Chapter 18

50 8 0
                                    

RATED SPG. This Chapter contains mature content. Read at your own risk.

"Engagement party ng kaibigan ko at in-invite tayo. Do you want us to go?"

"Yeah, sure. Saan at kailan ba 'yan?" tanong ko.

It's been 3 months since our marriage went okay. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang no'ng pinag-awayan pa namin ni Hazel. Everything went so fast.

Sa loob ng 3 months na iyon ay mas napalalim pa ang aming pagsasama bilang mag-asawa. Nagkakaroon na kami ng time sa isa't-isa. Madalang lang din kami mag-away, hindi tulad no'ng dati na parang halos araw-araw na kami nag-aaway.

We were so vocal padating sa iba't ibang bagay. Mas organized na rin kami sa bahay at kahit tatlo lang kami sa bahay kasama si ang pusa kong si Coco ay masaya pa rin kami.

Sa loob ng 3 months na iyon ay mas lumalalim ang pagmamahalan namin. Akala ko nga hindi kami aabot ng 3 months bilang mag-asawa eh pero tingnan mo naman ngayon?

Hindi pa rin alam ng parents namin ang tungkol doon sa pinag-awayan namin noong mga nakaraang buwan. Tanging si Cathy at ang trio lang ang nakaaalam. Hindi na namin sinabi sa kanila dahil okay naman na kami.

We were okay and happy.

"Sa M Hotel at sa linggo na gaganapin iyon," sagot niya at niyakap ako.

Nasa sala kami ngayon at nanonood kami ng TV series. Nakahiligan din namin manood ng ganito. May time nga na nagpustahan kami kung sino 'yong killer ng pinapanood namin na series at ang ending ay ako ang nanalo. 5 thousand din 'yong pusta namin at okay lang naman sa kaniya iyon, sabi ko rin naman na ipanggo-grocery ko 'yong premyo ko.

Naalala ko tuloy 'yong pustahan namin ni Cathy. Napangiti na lang ako.

"What are you smiling at? May naisip ka namang kalokohan 'no?" naniningkit ang mga matang tanong niya.

Tinapunan ko siya ng nagtatakang tingin. "Huh? Wala ah. May naalala lang ako."

"Ano naman 'yan?" Umayos siya ng upo pero yakap-yakap pa rin ako.

"Nothing important," I answered.

Nagsalubong na tuloy ang mga kilay niya.

"Hindi ako naniniwala."

"Wala nga," giit ko. "Ikaw talaga, kung anong iniisip mo."

Ipinilig niya ang kaniyang ulo sa aking balikat at mas lalo ko tuloy nasinghot ang mabangong pabango niya. Lately ko rin nalaman kung anong ginagamit niyang pabango. 5 years ago ko pa gustong malaman ang pabango niya. He wears Jo Malone's WoodSage ang Sea Salt perfume. Ang bango nito kaya paborito ko itong singhutin sa kaniya.

"Hindi mo ba bibigyan ng asawa si Coco?" tanong niya nang dumaan sa harap namin si Coco.

"Kapon na siya eh, bakit mag-aasawa pa siya?"

"Para may kasama siya. Ang boring kaya kapag walang kasama," tugon niya.

Sabagay, tama siya. May mga pusa pa naman kami sa bahay pero ayaw akong payagan ni Papa na magdala pa ng isa rito dahil baka mag-away lang sila ni Coco.

I always wanted to have a golden British shorthair cat pero namamalahan ako sa presyo niya at kailangan pang i-import dito kaya mas magastos pa. Mahal ko naman ang mga pusa namin kahit na Puspin sila.

Friday ngayon at sa linggo na 'yong engagement party ng kaibigan niya. Ano kaya ang isusuot ko?

"May theme ba 'yong party?" I asked out of nowhere.

"Wala naman. Namomoblema sa susuotin mo? Just wear nice and sexy clothes," pilyong sambit niya. Sumilay rin ang pilyong ngisi nito. Tumaas baba pa ang kilay nito kaya pinalo ko tuloy siya nang marahan sa braso.

Still Loving You (OLD CLASSICS SERIES #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon