GEL POV
*THREE YEARS AGO (YEAR OF 2051)
" Sigurado ka ba na ikaw na lang mag isa ang kukuha ng pagkain? " tanong ulit ni shin.
kung Hindi ako nagkakamali ay pang walong tanong na niya sa akin iyan, mauubusan na kami ng stocks kaya kailangan na namin kumuha ng foods.
" Oo nga sabi kulit mo naman shin. " sagot ko na lang sa kaniya at sinubo ang pang huli kong pagkain.
" Titingnan ko muna 'yong gagamitin kong bike kung kompleto na doon ang mga dadalhin ko. " sabi ko at tumayo na.
" Finish your food baby shawn. " pisil ko sa pisngi ni shawn, he's 3 years old na, nakakapaglakad na siya at nakakapagsalita ng maayos.
" Aray mommy one masakit po ang pisil nyo. " reklamo ng bata kaya napatawa na lang ako at umalis na.
pumunta na ako sa bike na hinanda ko kanina, nandito na rin ang baril incase of emergency, nakita lang namin itong bike sa tapat ng grocery at kinuha namin ito, buwis buhay pa nga kami noong kinukuha namin ito but successful naman at nakuha namin, kailangan din kase namin itong bike kaya kinuha namin.
" Pwede naman akong sumama sa pagkuha ng pagkain. " sulpot ni shin na inilingan ko.
" No. bantayan mo na lang si shawn, mas kailangan ka ni shawn, wala iyon kalaro dito, for sure na maghahanap iyon ng kalaro. " sambit ko.
" Ingat ka na lang dapat mga alas dyes nandito ka na okay? " sabi na lang niya na ikinatango ko.
" Nasaan si shawn? " tanong ko.
" Nandoon naglalaro ng kaniyang laruan. " sagot niya.
" Sabihin mo kay shawn na pagbalik ko may pasalubong ako sa kaniya. " sabi ko na ikinatango niya.
Sumakay na ako sa bike at inihanda ang sarili, sinenyasan ko si shin at may pinindot na ito dahilan para unti-unting bumaba ang railings, bumungad sa akin ang madilim na labas pero makakakita ka pa rin Naman kahit papano dahil sa sikat ng buwan, agad-agad kong tinipa ang bike ng maagaw ko ang atensyon ng mga zombie sa labas dahil sa ingay ng railings.
Nang makalabas ay agad-agad na sinarado ni shin ang railings, pero panay takbo parin ang mga zombie sa gawi ng maingay, binilisan ko ang pag tipa para makalayo sa saradong railings dahil malapit ng makapunta doon ang mga zombie.
" Hayyyyy. " hinga ko ng maluwag nang makalayo na ako sa saradong railings na puno ng zombi
Maingat lang akong nagtitipa at iniiwasang makagawa Ng ingay, umiiwas din ako sa mga zombie na nadadaanan ko at sa mga sasakyang nagkalat, pupunta ako ngayon sa kabilang grocery malapit lang iyon, siguro mga twenty minutes lang ang pagba-bike ko at makakapunta na ako doon.
Kumukuha lang ako ng kumukuha ng de-lata at inilalagay ito sa dala kong bag, nang mapuno ang bag ay nakuntento na ako.
" I need toy para kay shawn. " mahinang saad ko sa hangin.
nangapa pa ako ng nangapa baka sakaling may makapa na laruan, pero kung mamalasin ka naman may natangko ako dahilan para malaglag ito at makagawa ng ingay.
Grrrrrrr. Angil ng zombie na kapapasok lang dito sa grocery.
bago pa tumakbo ang zombie sa gawi ko ay kumuha ako ng isa sa de-latang nakuha ko at binato ito sa dulo dahilan ng paglikha nito ng ingay at doon pumunta ang mga zombie kasunod ng iba pang zombie na nag-uunahang pumasok dito sa grocery, pigil ang hiningang lumakad ako para lumabas ng grocery.
hyst! tanga ko naman, banda sa pinto ko nabato y'ong de-lata kaya ang ending nasa pinto ang mga zombie.
pigil ang hiningang lumakad ako sa likod ng mga zombie na nakahara sa pinto, buti na nga lang at may space pa akong madadaanan, ghadd! hindi muna ako gumalaw nang may isang zombie ang humarap sakin.
Kita ko ang buong pagmumukha ng zombie dahil nakaharap ito sakin at isang dangkal lang ang layo nito sa mukha ko, nakadiri ang ngipin nito at may uod pa.
Gusto ko mang masuka pero kung sakaling magawa ko iyon malamang sa malamang ay malalapa ako ng mga zombie na ito.
nakahinga ako ng maluwag ng tumalikod na muli ang zombie, lumakad na ulit ako palabas, mabilis pa sa chita ang ginawa kong paglagay ng dala kong bag sa unahan ng bike at dalidali akong sumakay saka nagtipa.
" Kadiri! " mahinang bulalas ko sa hangin.
tipa lang ako ng tipa at lumilingon sa paligid baka sakaling may makuha akong kailangan at hindi nga ako nagkamali, may nakita akong toy store, dali-dali ko munang itinabi ang bike saka pumasok sa loob.
Malinis ang loob pero delikado parin, kinuha ko na lang ang eroplano sa gilid ko saka ulit sumakay sa bike at dali-daling nag tipa ulit Ng mabilisan pero tahimik dahil lalong dumadami ang zombie na nakikita ko.
Hyst naman buhay! agaw buhay na naman yata ang gagawin ko, nandito na ako sa tapat ng grocery na tinutuluyan namin.
ano ba Ang gagawin ko?
kakatukin ko na ba itong railings?
ang dami kaseng zombie na nakapaligid at kapag kinatok ko ito for sure na mapupunta dito ang lahat ng atensyon ng zombies.
huminga muna ako ng malalim saka lakas loob na kinatok ang railings.
Grrrrr. Angil ng mga zombie saka patakbong lumalapit sa pwesto ko.
Ayan na nga ba Ang sinasabi ko.
" Arggg bilisan mo na. " gigil kong sabi dito sa railings na mabagal magbukas.
ilang metro na lang ang layo ko sa mga zombie at dahil ayaw ko pang mabiktima ng zombie ay nag slide na lang ako kasabay ng bike papasok, muntikan na ngang maiwanan ang bag na puno ng de-lata sa labas pero agad ko din naman itong nahablot.
" Saraduhan mo bili. " sigaw na utos ko kay shin na agad din naman niyang sinunod.
Pero bago pa tuluyang magsara ang railings ay may sumabit pa na dalawang zombie, iyong isa ay kamay ang sumabit tapos iyong isa ay ulo naman ang sumabit.
" Hindi kayo allowed dito. " ngising turan ni shin sa zombie sabay putol nito sa kamay at ulo, tumalsik pa banda sakin ang ulo ng zombie na inuuod pa.
yuck kadiri!
" Ewwww! " pandidiri ko sa ulo ng zombie na tumalsik banda sakin, napaatras ako nang makitang may uod banda sa paanan ko.
I hate that! I hate uod!
" Ako ng bahala dito, ayusin mo na lang 'yang mga dala mo. " said shin.
na ikinatango ko na lang saka inayos ang bike, pumasok na ako sa loob at inilapag muna sa sofa ang dala ko sabay bagsak ng katawan ko sa sofa, pumikit muna ako, ilang minuto pa akong nakapikit bago nagmulat ng mga mata, tumingin ako sa pinaglagyan ko ng bag ngunit wala na iyon doon, tumayo na ako, dumiretso sa kitchen,
Then I saw shin na inilalagay ang mga de-lata na nakuha ko sa aparador." Where's shawn? " tanong ko, at umupo muna ako sa upuan na nandito.
" Ayun nasa kwarto, nakatulog na lang sa kakahintay sayo. " sagot niya.
" Magpapahinga na ako. " saad ko at lumakad na.
kinuha ko ang eroplano sa sofa na inilagay ko lang rin kanina kasama n'ong bag, siguro bukas ko na lang ito ibibigay, lumakad na ako papunta sa kwarto then I saw shawn tulog na tulog, humiga ako sa tabi niya at hinaplos ang mataba nitong pisngi.
" Good night baby shawn, I love you! " I said saka kiniss ang noo ng bata, niyakap ko ito at ipinikit na ang mga mata kong babagsak na.

BINABASA MO ANG
THE LIFE FULL OF ZOMBIE (Zombie Apocalypse)
Mystery / ThrillerPaano kung ang pilipinas ay malamon ng zombie? Paano kung magkaroon ng zombie apocalypse sa pilipinas? Makakaligtas ka ba o magiging zombie ka? Magsasakripisyo ka ba o magiging makasarili ka? Magawa mo pa kayang magmahal o pipiliin mong mapag-is...