Chapter 4

369 5 0
                                    

"You're going to play the part of a devoted wife," pormal ang tinig ni Paolo nang magkausap sila nito nang sarilinan.

Ipinatawag kaagad ito ni Lolo Martin nang sabihin ni Chelsy ang desisyon niya na pumapayag na siyang magpakasal dito.

"Iyon lang ba?" walang anumang sagot ni Chelsy.

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ng binata.

"That is not an easy task. You'll be my wife at gusto kong magmukha kang kagalang-galang lalo na sa harap ng mga tao," tumingin ito sa suot niyang maikling shorts at tight-fitting blouse. "Pero kung ganyan ang mga isusuot mo—"

"Why? Wala akong nakikitang masama sa suot ko. This is what I usually wear kapag nasa bahay ako."

"Sa iyo wala, pero hindi sa mga tao dito sa San Quintin. Probinsya ito at hindi Manila."

Pinigil niya ang pagbangon ng galit. "So, you want me to be refined like Chelly," aniya. "Excuse me, baka nakakalimutan mo, hindi ako si Chelly. Malaki ang pagkakaiba namin. And the reason kung bakit ako pumayag na magpakasal ay dahil gusto kong tulungan ang kapatid ko. I'm willing to take the bargain, but it doesn't mean na babaguhin ko ang pagkatao ko."

Humakbang palapit sa kanya si Paolo. "You're right. Iba ka at iba si Chelly kahit na halos iisa ang mukha ninyo. But definitely you cannot replace her."

"G-ganoon naman pala, e, bakit kailangan pang ituloy ang kasal?" Bahagyang nasaktan ang ego niya sa sinabi nito. "Bakit hindi mo na lang tanggapin na may mahal nang iba ang kapatid ko at..." sarkastiko siyang ngumiti, "ayaw niyang magpakasal sa iyo."

Nakita niyang napatiim-bagang si Paolo sa sinabi niya.

"W-why don't you leave her alone."

"I'm doing that now," sagot ni Paolo. "At kapalit noon ay ang pagpapakasal mo sa akin, right?"

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Chelsy. Humakbang pa lalo palapit sa kanya si Paolo. "All is set for the wedding... marami nang nakakaalam ng tungkol sa kasal."

Napaatras siya ngunit patuloy ito sa paglapit. "T-then how can you explain to everyone that you're not going to marry Chelly... but instead her twin sister?" aniya.

Napaangat ang kilay nito. "I don't have to explain my private life to anyone," anito. "Nobody will question what I'd like to do. I can tell them that I accidentally fell in love with you... nang umalis si Chelly," may panunukso sa tinig na sabi pa nito.

"You're impossible."

Napangiti ito. "I'm a man, Chelsy, and I need a wife who will warm my bed at night." Nakatitig ang mga mata nito sa kanya.

Lihim siyang napalunok. "I've no intention of going to bed with you."

"We'll see."

Wala nang maatrasan si Chelsy nang humakbang pa si Paolo palapit sa kanya. At dahil matangkad ito ay bahagya siyang nakatingala rito.

"D-don't be too sure of yourself," may kabang sabi niya. She felt uncomfortable, aware of how close they were.

"You're a challenge and..." ani Paolo na hindi pinansin ang sinabi niya. "I want to know the taste of the tigress' lips."

Hindi niya inaasahan ang gagawin nito nang tawirin nito ang pagitan ng mukha nila, sapat lang upang maglapat ang kanilang mga labi.

Naramdaman niya ang mainit na halik nito na naghahanap ng katugon. At hindi niya malaman kung bakit tila may panghalina ang mga halik nito para gumanti siya.

Tila natauhan siya nang humiwalay ang mga labi nito sa kanya.

"Your lips taste good," halos bulong na sabi ni Paolo.

Kawangis Ng Pag-ibig - Jennie RoxasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon