Chapter 3

52 8 0
                                    

"Bakit ang daming yelo rito sa freezer?"

Sabado ngayon at walang pasok kaya ako pa rin ang naatasan na magbabantay ng tindahan. Galing si Mama sa palengke at ngayon niya lang napansin ang napakaraming yelo sa freezer.

Kailangan kong gumawa ng palusot! Ako kasi ang dahilan kung bakit maraming yelo ang nakatambak ngayon sa freezer. Kahapon ay hindi niya ako binilinan na umorder ako ng yelo pero umorder pa rin ako sa kadahilanang makikita ko si crush. Matumal kasi 'yong benta nitong nakaraang araw kaya hindi na muna umoorder si Mama ng yelo pero dahil matigas ang ulo ko at pinapairal ko ang pagiging maharot — slight lang naman — nagkatambak-tambak tuloy ang mga yelo.

Kung idahilan ko kaya iyong matumal ang benta? Totoo rin naman kasi.

"Matuman po kasi ang benta ng yelo lately," palusot ko.

Ayan! Sana makaraos.

Pinanliitan niya ako ng mata.

"Hindi nga po, pansin niyo naman po na matumal benta," depensa ko.

"Sigurado ka bang hindi ka umorder ng yelo kina Brent?"

Huh? Sinong Brent?

"Sino ho si Brent?" nagtatakang tanong ko.

Panibagong buddy na naman ba ito nina Tito Albert?

"Brent, anak ng Tito Albert mo."

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Brent ang pangalan niya?

"Oh, bakit gulat na gulat ka? Araw-araw na siyang pumupunta rito sa tindahan tapos hindi mo pa alam ang pangalan ni Brent?" sunod-sunod nitong tanong.

"Hindi naman po kasi siya palasalita. Ni hindi ko pa nga naririnig na tinawag siyang Brent."

Totoo iyon. Sa isang buwan niyang pagpunta rito ay hindi naman siya nagsasalita masyado. Tanging "salamat" lang ang sinasambit nito tapos uuwi na rin. Nonchalant ata.

Isang buwan ko na rin siyang hinahangaan.

Hindi na ako tinanong ni Mama tungkol doon sa yelo kaya nakahinga ako nang maluwag. Buti na lang nailusot ko.

Hindi ko na naman makikita ngayon si crush este si Brent. Ngayon na dumarami ang yelo sa freezer ay hindi na ito pumupunta rito para mag-deliver. Noong nakaraang dalawang araw lang siyang nagpunta rito para mag-deliver nang hindi nalalaman ni Mama, siyempre gawain ko pa rin.

Kahit na nalulungkot ay namayani ang saya ko. Sa wakas nalaman ko rin ang pangalan niya. Isang buwan ko nang inaalam ang pangalan niya at ngayon ko lang nalaman mula kay Mama. Bakit kaya hindi ko naisip na tanungin si Mama? Alam niya pala ang pangalan ni Brent eh. Pero baka magdududa siya sa akin na interesado ako sa kaniya. Buti na lang hindi ko natanong, nalaman ko na rin naman.

Sa isang buwan na iyon ay mas lalo pang lumalalim ang pagkagusto ko sa kaniya. Though, normal lang naman ito dahil ganito rin naman ang nangyayari sa akin dati sa past crushes ko.

Sa tuwing nakikita ko siya ay hindi na mapaglayan ang kilig ko. Hindi kami gaano nag-i-interact masyado dahil hindi naman siya palasalita at the same time nahihiya rin akong mag-approach sa kaniya.

Crush ko siya pero nahihiya ako. Ewan ko ba pero ganito na talaga ako eh.

Wala pa naman masyadong bumibili kaya naisipan kong i-search ang pangalan niya sa Facebook. Salazar ang surname niya kaya nilagay ko sa search bar ang Brent Salazar. Maraming lumabas na pangalan pero may isang pangalan ang umagaw sa atensyon ko. Brent Tyrone Salazar ang pangalan nito at pagka-click ko ay nahanap ko na ata ang hinahanap ko dahil mukha niya ang nasa profile picture niya.

Still Loving You (OLD CLASSICS SERIES #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon