GEL POV
"Ahhhhhh tulong!"
"Ahhhhhhhhhhhhhh!"Rinig kong sigaw ng mga tao sa labas. Kasalukuyang pinapaandar ko ang kotse na aking nakuha sa tabi-tabi lang at hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil ang dami ng nagkalat na mga zombie sa labas, panay pagewang-gewang na rin ang aking sasakyan dahil madami akong nakakasalubong na mga taong nagtatakbuhan at sasakyan sa kalsada.
"Hyst! saan ako pupunta?" inis kong sigaw habang nag da-drive. Hindi na ako pwedeng bumalik sa bahay ko dahil for sure na marami na ding zombie doon, ang kailangan ko na lang na puntahan ngayon ay ang alam kong safe ako pero saan?
"Aha!" Muling sigaw ko.
Nakaisip na kasi ako kung saan ako pupunta at iyon ay sa pinagawa kong tree house, ang kaso kaunti lang ang stock kong pagkain doon, baka mamatay ako sa gutom doon at hindi sa kagat ng zombie. Kainis dapat pala ay hindi muna ako lumabas at nag mall yan tuloy ang nangyari sa akin. Nakakalungkot mang isipin pero wala na akong magagawa at ang mga kaibigan koy naging zombie tanging ako na lang ang natira.
"Ahhhhh!" Sigaw ko nang may zombie na nakaakyat sa taas ng aking sasakyan. Binilisan ko ang pag da-drive at bigla-bigla na lang inihinto dahilan para malaglag ang zombie. Nag start ulit ako ng makina at pinaandar ulit ito ng mabilis buti na nga lang at marunong ako mag drive ang totoo kasi niyan. may kotse talaga ako, ang kaso lang hindi ko na iyon dinala dahil sa kaibigan ko na lang ako sumakay.
May nakita akong grocery store na pinasukan ng isang babae na tumatakbo, binilisan ko pa ang pag da drive at pinasok sa loob ng grocery ang aking kotse.
"Who are you?" tanong nung babaeng unang pumasok dito sa grocery nang makalabas ako ng kotse.
"Sorry but I need safety that's why I follow you." sagot ko sa kaniya.
"It's ok." tanging sagot lang niya at may pinindot siya na unti-unting nag pababa ng railings.
"What's your name?" tanong niya bakit ba siya english ng english yan tuloy mapapa english na lang din ako.
"Anne Gel Acabela but you can call me gel for short." sagot ko at binuksan ang kotse na dala ko saka kinuha ang binili ko kanina sa mall. Shoes, bag and dress tsk. mga wala na tong kwenta sa panahon ngayon, makakain ko ba ang mga ito? hyst.
"I'm Shanel Shin Villas but you can call me shin for short." pag papakilala din niya at pumasok siya sa isang pinto. Sumunod ako sa kanya at bumungad agad sa akin ang napakaraming pagkain, malamang grocery ito eh.
"Can I see your car I have something to find." bungad niya sakin nang makalabas siya sa bandang sulok na may pinto.
"Yes, you can." tanging sagot ko na sinuklian lang niya ng isang tango lumabas ulit siya sa pintong pinasukan namin.
Naglibot na lang ako sa grocery store na ito, marami siyang stock na pagkain for sure na aabot ito ng dalawa or isang taon sa amin, da-dalawa lang naman kami at hindi naman ako palakain, ewan ko lang kay shin kong matakaw siya.
"GEL, YUNG ANAK MO DITO NAG IIYAK NA." biglang sigaw ni shin na ikinagulat ko.
What?
What she's saying?
Anak ko? wala akong anak, boyfriend nga wala ako, anak pa kaya.
Dali-dali akong lumabas at nakita ko si shin na may kalong kalong na baby?

BINABASA MO ANG
THE LIFE FULL OF ZOMBIE (Zombie Apocalypse)
Misterio / SuspensoPaano kung ang pilipinas ay malamon ng zombie? Paano kung magkaroon ng zombie apocalypse sa pilipinas? Makakaligtas ka ba o magiging zombie ka? Magsasakripisyo ka ba o magiging makasarili ka? Magawa mo pa kayang magmahal o pipiliin mong mapag-is...