Chapter 3

393 8 2
                                    

Sa unang tingin pa lang, napansin na ni Chelsy ang malaking pagkakaiba ng kanyang Lolo Martin kaysa sa huli niya itong nakita. Ngunit nasa mukha pa rin nito ang pagiging aristokratiko at bakas pa rin ang kakisigan na taglay nito noong kabataan.

"I'm expecting Chelly and not you," diretsong sabi ng matanda nang magkaharap na sila sa study room.

"I'm here because of my sister," sagot niya na walang ngiti sa mga labi, ang mga mata ay nakatuon sa matanda.

"Ipinadala ka ba niya rito para maging kapalit sa tinakasan niya?"

"No. I'm here because I want to talk to you at para makiusap na pabayaan na si Chelly."

"Where is Chelly?" Hindi nito pinansin ang sinabi niya.

Huminga siya nang malalim. "I don't know. At kung alam ko man ay hindi ko ipagkakanulo ang kapatid ko."

Napataas ang kilay ng matanda at nagsindi ng tabako.

"Gusto ko lang ipaalam sa inyo na tutol si Chelly sa gusto n'yong ipagawa sa kanya."

"Alam niyang hindi siya maaaring umurong sa usapan. Isang buwan na lang ay ikakasal na siya kay Paolo. Pero dahil sa isang lalaki ay nagbago ang takbo ng utak niya at kinalimutan ang lahat!" galit na sabi nito.

"Kung anuman ang ginawa ni Chelly ay may karapatan siya dahil buhay niya iyon."

"Pero ikinumpromiso niya ako!"

Hindi natinag si Chelsy sa pagpapakita nito ng galit. "Bakit kailangang gawin n'yong pambayad utang ang kapatid ko?"

Hindi sumagot si Lolo Martin. Manapa ay tinitigan siya nito pagkuwa'y tumayo sa pagkakaupo bago muling nagsalita.

"I want to know where Chelly is. I need to talk to her."

Napailing siya. "I'm sorry, pero sa tingin ko mabibigo kayo ngayon na mapasunod si Chelly sa gusto n'yo, magkausap man kayo."

Humitit ito ng tabako at nagbuga. Inalis nito ang mga mata sa kanya, wari'y nag-iisip.

"Chelly has her own life to live," patuloy niya. "I'm impressed sa pagmamalasakit mo sa kapatid mo, but you can't change things that easily. Nakasalalay dito ang pangalan ng Custodio at sa isang Custodio ay mahalaga ang palabra de honor."

"Sa pagkakataong ito ay hindi mahalaga ang palabra de honor na sinasabi n'yo. O ang kayamanan ninyo. Ang alam ko lang ay mas mahalaga ang kaligayahan ng kapatid ko."

"Kung gusto mo talagang tulungan ang kakambal mo at pabayaan ko na siya sa walang kuwentang lalaking sinamahan niya, malaki ang maitutulong mo."

Napakunot-noo siya.

"You'll have to take Chelly's place."

"What!" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Lolo Martin.

"You'll have to marry Paolo Almazan one month from now," seryosong sabi ng matanda.

"Wait, hindi ako nagpunta rito para ipain ang sarili ko sa gusto n'yong mangyari." Napatayo siya sa pagkakaupo.

"Iyon lang ang tanging paraan na magagawa mo. Dahil kahit hindi mo ipaalam kung nasaan si Chelly ay madali ko lang siyang mahahanap." Sarkastiko itong ngumiti sa kanya. "All I have to do is hire a private detective, and presto! You know that money can do wonders."

Hindi nakapagsalita si Chelsy. Alam niyang may katuwiran ang matanda. Kayang-kaya nito na ipahanap si Chelly, kahit itago pa niya ito.

"Now, you have to decide or I'll have to bring Chelly back here whether she likes it or not."

Kawangis Ng Pag-ibig - Jennie RoxasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon