Kabanata 13

23 3 0
                                    


Tumayo na ako saka tumalikod at tatakbo pa sana palayo kay Lucas.
"Ano ang iyong ginagawa sa ibabaw ng punong iyan?" Tanong niya.

Dahan-dahan naman akong humarap sa kaniya. Binigyan ko siya ng awkward smile. "Ay hehe- um? Nagpapahangin?" Tumingala naman ako sa puno saka tinuro ito. Parang hindi siya naniniwala.
"Nagpapahangin?" Tanong niya ulit habang nakangiti na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Mismo" saad ko pa sabay tango ng ilang ulit. "Ika'y marunong palang umakyat ng puno." Tumango ako sa sinabi niya na parang proud na proud sa sinabi ni Lucas.

"Kakaiba kang tunay, Maya. Sa rami ng mga lugar na maaaring makapagpahangin. Puno ang iyong pinili." Saad pa niya sabay iling parang hindi siya makapaniwala na nakakaakyat nga ako ng puno.

Wala na akong masabi. Ilang saglit pa tumatakbo papalapit sa'min ang dalawang Guardia personal na nag-iikot kanina. Bago pa man sila makalapit ay kaagad akong tinago ni Lucas sa likod ng puno.

"Señor Lucas, kami na ho ang bahalang magbantay rito" giit pa ng isang may hawak ng lampara. "Hindi na bale, maaari na kayong magpahinga." saad naman ni Lucas pabalik.

Sumilip ako mula sa likod ng puno at nakitang nagtinginan muna ang dalawang Guardia saka nagbigay galang Kay Lucas at naglakad na paalis. Lumabas na ako sa pinagtataguan nang masiguradong wala na ang mga Guardia.

Tumingin naman ako kay Lucas at oh my gulay nakatingin na pala siya sa'kin. "Bakit? May dumi ba mukha ko?" Tanong ko pa sa kaniya sabay punas sa mukha gamit ang kamay ko. Para naman less awkward.

Umiling lang siya sabay tawa. Luh parang sira, nauna na siyang maglakad. "Saglit lang" utos ko pa sa kaniya dahil sa may naalala ako. Yung plano ko, kailangan ko na 'to masimulan as soon as possible.

Tumaas ang dalawang kilay niya, hinihintay ang sasabihin ko. "Busy kaba tomorrow?" Kumunot naman ang noo niya sa naging tanong ko.
"Paumanhin?" Napabuntong-hininga ako. "Abala kaba bukas?" Pag-uulit ko pa.

"Hindi gaano... bakit mayroon ka bang kailangan?" Tanong pa niya sabay ayos ng manggas niya. "Remember. Yung kasunduan natin?"

"Bukas na agad iyon?" Tumango naman ako. Ngumisi itong si Lucas, "hindi ko mawari kung bakit nais mo akong tulungan Kay Flora." Tiningnan ko naman siya sabay ayos ng buhok ko. Mukha na kasi akong napasabak sa wrestling.

"Ayaw mo nun? May coach ka" natawa lang si Lucas sa sinabi ko at nauna ng maglakad. Pumasok siya sa pintuan mismo ng mansyon, habang sa likod naman ako dumaan na konektado sa kusina.

Pagpasok ko sa kusina naabutan ko doon na kumakain sila Manang Filia. Tumigil ang mga ito sa pagkain at lahat sila'y napatingin sa'kin.

"Saan ka nagtungo, Maya?" Agad na tanong ni Dolores habang patuloy niyang hinahainan ng pagkain sila Manang Filia.

"Sa labas, nagpapahangin lang." Sagot ko sa kaniya. Yun lang din yung pumasok sa isip ko, "halika't saluhan mo na kami sa pagkain" pagyaya ni Cynthia.

Umupo na ako sa tabi ni Cynthia, inabutan rin ako ng pagkain ni Dolores. Pinakbet. Tiningnan ko muna sila isa-isa. Baka may hipon 'to, ayoko naman maulit yung nangyare.

"Walang hipon ang pakbet na iyan"
Saad ni Manang Filia, nagsitawanan naman silang lahat. Napilitan na lang din akong makitawa.

___________

Inaayusan ko ngayon si Elena kasi may darating raw na bisita ang mag-asawang Hermosa kung kaya't inutusan nila akong ayusan si Elena, dahil nais raw siyang makilala ng mga bisita nila.

Tinatapos ko ngayon ang buhok niya. Inilagay ko ang huling rosas na pang-ipit at siyempre mawawala ba ang perlas na pang-ipit na pinili ko para sa kaniya?

21st Night of December Where stories live. Discover now