BRENT'S POV
"Anak, samahan mo nga ako sa bahay ng kumpare ko."
Pagkaapak ko pa lang sa bahay ay iyon na agad ang narinig kong salita mula sa ama ko. Nakaupo ito sa may balcony ng bahay namin at tila hinihintay talaga akong dumating galing school.
"Bakit po?" tanong ko.
"May sakit kasi 'yong buddy ko at wala akong kasama mag-deliver nitong mga yelo sa tindahan ng kumpare ko," tugon nito.
We own an ice business. Actually, sideline lang 'to ng ama ko dahil gusto lang niya ng pagkakaabalahan sa buhay. My mom has a job pero ayaw naman ni Papa na tumunganga lang sa bahay kaya sinubukan niya itong ice business. Dumaan si Papa sa trial and error method hanggang sa nakilala na siya ng mga parokyano niya at dumami na ang umoorder ng yelo sa amin.
"Sige po, mabibihis lang po ako," paalam ko.
"Huwag na. Iwan mo na lang ang bag mo at aalis na tayo. Hinintay talaga kitang umuwi para mai-deliver ito sa kumpare ko."
Wala akong nagawa kundi tumango na lang. Inilapag ko sa sofa ang dala kong bag at sinabayan ko si Papa na lumabas ng bahay. Sumakay na siya sa truck kaya iyon din ang ginawa ko at umupo sa passenger seat.
Tahimik lang kami sa biyahe habang abala ako sa aking cellphone. Kauuwi ko lang pero nakatanggap na agad ako ng chats mula sa mga kaibigan ko.
Riley:
Tara ml
Ethan:
Teka lang, hindi pa ako nakakauwi eh
Jack:
Nasa biyahe pa ako mga tukmol
Brent:
Mamaya na ako
Kasama ko si Papa ngayon
Ethan:
Bakit?
Riley:
Anong bakit?
Bawal bang sumama sa papa niya?
Jack:
Mga tukmol talaga
Brent:
May delivery kami ngayon
Ethan:
Awts gege
Hindi ko na sila nireplyan at itinuon na lang atensyon sa daan. Malapit na kami sa bahay ng kumpare ni Papa. Alam ko ang bahay nila dahil minsan na akong nakakapunta roon sa tuwing may okasyon sa kanila.
Ilang sandali lang ay tumigil na ang sasakyan hudyat na nakarating na kami sa aming destinasyon.
"Ikaw na ang kumausap doon sa asawa ng kumpare ko, sabihin mo na may delivery tayo," utos sa akin ni Papa.
"Sige po," tugon ko at bumaba na ng truck. Nagtungo ako sa tindahan nila at wala akong namataan na tao sa loob. "Tao po!" sigaw ko.
"Sandali lang!"
Boses babae ang sumigaw. Ito na ata ang asawa ng kumpare ni Papa. Ngunit nakaraan ang ilang minuto ay wala pa rin ito sa harap ko.
"Tao po!" sigaw ko ulit.
"Sandali lang!"
Mas malakas na ngayon ang isinigaw no'ng babae sa kung saan man naroroon siya. Hindi na ako sumigaw ulit dahil baka papunta na siya.
BINABASA MO ANG
Still Loving You (OLD CLASSICS SERIES #1) ✓
RomanceLyra & Brent - novel ***** Hindi kailanman sumagi sa isipan ni Lyra ang pag-aasawa. She's just enjoying her professional life as an HR Assistant and living her life freely. And she can't believe that, in an instant, she's suddenly getting married. ...