GEL POV
" Oh tubig, inom ka muna. " Pag aabot ko sa kaniya ng tubig na tinanggap naman niya.
Umupo ako sa harap niya, nasa minnie kitchen kase kami at ngayon ay magkaharapan kaming nakaupo.
" Salamat! " pag papasalamat niya na sinuklian ko lang ng tango.
Ilang minuto pa kaming walang imik, nakatingin lang siya sa baso na wala pang bawas ng tubig na nasa harap niya at kita mo ang lungkot sa mga mata niya.
" Sorry. " paghingi ko ng tawad.
kanina pa din ako nag s-sorry sa kaniya at kung Hindi ako nagkakamali eh pang pito ng beses itong pag s-sorry ko sa kaniya na lagi niya namang sinasagot na okay lang kahit alam kong nasasaktan parin siya.
" Okay lang, wala ka dapat ikahingi ng tawad, sa katunayan nga ay nag papasalamat pa ako sayo dahil ginawa mo iyon. " pilit ang ngiting sagot niya at nakatingin na siya sakin ngayon.
" Sorry talaga. " paghingi ko ulit ng tawad
Hindi ko kase alam kung ano ang sasabihin ko, dapat ba talaga akong mag sorry sa kaniya dahil sa ginawa ko? hyst bahala na nga, tita niya naman iyon eh pero zombie na iyon kaya kailangan na iyong patayin.
Ghad! I hate my self now!
Pinatay ko na nga tita Ang niya tapos sinunog ko pa ang katawan tapos ano? makikitira ako sa grocery na ito na pagmamay ari ng tita niya na pinatay ko.
Ghad! kapal ng face mo self!
By the way guys, napagkasunduan naming sunugin ang katawan ng tita ni shin kaysa hayaan na lang namin dahil baka mamaho pa iyon dito kaya sinunog na lang namin, ayaw pa nga ni shin pumayag noong una pero pumayag din naman.
At iyak siya Ng iyak habang sinusunog ko ang katawan Ng tita niya.
" Wala ka dapat ikahingi ng sorry sa katunayan dapat pa akong magpasalamat sayo, salamat dahil sa ginawa mo kanina dahil kung hindi mo iyon ginawa baka zombie na rin ako ngayon, salamat dahil ikaw ang pumatay kay tita at hindi ako at hindi ang iba, salamat dahil niligtas mo ang buhay ko, salamat dahil akala ko ay hindi ko na matutupad ang pangako ko kay tita pero nang dahil sayo ay matutupad ko pa run iyon, sabi sakin ni tita noon na patuloy lang daw akong mabuhay at kung sakali daw na mawala siya ay huwag ko daw papabayaan ang sarili ko, sabi ni tita ang ayaw niya daw sa lahat ay 'yong mawawala ako ng dahil sa kaniya, nangako ako kay tita na kahit anong mangyari ay iisipin ko lang palagi ang sarili ko at hindi siya, hindi ko alam noon kong bakit niya iyon sinabi sakin pero ngayon alam ko na. " sabi niya na nagpatulo ulit ng mga luha niya.
lumipat ako ng upo sa katabi niya at niyakap na ko siya, hystt buti na lang at sanay akong may nakikitang tao na umiiyak sa harap ko.
hinagod ko ang likod niya para naman makatulong ako kahit papaano sa pagpapagaan Ng loob niya.
" Shhhh magpahinga ka muna shin para mabawasan 'yang nararamdaman mo. " sabi ko sa kaniya.
pinunasan niya naman ang mga luha niya at tumango siya saka lumakad papunta doon sa office ng tita niya, nalaman ko kanina na may isang kwarto doon sa office ng tita niya at kasya na kaming tatlo doon, pumunta din ako sa office ng tita niya at binuksan ang nag-iisang pinto na nandoon at iyon ay kwarto.
" Ako na muna Ang bahala kay baby shawn, magpahinga kana. " sabi ko kay shin na kasalukuyang nilalaro si baby shawn.
Tinanguan niya lang ako at binigay niya sakin si baby shawn, lumabas na kami ni baby shawn at dumiretso sa kitchen para kunin ang tinimpla ko kanina doon na gatas, pinad*de ko na si baby shawn.
Ano kaya ang itatawag nito samin?
" Hello baby shawn at dahil wala ka pang mga magulang kami muna ang tatayo bilang mga magulang mo, baby shawn, call me mommy one and tawagin mo si shin na mommy two and from now on kami muna ang magiging mommy mo. " kausap ko sa bata na sinuklian niya ng ngiti na para bang naiintindihan niya ako.
So cuteee!
BINABASA MO ANG
THE LIFE FULL OF ZOMBIE (Zombie Apocalypse)
Mystery / ThrillerPaano kung ang pilipinas ay malamon ng zombie? Paano kung magkaroon ng zombie apocalypse sa pilipinas? Makakaligtas ka ba o magiging zombie ka? Magsasakripisyo ka ba o magiging makasarili ka? Magawa mo pa kayang magmahal o pipiliin mong mapag-is...