Chapter 4

86 8 0
                                    

"Malapit na tayong grumaduate!"

Sumilay ang ngiti ko nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Mia.

"Tanga, kaka-enroll lang natin for second semester eh," pambabasag ni Aria sa masayang moment ni Mia. Napasinghal tuloy si Mia.

"At least isang semester na lang ga-graduate na tayo."

"Asikasuhin muna natin ang thesis natin," sambit ni Sophie. Napangiwi tuloy kami.

Hindi talaga kami nilulubayan ng thesis na 'yan. Isa ito sa ticket namin para maka-graduate kaya kailangan naming ipasa iyon.

Pinagmasdan ko ang paligid. Ang bilis ng panahon 'no? Parang kailan lang noong freshman pa ako rito tapos ngayon graduating na.

Mabilis lumipas ang mga araw kaya tumuntong na kami ng 4th year. Naalala ko tuloy 'yong crush ko noong 3rd year pa lang ako.

Speaking of crush, oo, crush ko pa rin si Brent hanggang ngayon. Mag-iisang taon na rin mula noong nakilala at naging crush ko siya. Ang bilis talaga lumipas ng panahon.

Sa mag-iisang taon na iyon ay masasabi kong nag-i-improve na kami. Bakit? Dahil may interactions na kami! Nag-uusap na kami. Nakakapanibago pero masaya ako kasi may improvement na.

Hindi na puro tango at salamat ang ginagawa niya sa tuwing nagkikita kami, kinakausap na niya ako! Naalala ko tuloy 'yong unang pag-uusap namin noong una ko siyang nakita, ganoon na ganoon ang pag-uusap namin ngayon. Maikli pero at least nakakapag-usap na kami.

Tinatanong niya sa akin kung oorder ba kami ulit ng yelo sa kanila, nag-a-update rin siya sa tuwing hindi sila makaka-deliver at iba pa. Sa ganoong paraan lang natutuwa ang puso ko.

Close ba kami?

Hindi ko masasabi na oo pero hindi ko rin masasabi na hindi. Nasa gitna lang. Casual kumbaga. Magkakilala lang kami.

May mga alam na rin ako tungkol sa kaniya. Mag-iisang taon na mula noong nagkilala kami kaya malamang may nalalaman na ako sa kaniya. Hindi nga lang niya direktang sinabi sa akin ang mga nalaman ko, mula iyon sa kapitbahay ko na naging kaibigan niya. Buti pa 'yong kapitbahay ko naging kaibigan niya. Kami, hanggang Facebook friends lang. Saklap.

"Kaya siya pumasok sa Maritime dahil iyon ang gusto ng mga magulang niya at nagustuhan niya rin iyon dahil naimpluwensiyahan siya ng kaniyang Tito na Seaman na ngayon," sabi nito sa akin noong nagkwento siya.

Palagi kong pinapakwento 'yong kapitbahay namin tungkol kay Brent dahil sa kaniya lang ako nakakakuha ng impormasyon. Hindi ko alam kung nahahalata na ba niya na may gusto ako kay Brent dahil tanong ako nang tanong sa kaniya at wala akong pakialam kung mahahalata niya. Hindi naman siya si Brent kaya okay lang din.

Araw-araw ko pa rin siyang nakikita at araw-araw din akong nahuhulog sa kaniya. Hindi ko rin alam kung nakakahalata na ba siya sa akin pero wala naman akong pakialam doon. Kung malaman niya na crush ko siya edi okay lang, at least alam na niya.

Pero baka iwasan niya ako kapag nahalata at malaman niya.

Kung nahahalata na niya ako, dapat matagal na niya akong iniiwasan pero hindi naman niya ginawa iyon kaya mukhang hindi pa niya alam. Ayos lang din.

Dalawang linggo na ang nakararaan mula nang huli ko siyang nakita. May bago nang buddy si Tito Albert kaya ito na 'yong nagde-deliver kasama si Tito. Nalungkot tuloy ako pero hindi ako pinaghinaan ng loob.

Makikita at makikita ko pa rin siya.

"Ang lalim naman ng iniisip mo," sambit sa akin ni Sophie.

"Iniisip na naman niya siguro ang crush niya."

"Ano naman ngayon?" proud na sabi ko. Napailing na lang sila.

Still Loving You (OLD CLASSICS SERIES #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon