GEL POV
" Gel lagyan mo muna si baby shawn ng diaper. " sigaw na utos ni shin.
Arggg hindi ako marunong mag palit ng diapers.
Bakit ako pa?
" Ikaw na lang ang mag palit, hindi ako marunong. " sigaw ko din pabalik.
nasa kwarto sina shin at baby shawn, and nasa sofa naman ako nakatayo charrr malamang nakaupo, aanhin paba ang sofa kung hindi mo uupuan hehe.
" Gel pumunta kana dito baka mahulog pa sa kama si baby shawn. " sigaw ulit ni shin.
" Nag aano kaba? bakit hindi na lang ikaw ang magpalit ng diapers niya? " sigaw ko din pabalik.
" Naliligo pa ako okay? si baby shawn tapos ko ng paliguan kaso hindi ko pa napapampersan, kumuha ka sa diapers section ng isang diaper at ikaw na mag suot kay baby shawn. " sigaw ulit niya.
tumayo na lang ako dahil wala na naman akong magagawa, baka mahulog pa do'n si baby shawn kasalanan ko pa.
Bakit kase may diapers din dito? akala ko ba grocery ito?,dapat puro food lang ang nandito eh bakit may diapers din?
kumuha na ako ng isang diaper at pumunta na sa kwarto, naabutan ko si baby shawn na kagat-kagat ang kaliwa niyang paa.
" Baby shawn foot is not food kaya wag mong kagatin ang paa mo. " sabi ko sa bata at tinanggal ang paa niya sa bibig niya.
mayroon na siyang isang ngipin kahit na buwan palang siya, mukhang buwan palang si baby shawn dahil parang kaaanak palang ito ng kanyang totoong ina.
" Maglalagay na si mommy ng diapers mo. " I said, pero paano ito? hindi ko alam.
" Shin paano ba ito? " sigaw na tanong ko kay shin na nasa loob ng cr.
may cr itong kwartong ito at may cr din sa may kitchen so bale dalawa ang cr dito sa grocery.
" Wait ako na ang maglalagay. " sigaw niya pabalik saka narinig ko na lang ang pag bukas ng pinto saka paglapit ni shin.
" Tumingin ka sakin kung paano mag diaper ng bata. " sabi niya at kinuha ang diaper na hawak ko.
dinayaperan na niya si baby shawn at masasabi kung madali lang pala mag diaper ng bata at simula noon ako na ang taga diaper ni baby shawn charoot maharoot hehe joke lang.
" Sarry baby shawn kung hindi ka na dayaperan ni mommy one hayaan mo next time ako na ang mag dadayaper sayo. " sabi ko sa bata at kinalong ito saka inamoy amoy.
" Bango namqn ng baby namin. " sabi ko at inamoy amoy ang bata na tawa ng tawa na para bang nakikiliti siya sa ginagawa ko.
" Tigilan mo na nga yang kaaamoy mo kay baby shawn baka mahawa pa yan sa kabahuan mo. " biglang sabi ni shin na ikinatingin ko sa kaniya ng masama.
" Hoyyy hindi ako mabaho baka ikaw ang mabaho sating dalawa. " balik ko dito.
" KaKaligo ko lang eh ikaw hindi ka pa naliligo. " nakangisi niyang sabi na mas lalong ikinainis ko.
" Kahit na isang taon pa akong hindi maligo hindi ako mamamaho eh ikaw kahit oras-oras ka pang maligo amoy ka paring imburnal. " inis kong sigaw.
argggg she getting into my nerves!
" Hahaha sinong pikon? baby shawn eh di si mommy one hahaha. " Pagtatawa niya at kinuha sakin si baby shawn na tawa din ng tawa saka siya tumakbo palabas ng kwarto kasama si baby shawn.
" Argggg shin lagot ka sakin pati ikaw baby shawn. " inis kong sigaw.
Lagi na lang nila akong pinagtutulungan.
Inamoy ko ang aking sarili at hindi naman ako mabaho.
arggg kainis talaga sila!
BINABASA MO ANG
THE LIFE FULL OF ZOMBIE (Zombie Apocalypse)
Mystery / ThrillerPaano kung ang pilipinas ay malamon ng zombie? Paano kung magkaroon ng zombie apocalypse sa pilipinas? Makakaligtas ka ba o magiging zombie ka? Magsasakripisyo ka ba o magiging makasarili ka? Magawa mo pa kayang magmahal o pipiliin mong mapag-is...