Chapter 8

86 10 0
                                    

"Urgh!"

Inis na napasubsob ako sa manibela habang inalala ang pag-uusap namin ni Brent kanina.

Hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit niya ginagawa ito.

Ang dali lang niyang sabihin na pumapayag siya sa kasalan tapos ako rito ay nahihirapan kung paano ito lulusutan.

Gusto niya ba na magalit ako sa kaniya nang husto?

Lumalayo na nga ako sa lalaking iyon tapos ipinipilit pa nila akong ilapit sa kaniya. Nakakainis!

Napasapo na lang ako sa aking noo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit anong taboy ko sa kanila ay kinukulit pa rin ako. Nakakabanas na!

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako ang natitipuhan nila para sa lalaking iyon. Pwede naman silang maghanap ng iba at dinamay pa ako. May Hazel na siya kaya siya karapatdapat para kay Brent at hindi ako. Gusto niya 'yon, 'di ba? Edi siya ang pilitin nila.

Nagmaneho ako papunta sa kung saan. Ewan ko kung saan ako dadalhin nitong sasakyan ko at basta na lang akong nagmaneho. I found myself sitting in a children's park. Hindi ko namalayan na rito ako lumanding.

Pinagmasdan ko ang paligid at marami akong nakikitang mga bata na naglalaro sa park. Tirik na tirik ang araw pero todo pa rin sila sa paglalaro. Ang sarap tuloy bumalik sa pagkabata. Malayo sa magulong buhay pagtanda.

Nagmamasid lang ako sa paligid habang sumisimsim sa iced coffee kong tunaw na ang yelo. Naroon pa rin naman ang lasa ng kape kaya ayos na rin.

Paminsan-minsan akong tumatawa nang makita ko ang isang bata na pilit niyang pinapalaro ang kasama niyang Mommy. Ayaw sana ng Mommy kaso pinilit ito ng anak niya kaya no choice ito at nakapaglaro sa anak. Hindi ko siya nakitaan ng pagsisisi dahil masaya ito sa pakikipaglaro sa anak.

Naalala ko tuloy si Papa. We used to play like this before, when I was a kid. A smile formed on my lips.

May lumapit na batang lalaki sa akin. Nakaharap ito sa akin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay parang hinuhusgahan niya ako. Kumunot pa ang noo nito.

"May anak ka po ba?" tanong nito.

Do I look like I have a child? Anong klaseng tanong 'yon?

Iyon sana ang isasagot ko kaso baka matakot ang bata sa akin kaya iniba ko na lang.

"Nope," simpleng sagot ko.

"Eh bakit ka po nandito?"

Bawal ba ako rito? May nakasaad ba na bawal ang walang anak dito?

Tiningnan ko ang buong paligid at wala naman akong nakikita na signs na bawal ako rito.

"Bawal ba?" pagtataray ko.

"Children's park po ito eh tapos wala ka naman pong anak at hindi ka naman bata," saad nito. Kumamot pa ito sa kaniyang ulo na animoy naguguluhan.

Aba! Iniinis ako ng batang 'to ah!

So, kailangan talaga na may anak ako para makapunta ako rito?

It's a public park for Pete's sake!

Hindi ko alam kung anong gagawin ko rito sa batang ito. Ayoko namang bangayan siya dahil baka matakot at umiyak pa, pagbintangan pa ako na inaway ko siya.

Gusto ko lang namang maging payapa ang pagpunta rito pero iniinis ako ng batang ito na akala mo'y may-ari ng park na ito. Parang wala na akong karapatang maging peaceful ngayon simula noong nagkadaleche-leche ang buhay ko.

Still Loving You (OLD CLASSICS SERIES #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon