"Are you ready?"
Nakaharap ako ngayon sa salamin habang inaayusan ako. Nag-hire si Mama ng HMUA para sa araw na ito kahit hindi naman na kailangan. I saw myself wearing a light makeup. Hindi ko inakala na darating ang araw na ito.
Na ikakasal na ako.
Yes, today is my wedding day. Ang bilis ng panahon ano? Parang kailan lang no'ng pumayag ako na maikasal kay Brent. Everything went so fast and I didn't even notice it.
"Opo..." tugon ko sa tanong ni Mama.
Sa bahay lang ako inayusan dahil simpleng civil wedding lang naman ito. Inayusan din ang pamilya ko at tapos na sila, ako na lang 'yong hindi pa natatapos. Buhok na lang naman 'yong kulang.
Nilugay ng staff ang buhok ko dahil sabi niya ay maganda raw ang pagka-wavy ng buhok ko. Maraming nagsasabi ng gano'n kaya hindi na iyon bago sa akin pero natutuwa pa rin ako sa tuwing nakakarinig ako ng gano'n. Inipitan niya ito ng hair clip sa gitnang likurang bahagi ng buhok ko. Kumuha kasi siya ng ilang strands ng buhok ko sa magkabilang gilid tapos pinagtagpo niya ito saka niya inipitan ng hair clip.
Isang pilak na hair clip na may maliliit na diyamante ang nakadisplay. Ang hair clip ay simple ngunit elegante, na may makintab na pilak na nagdadagdag ng ningning. Ang bawat maliit na diyamante ay maingat na nakaayos, naglalagay ng banayad na kislap na nagpapatingkad sa kabuuan ng disenyo. Ang hair clip na ito ay tunay na nagpapahayag ng kagandahan at klase sa bawat detalye.
Iyong hair clip daw ay galing kay Brent. Binili niya raw ito para sa akin kaya kinilig 'yong mga baklang nag-aayos sa akin. Bakit naman niya gagawin 'yon?
"There," sambit ng staff nang matapos niyang ayusan ang buhok ko. "Ang ganda mo na," komento niya.
Ngumiti lang ako at nagpasalamat sa kaniya.
Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ako ba talaga ito? Talaga bang ikakasal na ako ngayon?
Hindi pa rin ako makapaniwala.
Pero paninindigan ko ito. Hindi rin naman kami magtatagal eh at hindi ako makapaghintay na mangyari 'yon.
Sasakyan ko lang ang mga trip nila at sisiguraduhin kong mapupunta rin ito sa wala.
Napabuntonghininga ako.
Pumasok ako sa banyo para isuot ang white dress na binili namin noong nakaraang linggo. Hindi ko pa ito nasusukat kaya nababahala ako kung magkakasya ba ito sa akin. Sabi naman sa akin ng tita ni Mia na saktong-sakto lang daw ito sa akin.
Nang maisuot ko na ito ay tiningnan ko ang aking kabuuan sa salamin. Saktong-sakto nga sa akin at bagay na bagay pa...
Lumabas na ako sa banyo at nagulat ako nang biglang napatili si Cathy nang makita niya ako.
"Ang ganda mo, ate," puri niya.
"Binobola mo lang ako eh," bulalas ko.
"Hoy totoo kaya," giit nito. "Oh sige, pangit ka na lang." Umirap ito kaya hindi mapigilang matawa ng mga bakla rito pati si Mama.
Hindi naman nasira ang buhok kong nakaayos na kaya hindi na nila ito ni-retouch.
"Nandoon na raw silang Brent sa city hall," anunsyo ni Mama. Nakatingin ito sa kaniyang cellphone at batid kong nakatanggap siya ng mensahe patungkol doon.
Tiningnan ko ang wall clock at 1:30 PM na ito. 2 PM magsisimula ang seremonyas kaya aligaga na ang mga tao rito. Niligpit na ng mga bakla ang kagamitan nila samantalang kaming tatlo ni Mama at Cathy ay lumabas na sa silid.
Naabutan namin si Papa sa sala at mukhang hinihintay kaming tatlo. Napangiti siya nang makita niya ako kaya nilapitan niya ako at niyakap.
"Ang ganda-ganda mo, anak," puri niya sa akin. Napangiti na lang ako.
BINABASA MO ANG
Still Loving You (OLD CLASSICS SERIES #1) ✓
RomanceLyra & Brent - novel ***** Hindi kailanman sumagi sa isipan ni Lyra ang pag-aasawa. She's just enjoying her professional life as an HR Assistant and living her life freely. And she can't believe that, in an instant, she's suddenly getting married. ...