ako ni Mama kasi hindi raw maganda ang ginagawa ko. Dapat ko raw respetuhin ang mga tao sa paligid ko.
But why would I do that? Sila nga ay hindi ako kayang respetuhin tapos gagawin ko 'yon sa kanila? Ano sila? Sinusuwerte? Ayoko nga. Bahala sila sa mga buhay nila.
"Jericho, pandak! Jericho, pandak!"
Nanlilisik ang mga mata kong tiningnan ang mga kaklase ko nang makita ang ginawa nila. Pinatong nila ang bag ko sa ibabaw ng cabinet sa loob ng room. Lumabas lang ako para bumili ng pagkain tapos pagbalik ko, naro'n na ang mga gamit ko.
"Hindi niya 'yan abot! Pandak 'yang si Jericho, e!" Nagtawanan ulit sila. "Jericho, pandak! Jericho, pandak!"
Naramdaman ko na ang pamumuo ng mga luha ko sa mga mata ko. Tumingala ako kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Rinig ko pa rin ang tawanan ng mga kaklase ko, mga nanunuya pa rin.
Bakit ba nila ako inaaway? Hindi ko naman sila inaano. Inaano rin ba sila ng height ko? Hindi ko naman kasalanan kung hindi ako pinalad na maging matangkad kagaya nila. Hindi ko naman kontrolado 'to. Hindi ko rin ginusto 'to.
"Hala, paiyak na si Jericho! Iyakin! Bading ka ba?! Lalaki ka pero iyakin ka!" Malakas ang naging tawanan ulit nila. "Kaya siguro ang liit mo kasi bading ka! Jericho, pandak! Jericho, bading!"
Maski ba pag-iyak ay bawal na rin? Kapag lalaki, bawal na umiyak? Kapag umiyak ang lalaki, bading agad?
Why would they even use gay as an insult? Hindi naman nakakainsulto 'yon. Mas nakakapikon pa nga kasi gano'n ang pag-iisip nila. Nakakapikon.
Knowing I lack of something I can't control, I did everything to have something they can't. Kulang ako sa height? E 'di babawi ako sa utak. Hindi ako gagaya sa mga bobong kagaya nila.
I put the chairs in front of the cabinet upon measuring its height. Nang makitang maaabot ko na 'to, agad akong tumungtong sa upuan bago kuhanin ang mga gamit ko. After that, binalik ko ang mga upon pati na rin ang mga gamit ko sa pwesto ko.
Nang tingnan ko ang mga kaklase, their eyebrows were furrowed while glaring at me. I smirked at them.
"Sana tinago niyo rin 'yung mga upuan. Mga bobong 'to," pang-aasar ko sa kanila.
To make my mother not be ashamed of me, I did my best to excel at academics. Hindi naman naging mahirap 'yon dahil kaunting basa ko lang, naiintindihan ko na agad.
BINABASA MO ANG
For Years, I Love You
Teen FictionTaliyah Valeska Carrington always receives the same comment for years- she's too tall for her age. Being too tall for her age is not something she wished for. She couldn't even do anything about it even if she wanted to. She was even told that she w...