CHAPTER 3: Shawn Gelo Acabela Villas

4 0 0
                                    

  GEL POV

Anak? wala akong anak pero bakit may kalong-kalong na baby si shin? Ghad!

Unti-unti akong lumakad papalapit kay shin na kasalukuyang nilalaro ang baby, nang makalapit ay gulat na gulat kong tiningnan ang baby.

Wow!

so cute!

"Bakit mo ba iniiwanan ang anak mo gel?"  tanong ni shin na ikina-iling ko at ikina rolled eyes niya naman.

"Sa susunod wag mong iwan ang anak mo dahil delikado na sa panahon ngayon." sabi niya habang nilalaro pa rin ang baby.

umiling lang ako sa kanaya senyales na 'hindi ko siya anak' pero ang gaga ay hindi lang ako pinansin.

"Ano bang mukha yan? baka nagugutom na ang anak mo padeede-en mo na." binibigay niya sakin ang baby pero inilingan ko lang ito at hindi tinanggap ang baby.

Bakit hindi niya makuha ang nais kong ipahiwatig?

"Ano ayaw mong mag padede ng bata samantalang aanak-anak ka tapos ayaw mo sa bata, kanina kapa pailing-iling jan, nasaan ba ang tatay nito? Dapat doon mo na lang ibinigay ang bata kung ayaw mo sa bata, tapos ano sasabihin mo iniwan ka ng tatay nito eh di ako na lang ang mag aalaga sa bata, aampunin ko na lang ito kung ayaw mo sa batang ito, ang cute cute nga nito eh buti sana kung mukhang dugyot maiintindihan pa kita, tss." bunganga niya.

Ang talas din pala ng dila ng babaeng ito, ang sakit din manalita, pasalamat siya at walang katotohanan ang mga sinabi niya dahil kung may katotohanan iyon eh baka mapalapa ko ito sa mga zombie na nasa labas.

"First of all, wala akong anak, second, hindi ko anak iyang baby na kalong mo, third, eh boyfriend nga wala ako anak pa kaya? fourth, anong tingin mo sakin? malandi, malantod, makere, pokpok? para mag papatol sa lalaki, fifth, kung sakali mang mag ka-anak ako hinding-hindi ako iiwan ng lalaking makakabuntis sa akin DAHIL MAGANDA AKO." sabi ko sa kaniya at talagang diniinan pa ang huling salita.

kumunot ang kaniyang noo at tumingin siya sakin pero bumalik agad ang tingin niya sa baby.

"Tss. Sorry sa sinabi ko." paghingi niya ng paumanhin, mabait din pala.

"Hindi ko alam kung saan galing ang baby saka nakuha ko lang naman yang kotse sa tabi-tabi lang at hindi sakin ang kotseng iyan." sabi ko at tumingin ulit sa bata.

bakit ang cute?

siguro maganda at gwapo ang mama at papa nito, base sa suot ng baby at itsura nito eh lalaki ang baby.

"Bakit ka naman nangunguha basta-basta ng sasakyan malay mo hinahanap na ito ng parents niya." sabi niya na ikinairap ko.

"Ay kung hindi ko kinuha ang sasakyan na iyan eh malamang zombie na parehas kami ng baby na yan, alam mo kung bakit? mabagal ako tumakbo saka noong nakita ko ang kotse na iyan ay bukas ang passenger seat, malamang sa malamang eh makakain din ang baby na yan ng zombie dahil bukas ang passenger seat tapos iiyak ang bata eh di maririnig ng zombie tapos booom wala na, nakain na ang bata." paliwanag ko na ikinatango na lang niya. Hyst! buhay.

"Hello baby papangalanan na lang kitang Shawn Gelo Acabela Villas." kausap ni shin sa bata na ikinatawa ng bata.

Wow!

So cute!

"Oh kalungin mo muna si baby shawn may aasikasuhin muna ako." sabi niya at ibinigay sakin ang baby na tinanggap ko na.

may kinuha siya sa likod ng kotse na bakal?

Malaking bakal.

Ano ang gagawin niya doon?

"Dito lang kayo, pag sinabi kong pumasok, pumasok na huh." sabi niya at pumasok uli siya doon sa isang pinto na pinasukan namin kanina.

Kahit nagtataka sa mga kinikilos ni shin ay pinagmasdan ko na lang ang baby na si shawn, sa totoo lang ay, I hate babies but noong makita ko si baby shawn eh parang nagkaroon ako ng interest sa baby, hindi ako marunong mag alaga ng bata pero I will try my best para maalagaan si baby shawn ng maayos at palakihin bilang isang mabuting tao at malaya sa mga gusto niya, hindi ko siya itutulad sa pag papalaki sa akin ng mga magulang ko dahil masakal iyon.

Para sakin ang gusto nila sakin ay ang sila ang masusunod kung ano ba dapat ang gawin ko, ngayon kay baby shawn palalakihin ko siya ng lahat ng gusto niya ay nasusunod niya but kung ang gusto ni baby shawn ay bad, sorry baby shawn pero Hindi iyon pwede.

THE LIFE FULL OF ZOMBIE (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon