Kabanata 10

21 3 0
                                    


Hinihintay ko ngayong matulog sina Cynthia at Veronica na katabi ko sa higaan. Kanina pa sila nagku-kuwentohan kaya kailangan ko talagang hintayin na makatulog sila bago ako lumabas at makipag-usap kay Lucas.

Mahirap na kapag malaman nilang makikipag Kita ako Kay Lucas. Tiyak na aasarin nanaman ako nila at interview-hin nanaman ako nun.

Pumasok naman si Manang Filia at nagkunware na akong tulog, "Veronica, Cynthia magsitulog na kayo" suway niya sa dalawa na nakahiga't nakaharap sa isa't isa. Nang matapos silang suwayin ni Manang Filia ay kaagad silang nagtaklob nang kumot, pinatay na rin ni Manang Filia ang lampara.

Nag-hintay ako ulit nang ilan pang minuto at saka dahan-dahang umalis sa pagkakahiga para hindi sila magising. Nasa kabilang silid pala natulog si Dolores para samahan si Melba Kasi umuwi daw yung kasama niya.

Huminto ako sa pintuan at muling nilingon ang ngayo'y natutulog na si Manang Filia, Veronica, at Cynthia. Hindi ko makita ang dalawa dahil pareho silang nagtaklob ng kumot samantalang nakatagilid naman si Manang Filia.
Nang masiguro kong mahimbing na silang natutulog ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuan sa kusina saka lumabas sa isa pa nitong pintuan na patungong hardin.

Pagdating ko doon ay wala si Lucas. Siguro umalis na siya kasi ang tagal-tagal ko. Umupo ako sa bench saka dinamdam ang simoy ng hangin, napaka-peaceful at tanging tunog lang ng kuliglig ang naririnig ko. Hindi na bale kung darating ba 'yon o hindi, dito na lang muna ako. Gusto ko muna ng peace of mind sa dami ba namang naganap ngayong araw.

Ipinikit ko ang mga mata ko saka sumandal sa bench. Ilang saglit pa'y nakaramdam ako na parang may tumabi sa'kin. Pag-mulat ko, nakita ko si Lucas na nakatingin sa harapan namin at nakangiti ito. "Pasensiya na at napaghintay kita, sa kadahilanang hindi ko nahanap ang susi sa pintuan ng mansyon kung kaya't sa likod nalang ako dumaan." Sabay nitong turo sa pintuan ng kusina kung saan doon rin ako dumaan.

"Ayos lang iyon, Señor" medyo naiilang parin ako sa kaniya nang dahil muli na namang nag-flashback ang mga sinabi ko sa kaniya idagdag mo pa 'yong nahimatay ako sa harap ni Lucas. Pero no, maglalakas loob na akong kausapin siya. Tahimik lang kaming dalawa at pareho naming dinadama ang preskong hangin.
Pagkakataon mo ng mag-sorry Anna!

"Tungkol ho sa-"

"Nais ko lamang-"

Pareho kaming nagulat dahil sa sabay kaming nagsalita. Nang dahil doon ay medyo napatawa si Lucas na sinabayan ko na rin para hindi masyadong awkward.

"Sige, ikaw na muna ang mauna" wika pa ni Lucas, umiling naman ako "hindi kayo na ho-" umiling rin si Lucas. "Sige na" wala na akong nagawa kundi ang huminga ng napaka-lalim. Sa'n ko ba 'to sisimulan?

"Sorr- ay este! Patawad ho sa mga nasabi ko sa inyo kanina. Nadala lang ho ako sa emosyon ko at dulot rin ho ng lubos na pag-aalala ko Kay Señora Flora, pero h-huwag kayong mag-alala 'di na ho ako mangigi-alam... Gaya nang sinabi niyo ho sa'kin wala nga akong  karapatan para pangunahan kayo sa mga bagay na walang kinalaman sa'kin... Kaya pasensiya na ho talaga" matapos masabi iyon ay muntikan ko nang makagat yung dila ko, napatingala naman ako kay Lucas kasi bigla nalang siya tumawa.

"Huwag mong dibdibin iyon, sa katunayan ay iyon ang dahilan kung bakit nais Kitang makausap. 
Dulot na rin iyon nang pagiging-abala sa trabaho, kaya ako dapat ang humihingi ng paumanhin." Saad nito sabay lingon sa'kin kaya agad Kong ibinaling ang tingin ko sa mga bulaklak na ngayon ay nasisinagan nang liwanag ng buwan. Grabe ang fresh niya parin kahit Gabi na. Nahiya tuloy ako na palaging haggard.

Matapos niyang magsalita ay muli nanaman kaming nilamon nang katahimikan. Wala rin kasi akong ma-topic sa kaniya. Kaya eto ang awkward na ulit.

"May itatanong lang sana ako, kung maaari" napatingin ako sa kaniya na sa tingin ko'y kanina pa nakatingin sa'kin. Nako baka ito na 'yon, ganitong ganito ang nakikita ko sa movies! Kunware usap-usap lang tapos bigla nalang silang luluhod tapos sasabihin 'Will you marry me?' Ay yes na agad 'yan! Huwag Anna magagalit si Elsa (Flora) HAHA!

21st Night of December Where stories live. Discover now