Chapter 21
Gusto
—————
"Kailangan ko nang umuwi," nagmamadaling sambit ni Kian habang nagmamaneho pauwi. "Pucha, si Papa naman, kako ba kanina pa sinabi na kailangan niya 'tong kotse. Ako pa tuloy ang magiging driver niya!"
"Hindi mo naman kotse 'to, 'wag ka na mag-reklamo," sabat sa kaniya ni Jericho.
Tanging pag-irap na lang ang ginawa ni Kian. Mula sa Naic ay binaba kami ni Kian sa Tejero dahil sa Bacao pa ang punta niya, ibang daan papuntang Rosario. Nakasakay din naman kami agad ng baby bus papuntang Rosario nang mag-salita si Gino na may dadaanan pa siya sa SM Rosario. Sasama na sana kami ni Jericho nang sabihin niyang papunta rin ang iba pa niyang mga kaibigan.
Sa huli, naiwan kaming dalawa ni Jericho sa bus pauwing Salinas (Rosario).
"Uuwi ka na ba?" Biglang tanong ni Jericho sa 'kin. "Maaga pa. We finished our training today earlier than expected, too,"
"Kaya nga, e," I replied as I checked my wristwatch. "Baka pumunta ako sa Bagbag. Sa may court do'n, may laro kasi si Rika ro'n. Manonood na lang muna ako tapos ayain ko na lang siyang gumala after,"
"Saan sa Bagbag? Uno o Dos?" Tanong nito sa 'kin.
"Dos," sagot ko bago siya balingan. "Bakit?"
Jericho tilted his head as he looked at me. I looked away because he was too close. Isa pa, hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya ng matagal. Hindi kaya ng puso ko. Palaging natataranta!
"Do'n ako nakatira, Tali. Bagbag Dos," sabi nito sa 'kin na naging dahilan para manlaki ang mga mata ko. "Sama ako sa 'yo. Magaling ba si Rika mag-laro?"
Gulat pa rin dahil sa sinabi niya, hindi ako makasagot at nakatingin lang sa kaniya. Jericho raised his eyebrows as he was waiting for my answer when I looked away once again. He was just sitting beside me, but he was looking at me as if I was the only view he could see. E, nasa tabi ko lang ang bintana. P'wede naman na ro'n siya tumingin.
"Tali, magaling ba si Rika mag-laro, sabi ko?" Pagtatanong ulit sa 'kin ni Jericho.
"Uh, oo," awkward na sagot ko. Kainis naman kasi. Tingin nang tingin sa 'kin! "Hindi naman siguro siya magiging varsity kung hindi siya magaling, 'no?"
"Malay mo," sabi ni Jericho. "May mga nasa honors kayang nag-che-cheat lang sa exams,"
Hindi na 'ko sumagot kay Jericho. Imbes na sa bayan kami bumaba para makauwi na ay sa kanto ng Bagbag kami bumaba. Naunang bumaba si Jericho ng bus habang inalalayan naman niya 'kong makababa. Hinayaan ko siyang alalayan ako sa paglalakad dahil siya ang mas nakakaalam ng daan sa lugar na 'to dahil dito siya nakatira.
Medyo tirik ang araw kaya naman ay binuksan ko ang dala kong payong. Nakita ko kung pa'no kumunot ang noo ni Jericho nang isama ko siya sa silong ng payong. Magrereklamo na sana siya nang mapatingin siya sa 'kin. Pinanood ko kung pa'no siya bumuntonghininga bago ilahad ang kamay.
"Gusto mong hawakan ang payong, Jericho?" Hindi siguradong tanong ko rito.
"Hindi," sagot niya bago umirap sa ere. "Mas matangkad ka kaya ikaw ang humawak n'yan. Ang bag mo ang ibigay mo sa 'kin. Ako ang magdadala,"
Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Hindi na! Okay lang naman. Kaya ko,"
"Kaya ko rin naman hawakan 'yang payong," irap niya pa ulit. "Akin na bag mo, kulit naman nito. Hihilahin ko 'yan, makita mo,"
BINABASA MO ANG
For Years, I Love You
Teen FictionTaliyah Valeska Carrington always receives the same comment for years- she's too tall for her age. Being too tall for her age is not something she wished for. She couldn't even do anything about it even if she wanted to. She was even told that she w...