CHAPTER 5: Gel and gun

9 0 0
                                    

SHIN POV

" T-tita. " hikbi ko.

nakaluhod ako habang umiiyak hindi ako makagalaw, hindi ako makatayo at parang napako ako ngayon sa kinaluluhudan ko.

mabilis na kumilos si tita at pa-takbong lumapit sa akin na parang isang taong Hindi siya kumain dahil parang takam na takam ito habang papalapit sa akin, iyak lang ako ng iyak habang nakatingin sa tumatakbong si tita, wala na akong pake alam kung maging biktima na din ako ng zombie.

Ang mahalaga ay makasama ko si tita at makitang buhay siya kahit na ganoon na siya, ayaw kong patayin si tita, mas gugustuhin ko na lang na mabiktima ako ng zombie kaysa patayin si siya.

pumikit na lang ako at hinintay ang pagsunggab sakin ni tita hanggang sa...

*

GEL POV:

Kanina pa kami naghihintay ni baby shawn kay shin pero hindi pa rin nito kami pinapapasok.

ano na kayang nangyari doon?

tumingin na lang ulit ako kay baby shawn at isinawalang bahala na lang muna si shin.

" Bakit ang cute cute mo? " panggigigil ko sa bata at pinisil ng mahina ang ilong nitong sobrang cute.

" Ayyyyyy ghad. " sigaw ko dahil sa gulat.

parang may bumagsak na bakal sa tiles, alam nyo ba kung anong tunog? iyon ang narinig ko, nakakarindi iyon huh!

pati tuloy si baby shawn nagulat din pero ang cute niya parin, eh ako? Cute kaya rin ako noong nagulat ako?

I think yes hehe.

pero saan galing 'yong ingay?

" Arggggg si shin. " sigaw ko ulit sa gulat nang may mapag tanto.

si shin? baka si shin iyon?

binuksan ko ang backseat at pinasok muna doon si baby shawn saka sinarado ko ang backseat, dali-dali akong pumasok sa isang pinto na pinasukan ni shin at hinanap agad Ng mga mata ko si shin, pumunta ako sa nilabasan niya kanina na pinto, pero wala rin siya doon.

may narinig akong umiiyak banda doon sa isang pinto na hindi ko pa napapasukan pero may password ito.

D*mn it!

what should I do now?

bumalik ulit ako sa kotse at kumuha din ng malaking bakal sa kinuhaan ni shin.

" Bigat naman nito, mas mabigat pa ito kay baby shawn eh. " reklamo ko.

tinignan ko muna si baby shawn sa loob bago ulit pumasok at pumunta doon sa pintong may password.

" One two three. " pag bibilang ko at buong lakas na hinampas at sinira ang screen na pinipindutan ng password (ano bang tawag doon?) Hindi naman ako nabigo at bumukas ang pinto, bumungad sakin si shin na nakaluhod at ang zombie na malapit na siyang sunggaban, ini-ayos ko ang hawak kong bakal pero inilapag ko din iyon dahil mas na-excite ako sa aking nakita.

Isang baril na nasa ibabaw ng isang lamesa na nasa gilid, tiningnan ko muna ang zombie na malapit na talaga kay shin, tumakbo ako ng mabilis papunta doon sa lamesang may baril, dinampot ko kaagad ang baril saka humarap kay shin na isang dangkal na lang ang layo at makakagat na siya ng zombie.

sinipat ko ang hawak kong baril at itinutok ito sa ulo ng zombie sabay kalabit.

*BANG

Hindi pa ako nakuntento at pinaputukan ko ulit ito.

*BANG

Sa pag kakataong ito ay tuluyan ng bumagsak ang zombie, hinipan ko pa ang baril na hawak ko.

" I miss this! namiss kong humawak ulit ng baril. " sabi ko at ngumisi.

" G-gel. " biglang tawag sakin ni shin na ngayon ay umiiyak na nakatingin sa zombie na hindi na gumagalaw.

bakt ba siya umiiyak? at bakit siya nakaluhod?

lumapit ako sa kaniya at lumuhod para mapantayan siya.

" G-gel. " tawag ulit niya pero nakatingin siya ay doom sa zombie.

ano bang problema niya?

" Gel bakit mo iyon ginawa? " Pag-iiyak niya at ngayo ay nakatingin na siya sakin.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, tanga ba siya? ay di kung hindi ko iyon ginawa, malamang zombie narin siya ngayon, hyst.

inismidan ko na lamang siya at tumayo na, mabuti pang pumunta na lang ako kay baby shawn kaysa marinig ang sasabihin ni shin hysttt.

maglalakad na sana ako pero agad din akong napahinto dahil sa narinig mula kay shin.

" Tita ko siya gel. " She said.

ni hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa aking narinig, parang nasementuhan na yata ang aking paa dahil hindi ko na nagawang humakbang.

kaya pala, kaya pala ganoon na lang siya umiyak dahil kamag anak niya pala ang pinatay ko, tita niya ang binaril ko ng dalawang beses.

Ang tanga ko!

THE LIFE FULL OF ZOMBIE (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon