Chapter 11

494 8 0
                                    

Kanina pa nakaharap si Chelsy sa computer, pero kahit isang sentence ay wala siyang maisip. Panay lang ang pindot niya sa keyboard. Huminga siya nang malalim at pinatay ang cassette. Pakiramdam niya, lahat ng tugtog ay para sa kanya, para sa puso niyang nasasaktan. Tuloy ay hindi niya mapigil ang pagtulo ng luha.

"Chelsy," tawag ng mama niya mula sa labas ng pinto. Pinihit nito ang seradura. Mabilis niyang pinunasan ng kamay ang mga luha sa mga mata.

"Puwede ka bang maistorbo?" Pumasok ang mama niya at naupo sa kama. Muli siyang naupo sa harap ng computer at nagsindi ng sigarilyo.

"Inoobserbahan kita mula nang dumating tayo galing ng San Quintin. You seem to be under a lot of stress," panimula ni Julie. Pinagmasdan siya nito. Sunud-sunod ang ginagawa niyang paghiti't buga ng sigarilyo. "I know that you have a problem."

"I'm okay, Ma." Idinuldol niya ang upos ng sigarilyo sa ashtray at itinuon ang mga mata sa screen ng computer.

"Come on, Chelsy. I know you better than anybody here in this world. I'm your mother." Hindi siya kumibo.

"Is it about... Paolo?"

"Ma, ano ka ba?" Pinilit niyang ngumiti.

"Don't deny it. Nakita ko kayo sa garden at hindi kaila sa akin ang lungkot sa mga mata mo kapag tumitingin ka kay Paolo. You're in love with him, am I right?"

Iniwas ni Chelsy ang mga mata. "Ma, h-hindi ko naman sinasadya..." Nag-uunahang pumatak ang mga luha niya. "H-hindi ko alam kung bakit natutuhan ko siyang mahalin sa napakaikling panahon... kahit na sa kabila ng alam ko na si Chelly ang mahal niya. At... at kaya lang ako naroroon ay p-para palitan ang tinakasan ni Chelly."

"You fell in love with Paolo, does it mean handa kang magpakasal sa kanya? Akala ko ba—"

"Akala ko rin, Ma. Pero mahal ko na siya at handa ako na makipagsapalaran sa piling niya. Magbabaka sakaling mamahalin din niya ako bilang ako at hindi dahil kamukha ko si Chelly. Pero bumalik si Chelly. Wala akong karapatan na maging hadlang sa kanilang dalawa..."

Tumayo si Julie at niyakap siya.

"I'm sorry, Ma."

"You don't have to, anak." Hinaplos ni Julie ang kanyang buhok. "Hindi mo kasalanan ang magmahal."

"Ano'ng gagawin ko, Ma? H-hindi ko yata makakaya na pumunta sa kasal nila. Mahal ko si Chelly at ayokong malaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko kay Paolo."

Napabuntong-hininga si Julie. "Inaasahan ng kapatid mo na naroroon tayo sa mahalagang araw na iyon, pero naiintindihan kita. Makakalimutan mo rin siya, anak. Just give yourself time."

"PAOLO!"

Napalingon siya sa ina. "Ma, bakit gising pa kayo?" aniya rito.

Naupo sa tabi niya ang matanda. "Ikaw, bakit gising ka pa?"

Nagsalin siya ng alak sa kopita bago sumagot. "Hindi ako makatulog."

"Kaya kailangan mo pa ng tulong ng alak?"

"Ma..."

"Kahit kailan hindi ako nakialam pagdating sa love life mo, Hijo. Kung saan ka masaya at kung ano ang desisyon mo ay doon ako," ani Mrs. Almazan sa kanya. "Naguguluhan ako sa mga nangyayari, pero ayokong makialam because I know you're old enough to know what you really want. Pero sa nakikita ko..." sumulyap ito sa hawak niyang kopita, "malaki ang problema mo."

Ngumiti siya sa ina. "I'm okay, Ma."

"Iyan naman ang lagi mong sinasabi. Ina ako at nararamdaman ko kapag nahihirapan ka." Hinawakan siya nito sa balikat. "Paolo, maaaring napakagulo ng mga pangyayari ngayon para sa akin, pero isa lang ang malinaw. You're in love at bilang mama mo, isa lang ang maipapayo ko sa 'yo.

Kawangis Ng Pag-ibig - Jennie RoxasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon