Kabanata 5

14 4 0
                                    

Alas-onse na ng umaga at abala kami ni Elena sa paggawa ng origaming ibon, 'yon lang ang nagagawa namin kasi 'yon lang din ang alam kong gawin.

Halos sampung origami na ang nagawa namin nang may kumatok sa pinto. Pagbukas ko nang pinto nakita ko si Flora, "maaari ko bang makausap si Elena?" Tanong niya.
Tumango at saka niligpit yung mga
papel na ginamit namin sa paggawa ng origami kanina. Habang naka-upo parin si Elena at wala itong balak na kausapin si Flora.

Nang matapos ko na maligpit ang mga kalat ay tumayo lang ako sa gilid ng pintuan, tumingin si Flora sa kinatatayuan ko at nakiusap na iwanan mo na sila ni Elena. Na siya ring sinunod ko.

Pagkalabas ng pagkalabas ko palang ay sinabihan akong tumulong sa kusina kaya nagtungo ako roon. Narinig kong kinakausap ni Doña Felicidad si Lucas na nakatingin lang sa relo niya. Mukhang may pupuntahan ito. "Sa susunod na linggo ay magtutungo tayong magpapamilya sa simbahan kaya kung maaari ay isantabi niyo muna ni Miguelito ang mga trabaho niyo, bukod rin doon ika'y mag-aasawa na." Saad ng Doña sa anak nito. "Ikaw ba'y nakikinig, Lucas?" Tumango naman itong si Lucas tsaka lumabas ng mansyon.

"Ako'y mauuna na pakisabi kay Flora na si Mang Saloy nalang ang maghahatid sa kaniya pauwi" tututol pa sana si Doña Felicidad pero tuluyan ng nakaalis ang kalesang sinasakyan ni Lucas.
Kung kaya't napabuntong-hininga nalang si Doña Felicidad at napatingin sa'kin. Yumuko ako tsaka nagtungo sa kusina.

Pagpasok, nakita kong nakasimangut ang tatlong sina Dolores, Cynthia, at Veronica sa 'di ko malamang dahilan. Anyare sa mga 'to?

Tumigil sa paghihiwa ng sibuyas si Veronica at saka ako nilapitan. "Ano ang sinabi sa iyo ng bruha?" Nagulat ako sa tinanong niya, maging sina Dolores ay nagulat, mukhang 'di nila inasahan ang sinabi ni Veronica. "Ang ibig kong sabihin ang Señora Flora" napatawa naman silang tatlo. Buti nalang kami lang apat dito sa loob.

"Wala naman, gusto niya lang makausap mag-isa si Elena" sagot ko sa kaniya, nagtataka parin ako sa kung bakit nila tinawag na bruha si Flora. May nagawa ba siyang hindi maganda sa kanila?

"Kung ikaw ay nagtataka kung bakit namin siya itinawag na bruha ay dahil bukod sa maganda siya ay may tinatago itong hindi magandang pag-uugali" saad ni Cynthia na siya ring sinangyaunan ng dalawa. "Paano kayo nakasisiguro?" Nagulat silang tatlo sa tinanong ko, lumapit itong si Dolores at bumulong "narinig naming sa usap-usapan ng mga tao". Hindi ako makapaniwala na madaling maniwala ang tatlong 'to sa chismis.

Pero gaya nang sabi ng iba, lahat tayo'y may kaniya kaniyang sekreto.

Nagulantang sina Dolores nang marinig kong tinawag ako sa labas ng isang katulong. Paglabas ko nakita kong pababa ng hagdan si Flora pero hindi nito kasama si Elena. Ngumiti siya sa akin "maaari ba kitang makausap?" Hindi ko inasahan na nais ako makausap ni Flora, tumango na lamang ako.

Nasa may hardin kaming dalawa ngayon naka-upo siya sa isang bench sa ilalim ng puno, habang ako naman naka-upo sa isang putol na kahoy na nakapwesto sa may bandang kanan ng bench. Nakakahiya Kasing umupo sa tabi ni Flora. Nagmumukha akong ligaw na pusa kapag nagtatabi kami.

Nakatingin lang sa paligid si Flora may mga nag-gagandahang mga bulaklak ang hardin may nakita akong isang paro-paro na dumapo sa isang bulaklak. "Hindi mo naman kaagad sinabi na ika'y naninilbihan sa pamilya Hermosa" saad ni Flora na medyo napatawa.
Nakatingin lang ako sa kaniya, napaka tangos ng ilong niya at maging ang pisngi ay napaka-pula.

"Ano ba ang iyong pangalan?" Tanong nito tsaka nagpaypay ng kaniyang kulay dilaw na abaniko na nagma-match sa suot niyang baro't saya na kulay dilaw din. Na may nakaburdang bulaklak. "Anna- ay este Maya... Maya ang pangalan ko" napalunok ako pero tumawa lang itong si Flora sa bilis kong magsalita. Muntikan na 'yon ah.

21st Night of December Where stories live. Discover now