Kabanata 8

22 3 0
                                    


Pagkatapos naming maihatid ang mga pansit sa kanila ay tinawag namin ang iba pang mga kasamahan namin para pagsalohan ang itinabing pansit ni Dolores.

Kanina ko pa napapansin na pangiti-ngiti si Dolores. Siguro kinikilig parin siya hanggang ngayon. Naki-usap na rin si Dolores na huwag ko daw muna ipagbigay alam kina Veronica ang patungkol sa pagbigay niya nang pansit Kay Alfredo kanina.

"May kalamansi pa ba diyan?" Tanong ni Veronica habang patuloy na nginunguya ang pansit na sinabayan ng tinapay.

Inihagis naman ni Cynthia ang dalawang kalamansi at tumama iyon sa noo ni Veronica. Sapol!
"Paumanhin" saad ni Cynthia na medyo natatawa pa. Tatayo pa lang sana si Veronica para awayin si Cynthia pero napatigil siya nang nag-ahem si Manang Filia.

Tapos ko ng kainin ang isang mangko na puno ng pansit. Busog na busog ako. Tumayo ako saka hinugasan iyon "oh, Maya ayaw mo na?" Nagtatakang tanong ni Melba. Medyo nagiging close na kami nang dahil doon sa sinabihan ko siya na may kuto. Hanggang ngayon nagui-guilty parin ako dahil dun.

"Ah- Oo busog na ako eh" sabay kong hinawakan tiyan ko na medyo lumubo. Mabuti nalang at medyo maluwag suot ko, dahil dito hindi masyado makita ang paglubo ng tiyan ko dahil kung hindi, siguradong magmumukha akong buntis.

"Mauuna na ho ako" saad ko nang makuha ko na ang coat na itinago ko sa isang cabinet malapit sa pintuan. Tanging si Manang Filia lang ang tumango habang ang iba ay abala sa pagkain.

Nagdadalawang-isip ako kung ngayon ko ba 'to isasauli Kay Lucas. Napag-alaman ko ring andito si Lucas sa mansyon dahil andito rin si Mang Anton. Palagi niya kasi itong kasama sa tuwing may lalakarin siya.

Papunta palang sana ako sa itaas, nang nakasalubong ko siya sa may hagdan, may dala itong sobre. Okay you got this Anna! Pagkakita niya sa'kin ay kaagad niyang ibinulsa ang sobre. Sus! As if aalamin ko kung para kanino 'yon!

"Ito na ho ang abrigo niyo, Señor. Maraming salamat po sa pagpapahiram" tanging tango lamang ang isinagot sa'kin ni Lucas at nagpatuloy na sa paglalakad. Naiwan naman akong nakatayo parin. Weird, ba't ang cold niya ngayon?

"None of my business na 'yon" bulong ko sa sarili ko, pagkalabas na pagkalabas ni Lucas ay nakita kong pumasok si Alfredo at ang iba pang mga kalalakihan, may dala-dala silang mga lagayan ng alak. Sumunod rin si Doña Felicidad upang gabayan sila kung saan iyon ilalagay. Oo nga pala pista na bukas.

__________

Ngayon na ang araw ng pista. At guess what, napaka-busy naming lahat. Linis dito, linis doon. Labas-pasok rin ang mga tauhan nila Don Marco sa mansyon.
Andami din ng mga nilutong handa para sa pista, parang dito ata gaganapin ang pista sa mansyon eh.

Nasa may balkonahe ako ngayon at naatasan akong ayusin ang mga nakahelerang bulaklak doon. Tinatapos ko na ito kasama si Melba na mukhang sanay na sanay na sa pagde-desinyo.

Tsaka naman lumapit si Manang Filia. "Mag-pahinga na muna kayo, upang magkaroon kayo ng sapat na lakas sa pista na gaganapin mamayang gabi" tumango kami ni Melba at tuluyan ng bumalik papuntang kusina.

Pagpasok namin sinalubong kami ni Cynthia at mukhang excited ito. "Ngayong kompleto na tayo. Magtungo na tayo sa bayan! Tiyak na maraming tao at masasarap na pagkain doon!" Saad niya sabay palakpak ng dalawang beses. Pero teka, ibig sabihin wala kaming trabaho ngayon?

Napansin siguro ni Manang Filia kung bakit nagtataka ako sa sinabi ni Cynthia. "Wala muna tayong gagawin ngayon. Ngunit mamayang gabi ay magiging abala na tayo." Saad niya tsaka hinawakan ang balikat ko.
Tumango ako sa sinabi niya tsaka lumapit kina Cynthia na nag-aayos na sa kani-kanilang mga susuotin.
Hala ano ba susuotin ko?!

21st Night of December Where stories live. Discover now