Chapter 5

352 5 0
                                    

Tanghali nang nagising si Chelsy kaya hindi na siya nakausap ni Paolo nang dumaan ito kinaumagahan sa villa. Nagbilin na lamang ito sa katulong na babalikan siya kinahapunan para maihatid siya sa couturier na tatahi ng kanyang wedding gown; at para ipabago na rin ang kanilang wedding invitation.

Ngunit wala siyang balak na sumama rito. Kaya nang makapananghalian ay mabilis siyang nag-ayos ng sarili para umalis. Mabuti na lang at ipinadala na ni Paolo ang kotse niya kaya madali siyang nakaalis. Mag-iikut-ikot siya sa kabayanan upang maiwasan ang pagsundo ni Paolo.

Halos wala namang puwedeng puntahan o paglibutan sa kabayanan kundi ang palengke. May sinehan nga, kaso mga lumang pelikula ang mga ipinalalabas. Nang makakita ng maliit na restaurant ay doon siya pumasok para mag-ubos ng oras.

"How lucky am I to see you here, Chelsy," kaagad siyang napalingon sa nagsalita.

"Lance!"

Napangiti ang lalaki. "Akala ko ay makakalimutan mo ang pangalan ko."

"I like your name."

"Thanks and I like your name, too. Bagay sa isang magandang babaeng tulad mo," puri nito habang nakatitig sa kanya. "Can I join you?"

"Why not? Kahit nga medyo napepreskuhan siya sa lalaki ay mainam na ang may kausap siya kaysa ang tumangang mag-isa."

"Yeah, sure." Umupo ang lalaki sa bakanteng silya. "Where's Paolo? Nag-iisa ka yata?"

"I don't know. And besides, I'm not his keeper." Ngumiti siya rito. "Gusto kong maglibang, nakakainip sa villa."

"Well," ngumiti ang lalaki, "Why don't you go with me?"

Napatingin siya rito.

"There's a wonderful place here, sa kabilang bayan lang. A small billiards and bar."

Mabilis na gumana ang isip ni Chelsy. Naiinip siya at gusto nga niya ay gabi na siya bumalik sa villa.

"Sure, pero dala ko ang kotse ko."

"Tamang-tama wala akong dalang sasakyan."

"But you'll drive for me." Itinaas niya ang hawak na susi at nakangiti namang kinuha iyon ng lalaki.

"Then what are we waiting for? Let's go!" Inilahad nito sa kanya ang kamay. Ngunit tumayo siya at nagpatiuna nang maglakad palabas. Napangiti na lamang itong sumunod sa kanya.

Magaling mag-billiard si Lance, pero hindi naman nagpatalo si Chelsy dito. Habang naglalaro ay panaka-naka silang umiinom ng beer. Dahil nalilibang ay nakalimutan na niya ang oras.

Ginabi na sila pabalik sa San Quintin. Ibinaba na lang niya si Lance sa tapat ng bahay nito na halos isang kanto lang ang layo sa villa. Nagtaka siya nang makitang bukas pa ang gate ng villa. Sa loob niyon ay nakita niyang nakaparada ang Pajero ni Paolo.

"Uwi pa ba ito ng isang babaeng malapit ng ikasal?" mariing sabi ni Paolo kay Chelsy nang madatnan niya ito sa sala. Halatang siya talaga ang hinihintay nito.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "I'm tired. I'd like to get some sleep... if you don't mind."

Inilang hakbang lamang ni Paolo ang pagitan nila at marahas na siya nitong nahawakan sa braso. "But I do mind," paasik na wika nito. "Didn't I inform you na kailangan mong tingnan ang wedding gown at ang invitation?"

"N-nakalimutan ko at saka—"

"Uminom ka?" ani Paolo nang maamoy ang beer sa kanya.

Nagpumiglas siya. "Let go of me!"

Napatiim-bagang ang binata. Halata sa hitsura nito na hindi nito nagustuhan ang nalamang uminom siya.

"I told you not to try my patience, 'coz you'll never like it."

Kawangis Ng Pag-ibig - Jennie RoxasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon