Epilogue

576 23 2
                                    

MAY KASIYAHANG tiningnan ni Chelsy ang mga pictures na ipinadala ni Chelly sa kanya. Napakaganda ng kanyang kakambal sa mga kuha nito. Natutuwa siya dahil natupad na rin ang pangarap nito na maging isang modelo.

Alam niyang nasaktan din si Chelly nang mawala rito si Paolo. Pero naintindihan naman nila ng kapatid niya. Natanggap nito na mahal niya si Paolo at ganoon din ang lalaki sa kanya.

Nang ikasal sila ni Paolo ay ito pa ang tumayong maid of honor. Doon na ito sa Manila nanirahan kasama ang kanilang mama at ngayon nga ay unti-unti na itong nagkakapangalan sa mundo ng pagmomodelo.

Siya naman ay masaya na sa San Quintin, kasama ni Paolo at ng kanyang biyenan. Ngunit hindi siya tumigil sa pagsusulat sa The Lady's View.

"Sweetheart," si Paolo. Humalik ito sa pisngi niya at pagkuwa'y tumingin sa mga pictures na hawak niya.

"Ganda, ha. Ikaw na ikaw, sweetheart," nakangiting tumingin ito sa kanya. "Puwede ka rin palang maging modelo."

Natawa siya sa sinabi nito. "Kung sabagay magkamukha naman kami ni Chelly, pero..."

Napatingin siya sa gawing tiyan na malaki na ang pagkakaumbok. "Para naman akong nakalulon ng pakwan."

"So, what? Para sa akin pinakamaganda ang sweetheart ko at nag-iisa sa puso ko." Malambing na niyakap siya ni Paolo.

"Nambola pa," aniya na yumakap din dito. "Totoo naman. Kahit na magkamukhang-magkamukha kayo ni Chelly ay hinding-hindi ko puwedeng ipagkamali ikaw."

"Talaga?" Tumaba ang puso niya sa sinabi ng asawa.

"Talaga, dahil kabisado ko kahit ang kaliit-liitang nunal sa katawan mo," biro nito.

"Ah, ganoon!" Pabirong kinurot niya sa tiyan si Paolo. Natatawa namang hinuli nito ang kamay niya at hinalikan ang bawat daliri na kaagad na nagpakuryente sa kanyang katawan.

"Seriously speaking, hindi kita puwedeng ipagkamali dahil ikaw lang ang kilala nitong puso ko."

Pabirong tumaas ang kilay niya. "Bola!"

Hinalikan siya ni Paolo sa tungki ng kanyang ilong. "Sweetheart, parang mas gusto ko na sa kuwarto muna tayo," malambing na bulong ni Paolo.

"Sweetheart, katirikan ng araw," natatawang sagot niya.

"I told you before that I shall be demanding morning, noon and night. There'll be no end to all that I want.. and I want you."

"Paolo, malaki na ang tiyan ko," paalala niya rito. Ngunit may ngiting naglalaro sa kanyang mga labi. "Well, on second thought," pilyang sabi niya. "What are you waiting for?"

Napatili siya nang buhatin siya ni Paolo para ipasok sa loob ng bahay.


Wakas

Kawangis Ng Pag-ibig - Jennie RoxasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon