Prologue

262 13 0
                                    

"Natapos mo na?"

Nag-unat-unat ako nang marinig ko ang tanong na iyon galing sa aking katrabaho. Nakasalubong ko siya nang tanungin niya iyon. Tiningnan ko ito at ningitian.

"Thankfully, natapos din. Ang daming applicants eh," sagot ko.

"Ganyan talaga kapag HR Assistant," nakangising sambit nito.

"Uuwi ka na?" pang-iiba ko ng usapan.

"Oo, ikaw ba? Sabay na tayo."

"Mauna ka na, marami pa akong liligpitin eh," tugon ko.

Ngumiti lang ito at nagpaalam na rin. Tinungo ko na ang aking opisinang walang kabuhay-buhay, sabi ng ka-workmates ko. Ewan ko ba kung bakit nasabi nila iyon. Anong masama sa neutral colors na opisina? White and black kasi iyon at kokonti lang ang mga gamit sa loob. Alangan namang dalhin ko ang buong gamit ko rito?

Nang nakapasok ako ay siya namang pagtunog ng aking cellphone. May natanggap akong mensahe galing kay Mama at binasa iyon. Sandali akong napatitig doon.

Mama:

Nak, punta ka rito sa bahay ng Tita Melody mo. Birthday niya ngayon.

Napabuntinghininga ako. Bakit ngayon pa? Bakit ako pa?

After 5 years, ngayon lang ulit ako inaya sa bahay nila matapos ang pangyayaring hinding-hindi ko makakalimutan sa mismong birthday ng anak ni Tita Melody. Alam ni Mama ang pangyayaring iyon pero bakit pa nila ako inaya na pumunta roon? Para saan? Para masaktan ulit ako?

Magtitipa na sana ako ng ire-reply ko kay Mama kaso tumawag na siya.

"Ma," bungad ko.

"Nabasa mo ba ang text ko?" tanong nito. Naririnig ko pa ang ingay ng mga tao sa kung nasaan siya ngayon.

"Opo."

"Pauwi ka na ba? Halika muna rito, nandito rin ang tatay at kapatid mo."

"Ma, alam mo namang—"

"Alam ko 'yon anak pero request kasi ito ng Tita Melody mo kasi matagal ka na niyang hindi nakikita. Pupunta ka naman 'di ba?"

"Hindi po ako sigurado," sagot ko.

"Punta ka na lang," huling sambit nito bago ito nagpaalam.

Napabuntonghininga ulit ako.

Kahit ano pa ang ginawa ng anak niya sa akin, hindi ko pa rin pwedeng tanggihan ang alok ng mama niya. Alam kong makikita ko siya roon pero wala naman na akong pakialam sa kaniya. Hello? 5 years na kaya ang nakakalipas at naka-move on na ako.

Nang mailigpit ko na ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng opisina. May iilang tao pa akong nakikita sa loob ng city hall. May ilan din na kinawayan ako at ngiti lang ang sinukli ko.

Pumasok na ako sa aking kotse nang makarating ako sa parking lot. Pinaharurot ko ito papunta sa bahay nila.

Habang nasa biyahe ay tila nagdadalawang-isip pa ako kung tutuloy pa ba o hindi. Nasa bukana na ako ng kanto nila nang tumigil ako. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim.

It is just a birthday celebration, nothing special. Pagtitiisan ko na lang hanggang sa matapos ang araw na ito.

Itong pagkikita namin ngayon ang ganti ko sa ginawa niya sa akin noon.

Pinaandar ko ulit ang sasakyang hanggang sa makarating na ako sa aking destinasyon. Maraming sasakyan ang naka-park sa harapan ng bahay nila pero nai-park ko naman nang maayos ang aking sasakyan. Nasa loob pa lang ako ng sasakyan ay may iilang bisita nang nakatingin sa bagong dating, which is ako.

Still Loving You (OLD CLASSICS SERIES #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon