Chapter 7

327 5 0
                                    

KANINA pa pabalik-balik si Chelsy sa garden. Nag-iisip siya kung saan at paano niya tatawagan ang kanyang mama. Nasira ang battery ng cellphone niya. Nakalimutan niyang tanggalin sa pagkakasaksak sa kuryente ang charger dahil kahapon ay naging abala ang isip niya sa kalagayan ni Paolo.

Kinapa niya ang susi ng kotse sa bulsa ng suot na shorts. Pupunta siya sa palengke. Baka sakaling makabili siya ng bagong battery para sa cellphone o kung hindi man ay may matatawagan siya roon.

"Hello, Miss Beautiful."

Napalingon si Chelsy.

"Lalo ka yatang gumaganda everytime na nakikita kita," nakangiting papuri sa kanya ni Lance.

"Lance, I need your help." Kaagad niyang naisip na maaari siyang tulungan nito.

"At your service, my queen." Pabiro pa itong yumukod nang bahagya sa kanya.

"I'm serious. Nasira kasi ang battery ng cell ko and I need to call my mother."

"I'm serious, my queen," ani Lance. "May phone ako sa bahay. You can use it anytime."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Thank you."

"Halika na," yaya nito. "May dala akong sasakyan ngayon."

"Wait, magpapalit lang ako ng damit," aniya ngunit pinigilan na siya ni Lance.

"Huwag na, okay na iyan." Tiningnan nito ang suot niya. "Sa bahay lang naman."

Naka-shorts at hanging blouse siya. Kung sabagay, may sasakyan naman at sandali lang siyang tatawag.

DISMAYADONG ibinaba ni Chelsy ang telepono. Talaga yatang walang chance na magkausap sila ng kanyang mama. Hindi niya ma-contact ang cellphone nito. Wala rin ang kanyang ina sa bahay at boutique nito.

"Nagpahanda ako ng snack," ani Lance nang balikan siya nito sa sala. Nag-iisa lang ang lalaki sa bahay. Nasa Manila ang pamilya nito.

"Huwag na. Kailangan ko nang bumalik sa villa. Hindi ako nakapagpaalam kay Lolo."

"Sandali lang naman."

Pinagbigyan niya ito. Mabait sa kanya si Lance at walang masama kung pauunlakan niya ang miryenda nito.

Nagulat siya nang bigla itong tumabi sa kanya at gagapin nito ang mga kamay niya. Kaagad siyang umusod palayo.

"Chelsy, alam ko na hindi na kaila sa iyo that I like you," pagtatapat nito.

"Lance." Hinila niya ang kamay na hawak nito at tumayo upang lumayo rito. "I think I have to go."

"You know that we're both enjoying each other's company. Believe it or not... I'm beginning to fall for you."

"Ikakasal na ako at kaibigan lang ang tingin ko sa iyo."

"Don't be a hypocrite, Chelsy. I know you like me, too."

"Lance, I'm not... I think you've got the wrong impression of... I mean... Iyong pagiging malapit ko sa iyo, you're making a big mistake. I only wanted you as friend. No more, no less."

Napaurong na naman siya nang humakbang ang lalaki palapit sa kanya.

"I can be a good lover, Chelsy," anito na nakatitig sa kanya. "Mas mahusay ako kay Paolo."

Isang sampal ang pinadapo niya sa pisngi nito.

"I don't care if you are good in anything!" galit na sigaw niya. "I'm not cheap!"

"Come on, Chelsy." Ngumisi pa ito sa kanya. Napaatras siya. "Don't come near me!"

"But I'd like to hold you... I'd like to touch you... kiss you..."

Kawangis Ng Pag-ibig - Jennie RoxasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon