Chapter 9

43 9 0
                                    

"I'm getting married," kaswal na sambit ko.

"You, what?"

"Paano ka magpapakasal eh you don't even have a boyfriend?"

I am with my friends today. Kasama ko ang trio na sina Sophie, Mia at Aria. Nasa condo kami ngayon ni Sophie dahil birthday niya ngayon. Kaming apat lang ang nandito sa condo niya dahil maagang natapos ang celebration na ginanap sa isang kilalang restaurant. Dito namin itutuloy ang celebration at mag-iinuman kami.

Gulat na gulat sila nang inanunsyo ko sa kanila kanina ang balita. Pinanlakihan pa nila ako ng mata habang nakatingin sa akin. Nakataas pa ang kilay.

"So, who's the lucky guy?" tanong ni Aria.

Lucky ba 'yon? Malas siya sa buhay ko.

"Si Brent," tipid na sagot ko.

"Brent? As in Brent Tyrone Salazar?"

"'Yong ex crush mo na ni-reject ka 5 years ago?"

"Sige, ipaalala niyo pa," sarkastikong usal ko. "But yeah, siya nga," tugon ko sa tanong nila.

"Huh, paano? Sa pagkakaalam ko ay galit na galit ka sa kaniya," naguguluhang tanong ni Mia. Tumango-tango rin sina Sophie at Aria sa sinabi ni Mia.

"Sabihin na nating... pinag-arranged marriage kami," pag-aamin ko.

"Uso pa pala 'yon ngayon?" tanong ni Aria.

"At pumayag ka naman?" Si Mia na naman ang nagtanong. "Halos isumpa mo na nga si Brent eh," dagdag niya.

Pasimple akong tumango.

"Ay mahal pa rin ng gaga," komento ni Sophie. Napatampal tuloy silang tatlo sa kanilang noo.

"Hey, it's not what you think, okay?" tutol ko. "Arranged marriage nga 'di ba? As if I have a choice?" Humalukipkip ako.

Nanatili silang tahimik kaya nagsalita ulit ako. Naisipan kong magkwento na lang. Habang nagkukwento ako ay maigi silang nakikinig sa mga sinasabi ko. Nagtatanong din sila at sinasagot ko naman iyon. Napapasinghap pa sila. Gusto ko silang pagtawanan pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.

Nang matapos ako sa pagkukwento ay sa isang iglap lang ay yakap na nila ako.

"I don't know what to say..." komento ni Sophie.

"Hindi ko alam na ganito pala ang nangyari," malungkot na sambit ni Aria.

Sobrang na-appreciate ko ang mga yakap nila. I feel at peace. I feel safe around them.

"Bakit ka pumayag?" usisa ni Mia matapos naming magyakapan.

"Napag-isip-isip ko na wala namang mababago sa akin, bukod nga lang sa apelyido ko. Magagawa ko pa rin naman ang gusto ko. I can act as normal individual kahit na kasal na ako sa kaniya. Magagawa ko ring miserable ang buhay ni Brent gaya ng pagka-miserable ng buhay ko ngayon," mahabang tugon ko.

"You know that marriage is different. Mahirap ang pag-aasawa," parangal ni Mia.

"I know. Hindi rin naman namin mahal ang isa't isa kaya sigurado akong magiging basura lang itong kasal na ito at mauuwi rin sa annulment," usal ko naman.

"You're so harsh," komento ni Sophie. Napapailing pa ito.

"Sinasabi ko lang ang totoo."

"He loves someone, right? 'Yong Hazel? Bakit pumayag pa si Brent?" nagtatakang tanong ni Aria.

"I already asked him about this, and he said that he's not taken pero hindi ako naniniwala. Baka sinasabi niya lang iyon para pumayag ako. Sabi niya rin na ayaw niyang ma-disappoint ang parents niya that's why he agreed."

Still Loving You (OLD CLASSICS SERIES #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon