Chapter 20

49 6 0
                                    

RATED SPG. This Chapter contains mature content. Read at your own risk.

"Congrats! Ikakasal ka na!"

Nandito kami ngayon sa bar para gunitahin ang bridal shower ni Mia. Ikakasal na kasi siya next month at dito niya naisipang mag-celebrate ng bridal shower.

Puro babae kami lahat dito sa inuukupa naming floor. Hanggang 3rd floor 'yong bar at nirenta ni Mia ang 2nd floor para bridal shower niya.

At dahil nasa bar kami ay may mga lalaki rito pero nasa baba lang sila na abala sa pakikipag-party. Hindi namin sila kasama kaya wala kaming pakialam sa kanila.

Nagpaalam ako kay Brent noong nakaraang linggo pa lang na a-attend ako rito dahil siyempre ikakasal na ang bestfriend ko. Pumayag naman siya at siya pa ang nag-initiate na ihatid sundo ako. Okay lang naman sa akin iyon dahil baka malasing ako mamaya. He also warns me na huwag dumikit sa mga lalaki at siyempre hindi ko naman gagawin iyon. Ako na ang kusang lalayo sa kanila. I don't want Brent to get angry, baka pag-awayan lang namin.

Kanina pa nagsimula ang party at nag-iinuman na ang mga tao rito. Kasama ko sina Sophie at Aria sa table. Abala si Mia sa pag-a-accommodate ng mga bisita niya kaya hindi niya kami kasama ngayon sa table.

Biglang naghiyawan ang lahat nang dumating ang cake niya. Tiningnan ko ito at natawa na lang ako sa nakita. Hugis ari ng lalaki ang cake kaya naghiyawan ang lahat, may nagvi-video pa. May naalala tuloy ako.

I remembered how big and hard Brent's cock the moment I saw it last time. We just had sex last week, right after my birthday celebration. Bigla tuloy akong namula at iniwas ang tingin doon sa cake.

Jusko! Maghunos-dili ka, Lyra!

Pinanood namin kung paano hinipan ni Mia ang cake at nag-attempt pa siyang subuin iyon kaya nagtawanan ang lahat. Ang kalat!

Tinuloy ulit namin ang party and this time, nasa baba na kami para magsayawan sa dance floor. Lahat kami ay bumaba para mag-enjoy at sumayaw.

Everyone was minding their own business kahit 'yong mga kaibigan ko ay nawala na sa paningin ko at nagkaniya-kaniya na. Nagsasayaw lang ako sa gitna because I want to enjoy the moment.

Naghiyawan ang lahat nang pinatugtog ng DJ ang isa sa mga sikat na party music ngayon. Everyone was banging their heads while jumping, and so I did.

"Let's go!"

"Party!"

"Yeah!"

Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko rito sa dance floor at lahat sila ay nag-e-enjoy talaga.

While I was having my time enjoying the moment, I felt an arm touching my waist. Akala ko si Brent iyon pero nang lingunin ko ito ay ibang lalaki pala.

"Hi!" bati niya. May dala-dala pa siyang isang bote ng alak na paubos na ang laman.

Hindi ko siya pinansin at winakli ang kamay niya na nasa bewang ko. Akala ko roon na matatapos iyon pero inulit niya pa rin ang ginawa niya kanina at patuloy ko pa rin winawakli ang kamay niya.

"Get your hands off me!" sigaw ko nang umulit na naman siya. Ang kulit ha!

"Let's just enjoy the moment, hmm?" malambing na sambit nito.

"Bitaw sabi eh!"

"So aggressive, huh? I like that."

Napangiwi tuloy ako.

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag inulit mo pa," banta ko. "At saka may asawa na ako kaya huwag ako," dagdag ko.

"Wala naman ang asawa mo eh so ok—"

Still Loving You (OLD CLASSICS SERIES #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon