SHIN POV
Kring kring (tunog ng cellphone)
I answer the call.
"Hello dad." bati ko sa kabilang linya.
"Where are you honey?" tanong ni daddy.
"I'm going to tita's grocery dad, why?" Sagot ko.
lumabas na ako sa mall na pinang-galingan ko. Nakarinig ako ng sigawan ng mga tao at nakita ko ring nagtatakbuhan sila.
what's the problem?
Bakit sila nagtatakbuhan?
"Honey please! go home now, delikado na sa labas marami ng nagkalat na zombie, faster honey, go home." said dad.
Nabitawan ko ang aking cellphone dahil sa gulat.
"Misssss." sigaw ng kung sino at naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin kasabay nun ng pagtumba ko sa sementong tinatapakan ko.
"Grrrrrr." Dinig kong ungol.
tumingin ako sa bandang kaliwa ko at may nakita akong zombie? na tumatayo.
"Hey miss dilekado na, tumakbo ka na at maghanap ka ng lugar kung saan sa tingin mo ay ligtas ka." biglang sabi ng kung sino at nang aking tingnan, ito ay isang lalaki na nasa ilalim ko at nakadagan ako sa kaniya, nang matauhan ako sa pwesto namin ay agad-agad akong tumayo saka tumingin ulit doon sa zombie na kasalukuyang tumatakbo na papalapit sa akin.
"Grrrr." angil ng zombie.
Akmang dadambahan na sana ako ng zombie nang may humampas dito at tumalsik ito. Tumingin ako sa taong nagligtas sakin at napagtantong siya yung lalaking nagligtas kanina sa akin.
"Hey miss gusto mo na bang maging zombie?" sigaw na tanong sakin nung lalaki.
"A-eh a-anong nangyayari?" Nauutal na tanong ko.
"Tumakbo ka na." sigaw ulit ng lalaki sa akin at tumingin siya sa gawi ng zombie na hinampas niya.
Tumayo pa rin ang zombie at patakbo ulit na lumapit sa amin.
"Takbo na." sigaw ulit ng lalaki at dahil sa taranta ay tumakbo na lang ako.
Hindi na ako sumakay pa sa kotse ko dahil natataranta na talaga ako at tanging nasa isip ko na lang ay ang sinabi ng lalaki na tumakbo na daw ako.
Sorry at salamat na lang sa lalaking nagligtas sakin, sorry dahil hindi ko siya maiiligtas at salamat dahil iniligtas niya ako. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo papunta sa grocery ni tita, wala na akong mapuntahan pang iba dahil malayo ang bahay ko dito at tanging grocery lang ni tita ang malapit dito.
Napahinto ako sa pag takbo nang makitang may zombie na tumalon sa unahan ko at nakita ko na lang ito na may kagat-kagat na itong isang babae na humihingi pa ng tulong sa akin. Lalapit na sana ako sa babae para tulungan ito pero huli na dahil nangingisay na ito at namumuti na rin ang mga mata nito.
nagpatuloy na lang ako sa pag takbo at wala ng pake-alam sa mga tao o zombie na madadaanan ko.
"ahhh! tulong! ahhhh!" sigawan ng mga tao sa paligid habang nagtatatakbo din sila.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang matanaw ko na sa di kalayuan ang grocery ni tita. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko at agad-agad na pumasok sa bukas na raillings ng grocery ni tita pero laking gulat ko nang may isang kotse din ang pumasok.
"Who are you?" tanong ko sa babae na kalalabas lang sa kotse.
"Sorry but I need safety that's why I follow you." sagot niya.
"It's ok." I said at saka may pinindot na unti-unting nagpababa ng railings.
Buti na nga lang at bukas itong grocery ni tita pero Hindi kami pwedeng makampante baka kase may nauna ng nakapasok dito at hindi namin alam kung tao ba iyon o zombie kaya kailangan pa din naming mag ingat.
"What's your name?" tanong ko dun sa babae.
"Anne Gel Acabela but you can call me Gel for short." she answered.
"I'm Shanel Shin Villas but you can call me Shin for short." pag papakilala ko din.
Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya at pumasok na ako sa isang pintong nandito, tiningnan ko ng maigi ang paligid baka kase may zombie, mahirap na.
Binuksan ko pa ang isang pinto na nasa gilid kung saan ito ang minnie kitchen ni tita, maingat akong lumakad at maingat ding hinalungkat ang mga cabinet, maliit na kutsilyo lang ang nandito at wala ng iba pang pwedeng i-armas sa kung sakaling may zombie man dito.
Lumabas ako at bumungad sa akin si gel.
"Can I see your car I have something to find." I said to gel na ikinalingon niya sakin.
"Yes, you can." she answered.
Pumunta ako sa kotse niya at binuksan ang driver seat saka naghanap ng pwedeng i-armas.
"Huwahhh huwahh!" I was shocked when I heard a crying baby.
Sinundan ko kung saan iyon galing at napagtantong sa backseat. Sinarado ko ang driver seat at dumiretso sa backseat. Then I saw a cute baby while crying at dahil sa awa ko sa baby ay kinalong ko ito.
Anak ba ito ni gel?
Bakit niya pinapabayaan ang anak niya?
"GEL YUNG ANAK MO DITO NAG-IIYAK NA." sigaw ko at nilaro muna ang bata para tumigil na ito sa kakaiyak.
Lumabas si gel habang gulat na gulat.
Bakit naman siya nagugulat?
Pinabayaan na nga niya ang anak niya tapos magugulat siya kung bakit umiyak ang anak niya.
The hell gel napakabata mo pa para mag ka-anak ka na.

BINABASA MO ANG
THE LIFE FULL OF ZOMBIE (Zombie Apocalypse)
Mystery / ThrillerPaano kung ang pilipinas ay malamon ng zombie? Paano kung magkaroon ng zombie apocalypse sa pilipinas? Makakaligtas ka ba o magiging zombie ka? Magsasakripisyo ka ba o magiging makasarili ka? Magawa mo pa kayang magmahal o pipiliin mong mapag-is...