Kabanata 9

18 3 0
                                    

Alas-dos nang umaga natapos ang kasiyahan dito sa mansyon, kaya medyo puyat kaming mga katulong. Nasa kusina ako kasama si Veronica samantalang nasa hardin naman sina Dolores. Nag-request kasi si Doña Felicidad nang Menudo para pang-umagahan.

"Naikuwento pala sa akin ni Alfredo ang nangyare sa iyo kagabi-" hindi mapigilang matawa ni Veronica nang pilit niyang inaalala kung paano ako ikuwento ni Alfredo sa kaniya. Humanda talaga siya sa'kin.

Imbis na awayin ko siya, binigyan ko nalang siya nang tinging 'haha nakakatawa'. "Mabuti na lamang at ika'y hindi napilayan" saad nito sabay lagay ng hiniwang patatas sa
malaking kaldero hindi parin siya mapigil sa kakatawa, habang patuloy ako sa pag-lilinis ng mesa.
Ayoko na alalahanin. Tama na please!

May bumukas nang pinto pero hindi ko na inalam kung sino Kasi alam kong isa lang ito sa kasamahan namin. "Maya" tawag sa'kin ni Veronica na nakatingin sa pinto, nilingon ko kung sino ang taong nasa pinto at nakita ko si Elena, nakasuot parin siya ng kaniyang pantulog.

Nilapitan ko siya, "ikaw ba'y may kinaka-abalahan?" Tanong nito.
"Wala naman, bakit?" sagot ko sa kaniya. "May ipapabili sana ako" tugon niya at iniabot ang isang pouch na may barya sa loob. "Ipagbili mo ako ng pluma" saad pa niya. Pluma? Yung ginagamit nila sa pagsusulat?

"Alam mo naman siguro kung saan ito mabibili, hindi ba?" Saad niya ulit. Tumango ako at saka umayos nang tayo. Umalis na si Elena papunta sa kaniyang silid sa itaas.

Lumingon naman ako kay Veronica na ngayon ay abala sa paglagay ng menudo sa tatlong mangko. Tumingin naman siya sa'kin at sumenyas ng 'ayos lang ako dito' with matching smile pa.

Kaagad akong tumungo papalabas.
Napansin Kong hindi gaano kaaraw ngayon kaya naglakad nalang ako papuntang bayan.

_________

Inisa-isa ko ang mga tindahan upang marating ang tindahan na binilhan namin noon ni Manang Filia ng ipit sa buhok ni Elena. Kainan.... Tindahan ng mga aklat... Tinignan ko nang maigi ang mga pangalan ng tindahan at nakita ko na!

Nakabukas ang salamin na pintuan kung kaya't pumasok na ako. Pagkapasok ko ay sumalubong sa akin ang isang babaeng naka-tirintas ang mahabang buhok at may rosas na hairclip, mukhang ka-edad ko lang siya. "Magandang umaga, binibini!" Bati nito sa'kin, agad ko siyang tinugonan ng ngiti at tango. Napansin Kong maputi rin ang kaniyang balat.

"Ako nga pala si Rosa at mahilig ako sa mga rosas! Apo ako ng may-ari ng tindahang ito at unang araw ko ngayon sa tindahan... Ano iyong nais bilhin?" Sunod-sunod ang pagpapakilala dahilan para matulala ako at medyo napanganga rin. Tumaas ang kilay niya, hinihintay ang sagot ko, mukhang excited siya kasi parang ako yung first costumer niya.

"Pluma..." Saad ko pa, nagulat ako nang bigla siyang pumalakpak at kaagad akong hinila papunta sa kung saan naka-pwesto ang mga pluma. Pagkarating namin doon ay isa-isa niya itong ipinakita sa'kin. "May tatlong kulay ng tinta ang aming mga pluma! May pula, itim, at bughaw! Ano ang nais mong kulay?"
Tanong niya at iniharap ang mga pluma.

Wala namang binanggit na kulay si Elena, kaya itim nalang. Sasagot pa sana ako nang bigla naming narinig na may pumasok dahilan para tumakbo itong si Rosa papuntang pintuan para kausapin ang bagong costumer.

Napakamot nalang ako sa ulo saka kinuha ang pluma na may itim ang tinta at inilagay inyon sa babasaging mesa. Hihintayin ko nalang dito si Rosa.

Pinagmamasdan ko lang ang mga gamit na naka-arrange sa isang babasaging lalagyan. Hanggang sa nakita ko ang kwentas na ang pendat ay isang ibon na inukit mula sa kahoy. Ang ganda. Kukunin ko na sana ang kwentas nang may kumuha nito. Kinuha ni Rosa ang kwentas na kukunin ko sana. "Gusto mo ba ng kwentas? Mayroon pa kami rito!" Saad niya sabay lingon sa lalaking kausap niya.

21st Night of December Where stories live. Discover now