Kabanata 7

19 3 1
                                    


Bukas na ang araw ng pista kaya napakaraming tao sa palengke ngayon. Maging sa simbahan ay napakadaming nagsisimba, marami ring nagsidatingan galing probinsiya. Nagdadagsaan ang mga tao sa daungan.

Nasa tabi lang ako ni Manang Filia isinama niya Kasi akong mamalengke, na-miss ko rin kasi siyang kausap. "Halika kana Anna, magtungo na tayo sa isang tindahan." Tawag sakin ni Manang Filia na nakatingin parin sa mga taong nagsibabaan sa mga bagong dating na barko. Andito kami ngayon malapit sa daungan.

Hinawakan ni Manang Filia ang kamay ko at saka hinila papunta sa ibang tindahan. Nang marating namin ang isang hindi gaanong kalaking tindahan. May mga tinda itong mga tools na ginagamit ata sa barko, pukot, at iba pang mga gamit sa pangingisda. Wait may pukot? Which means dito nagta-trabaho si Lando na kasintahan ni Veronica. Pinagmamasdan ko lang ang mga paninda sa tindahan na iyon.

"Manang Filia! Ika'y naririto pala! Anong nais niyong bilhin?" Masiglang bati ng isang ale na nasa edad trenta pataas. Bumati naman pabalik si Manang Fila. "Oh Layla. Naghahanap ako ng pangtanggal sa kalislis ng isda. Mayroon ba kayo ng ganoon rito?" Tanong ni Manang Filia.

"Aba'y siyempre meron po sandali lamang. Lando!" Tawag nito sa loob ng kaniyang tindahan, narinig kong sumabat yung tinawag niyang Lando at iniutos na kumuha ng pangtanggal sa kalislis ng isda kagaya ng hinahanap ni Manang Filia.

Napatingin naman si Aleng Layla sa'kin at saka ngumiti. "Sino naman po itong magandang dalagang kasama ninyo, Manang Filia?" Tanong nito kay Manang Filia. "Siya si Maya, bagong tagabantay kay Señorita Elena" saad ni Manang Filia at sinenyasan akong magmano na siya ring ginawa ko.

"Kay gandang dalaga mo naman, hija." Puri nito sa'kin saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Sus maliit na bagay, inilagay ko yung hair strand ko sa likod ng tenga ko sa sinabi niya pero 'di masyadong obvious. "Panigurado akong makakapag-asawa ka ng isang banyaga" agad nabawi ang ngiti sa mga labi ng dahil sa sinabi ni Aleng Layla.  Ah ganon?

"Aleng Layla ito na po yung pinapahanap niyo" tumingin kaming tatlo sa lalaking nagsalita.
Kinuha naman ni Aleng Layla pangkaliskis sa isda, at iniabot iyon kay Manang Filia. Magbabayad na sana si Manang Filia. "Nako 'wag na ho Manang Filia libre lang iyan" tumanggi itong si Aleng Layla at nagpasalamat si Manang Filia sa kaniya, pero bago kami makaalis ay nakita ko ang isang binatang nasa edad dalawampu pataas na nakatingin sa amin. Siya ba si Lando?

"May bago ka palang tindero Layla" saad ni Manang Filia at itinuro ang binatang nasa likuran ni Aleng Layla. "Ay hindi po Manang, siya po si Lando ang aking pamangkin." Sagot nito kay Manang Filia at pinatabi sa kaniya si Lando na mas matangkad pa sa kaniya.

"Ikaw ba iyan, Lando? Ang laki na ng pinagbago mo. Dati hanggang dito lang Kita" gulat na bati ni Manang Filia sabay turo sa may balikat niya Kay Lando na ngayon ay napakamot sa leeg niya, parang nahihiya ata. Shy type pala itong si Lando. Kaya pala na bihag niya si Veronica kasi magkaiba sila. Kung si Lando tahimik at mahiyain, si Veronica naman ay maingay at wagas kong makareact o tumawa.

Totoo talagang opposite attracts!

Matangkad na may pagkapayat itong si Lando, Moreno rin siya at may katangosan ang ilong niya yung sakto lang. Makapal rin ang kilay nito. Pilipinong-pilino talaga ang dating niya!

"Siya nga pala si Maya, bagong kasamahan namin sa mansyon" bumalik ako sa'king ulirat nang banggitin ni Manang Filia ang pangalang Maya. Ngumiti ako sa Kay Lando at inilahad kamay ko para makipag-handshake. Tumingin lang itong si Lando sa kamay ko, maging si Aleng Layla at Manang Filia ay nagulat. Bakit 'di pa ba uso ang handshake sa panahong 'to?

Dahil sa sobrang awkward, binawi ko Yung kamay at kunwari'y may dinadakip akong langaw. Pilit kong tumawa. "May langaw Kasi... Ayun oh!" Saad ko sabay kunwaring may dinadakip na langaw sa ere.

21st Night of December Where stories live. Discover now