Chapter 2

109 10 1
                                    

"May anak pala sina Tito Albert at Tita Melody?"

Iyon kaagad ang lumabas sa aking bibig nang maghapunan kami. Napatingin silang tatlo sa akin nang tanungin ko iyon. Ako naman ay nagpatay malisya lang.

Kailangan kong malaman ang mga impormasyon patungkol sa binatang iyon. Isa ito sa mga ginagawa ko kapag nagkakaroon ako ng crush, inaalam ko ang pagkatao nito.

"Oo," tipid na sagot ni Mama, ngumunguya pa ito.

"Lalaki ba ate?" mahinang bulong ng kapatid ko, si Cathy. Magkatabi lang kami kaya kami lang 'yong nagkakarinigan.

"Oo, pogi pa." Narinig ko ang pagsinghap niya kaya sumilay ang ngiti ko.

"Bakit mo natanong?" Si Papa naman ang nagtanong.

Patay! Anong idadahilan ko? Nakakatakot pa naman magtanong si Papa.

"Napagkamalan ko kasi siyang delivery rider ng parcel kanina. Hindi ko naman po alam na anak pala iyon ni Tito Albert."

Ayan! Ang galing ko talaga gumawa ng lusot!

Narinig ko ang pagtawa nilang lahat.

"Seryoso ka ate? Delivery rider talaga?" natatawang tanong ni Cathy. Kulang na lang humagalpak na ito sa tawa.

"Aba malay ko ba! Alam mo namang mahilig si Mama umorder sa online at araw-araw na lang may dumadating na parcel kaya napagkamalan ko tuloy," pagdadahilan ko.

"Atleast alam mo na ngayon na anak iyon ng Tito Albert mo," sambit ni Papa.

"Opo."

Naku! Lumalayo na kami sa usapan. Kailangan kong malaman ang pagkatao niya! Sila Mama lang ang alam kong makakapagbigay n'on kasi kilala nila ang magulang no'ng binata.

"Balita ko matanda ka sa kaniya ng isang taon. Nag-aaral din ata 'yon sa eskwelahan na pang-seaman," kwento ni Mama.

Agad nagliwanag ang mukha ko nang magkwento si Mama. Hulog ka ng langit, Ma!

Iyong eskwelahan na tinutukoy ni Mama ay malapit lang sa university na pinapasukan ko! Magkatapat lang! All boys school din iyon sa pagkakaalam ko.

One year age gap? Hindi masama.

At saka magsi-seaman? Ang aking marino.

Huy! Umayos ka, Lyra!

"Ngingiti mo r'yan? Crush mo 'no?" tanong ni Cathy. Tumaas baba pa ang kilay nito.

"Manahimik ka nga, baka marinig ka nila Mama," suway ko.

"Crush mo nga," tango-tangong sambit nito at ibinalik ang atensyon sa pagkain.

Wala naman akong sinabi? Paano niya nalaman?

"Baka araw-araw na rin siyang magpupunta rito kasama ang papa niya, nagkasakit daw kasi buddy nito."

Mas lalong nagliwanag ang aking buhay este ang aking mukha sa narinig ko. So, araw-araw ko na siyang makikita? Ako na ang magbabantay ng tindahan sa tuwing uuwi ako galing school! Napangiti ako sa aking kaloob-looban.

Nakaka-excite naman!

"Kaya ikaw, Lyra, 'wag mo na ulit pagkamalan ng kung ano-ano ang anak ng Tito Albert mo, maliwanag?"

"Yes po," agarang sagot ko.

Ay teka! Hindi ko po alam ang pangalan niya!

Itatanong ko na sana kaso tapos na silang kumain at nagsipuntahan na sa kusina. Pero nagpag-isip-isip ko na kapag nagtanong ako, baka makahalata na sila na interestado ako roon sa binata, which is totoo naman. It's for me to find out na lang. Tutal, palagi ko naman siyang makikita araw-araw.

Still Loving You (OLD CLASSICS SERIES #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon