Kabanata 12

16 3 0
                                    

Mukhang magiging malaking gulo 'to! May malaking suliraning naghihintay sa'kin.

Edi wow Helencio! Andami ko na ngang problema, dadagdag pa siya.
Bumuntong hininga nalang ako at saka napatigil. Nakita ko mula sa malayo na kinakausap ni Don Marco si Helencio upang pormal na makapag-paalam.

What's with Helencio at sa pamilya del Rosario? Bakit sila tinitingala nang madla? Dahil ba sa mas mataas at isa sila sa pinakamayamang pamilya rito?

Sabagay, mas lamang naman ng maraming beses ang del Rosario sa pamilya Hermosa. Anyways, back to the topic tayo. About sa nangyareng sunog.

Walang dudang si Helencio nga ang mastermind nang insidenteng iyon. Taray! Lakas maka detective Conan ah!

Bakit niya naman susunugin ang simbahan ng walang dahilan? Inalala ko ang mga sinabi ni Helencio kanina.

"Sa tingin ko'y dapat lang naman talagang mangyare iyon. Hindi ba?"

"Kung tutuosin ay kulang pa iyon."

Naiintindihan ko naman na labis niyang kinamumuhian ang pamilya Hermosa, pero ang babaw naman nang dahilan niya para isadya niyang sunugin ang simbahan kung saan dapat doon ikakasal si Lucas at Flora... Teka nga.

Ang simbahang nasunog ay ang simbahang nais ni Flora ikasal. Nang dahil sa pagkasunog ng simbahan. Na delay ang kasal dahil hihintayin pa itong maiayos ulit. Gets ko na! Hindi ko alam pero sa oras na ito ay gumagana na yung utak ko! Ipinagtagpi-tagpi ko ang lahat ng mga naalala ko.

"Si Helencio ay may pag-tingin sa kaniyang pinsang si Flora at noon pa man ay may malaking galit na ito sa pamilya Hermosa."

"Nais ko lamang pagsabihan iyang si Lucas sa patuloy na pagsa-walang bahala niya Kay Flora. Hindi isang hayop si Flora na pinagtatabuyan, isa siyang ginto na kailangan pahalagahan at pagka-ingatan."

Ngayon naiintindihan ko na. Nagawa talaga ni Helencio na sunugin ang simbahan para Hindi maikasal Ang dalawa.

Plano siguro ni Helencio na paglayuin ang dalawa. Pwes! Hindi ako papayag! Kailangan ko siyang unahan. Kailangan ko na ngayong gumalaw at gumawa nang hakbang patungkol sa plano ko sa dalawa.

TAMA ANNA. Hindi ka nagpunta rito para mamasyal at magpa-cute. We're here to save someone.

Taray! Nakapamewang pa ako saka tumingala sa langit na parang may sayad. Nagfe-feeling wonder woman kananaman Anna!

___________

Itinago ko na yung love letter na iniabot sa'kin ng secret admirer ko. Ganern? Nagsusulat ako ngayon sa kusina at ako lang mag-isa kasi maagang natulog sina Manang Filia.

Alas-siyete pa lang pero rinig na rinig ko ang ilik ng mga ito mula sa silid namin. Grabe ang aga nilang matulog.

Umiling naman ako saka nagpatuloy na sa pagsusulat. At guess what? Sinusulat ko ngayon ang mga steps at ways para mas lalong maging close sina Flora at Lucas. Kailangan ko kasi 'to. Para di ko makalimutan ang ipapagawa ko Kay Lucas para naman pang padagdag pogi points Kay Flora.

"At tapos na" wika ko pa saka itinabi ang ilang mga gamit at tanging ang isang pirasong papel lang ang natira. Wala pa namang cellphone sa panahong 'to, kung meron lang ay nilagay ko nalang ito sa notes ko.

Napapalakpak ako sa mga sinulat ko. Lalong lalo na sa title.

'Tips para mas lalo kang pumogi sa paningin niya'.

21st Night of December Where stories live. Discover now