Kabanata 19

10 2 0
                                    

Iminulat ko ang mga ko ng maramdaman ko ang liwanag ng sikat ng araw.

Naupo ako at sandaling pinagmasdan ang paligid. Teka... Kwarto ko 'to. Agad kong hinawakan ang katawan ko at napansin kong nakasuot ako ng damit pantulog. Dahan-dahan akong bumaba sa kama saka humarap sa salamin.

"Ba't nawala 'yung mga sugat ko?"
Hinawakan ko ang braso ko at ang parte ng katawan ko kung saan ako binaril. Inalala ko ang buong pangyayari kagabi, imposibleng mabuhay ako sa tindi ng mga tinamo ko, teka si Elena...

Sandali akong napatulala sa salamin. Wala na si Mang Anton... Pati rin kaya si Elena?

Tinignan ko ang bawat sulok ng kwarto. Di kaya nagbalik na ako? Pero papaano ang kasunduan namin ni Manang Filia? Hindi pa naman december 21, papaano na si Flora, sina Dolores... Si Lucas. Tototoo kayang panaginip lang lahat 'yon?

Naririto parin ang computer set na pagmamay-ari ni Mama Jess na ipinamana niya sa'kin. Pero may kakaiba, nawala na ang kalawang doon at maging pati ang kurtina ay si Hello Kitty na ang desinyo na  pinaka-ayaw ko sa lahat. Naglakad ako sa maliit na drawer sa tabi ng kama. Wala doon ang DSLR camera ko na naiwan ko dito bago kami magtungo ni Amy sa mansyon ng mga Hermosa para makapag-vlog.

Nakita kong nakapatong doon ang isang maliit na frame na may desinyong Hello Kitty rin, sa frame nakita ko ang larawan ng isang babae mga nasa edad 18 pababa. Napangiti at nagtaka ako sa larawang iyon. Dahil ang babaeng nasa frame ay larawan ni Mama Jess noong siya'y dalaga pa.

Nakasuot siya ng isang pink na bikini habang nakasandal siya sa isang coconut tree, hindi pa sya naka-bob cut dito. Ang ganda niya, sa mga panahong iyon hindi pa ako nasisilang at halatang wala pang problema si Mama Jess during those times. May kaunting luha ang bumuo sa mga mata ko.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa desinyo ng kwarto ko. Halos larawan ni Hello Kitty ang nakikita ko. Di kaya sa tinagal-tagal Kong nawala ay ibinalik ni Mama Jess ang dating desinyo ng kwarto ko sa Hello Kitty na pinaka-paborito niya?

Ngumiti ako, siguro hanggang doon lang ang misyon ko. Kaso 'di man lang ako bingyan ng chance ma kiss si Lucas- Ay! Oras na rin siguro para magsimula ulit.

Lumabas ako ng kwarto saka bumaba ng hagdan pero nakaka-apat na hakbang palang ako nang marinig ko ang boses ni Mama Jess na para bang nagmamakaawa. Dali-dali akong sumilip sa hagdan at nakita siyang nakaluhod, umiiyak habang yinayakap ang paa ng isang lalake?

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at bumaba na ng hagdan. Ngunit hindi magawang makalapit na parang may pumipigil sa sarili ko. Patuloy sa paghahagulhol si Mama Jess sa lalaking iyon. "Dan! Kahit ngayon lang, nagmamakaawa ako! Please, ayokong lumaki ang anak natin na walang ama... kahit para sa kaniya nalang." Pagsusumamo ni Mama.

Sino si Dan? Siya ba ang walang kwentang tao na umabando sa'min ni Mama? Tinignan ko ang lalaking iyon pero hindi ko masinagan ang mukha nito dahil sa sikat ng araw na dumadaan sa nakabukas na pinto. "Ano ba, Jessie! Hindi naging tayo, okay?! And that child is not mine, baka sa ibang lalaki mo 'yan!" Sigaw niyan Kay Mama Jess habang tinuturo niya ang sinapupunan ni Mama Jess na sa tingin ko ay 8 months na. At ako ang nasa sinapupunan niya.

Tuluyan ng umalis ang lalaki at galit na isinara ang pintuan, nakaluhod at tumatangis parin si Mama Jess ko. Sa kada tangis ni Mama Jess ay siya ring patuloy na pagpatak ng mga luha ko. Walang hiya siya, ginawa niyang parang aso si Mama Jess na kusa nalang iniiwan sa kalsada kapag wala na itong silbi.

Tumakbo na ako sa nakaluhod paring si Mama Jess, at saka ito niyakap ng napakahigpit sabay kaming umiiyak. Ganito pala ang pinagdaanan ni Mama. Kahit na alam kong hindi ni Mama, nararamdaman ang mga salitang sinasabi ko upang pagaanin ang loob niya at ang yakap ko pero gusto ko lang siyang yakapin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

21st Night of December Where stories live. Discover now